CHAPTER 6: MALL

1419 Words
HELLO! UPDATE AGAIN! EXPECT TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS. ENJOY!❤️ ANDRIETTE'S POV Maaga akong nagising dahil binilin ni Avelino sa amin kagabi na maagang magising dahil may pupuntahan kami. Kaso itong katabi ko ay humihilik pa rin hanggang ngayon. Ilang beses ko siyang ginising pero knockout talaga. Napailing na lang ako at dumiretso sa banyo. Namangha naman ako dahil sa marmol na sahig at magagandang muwebles. In-on ko ang shower at nagsimula nang maligo. Binilisan ko lang naman dahil baka kumatok na si Avelino sa amin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang pink fitted t-shirt at isang jeans. Nagpahid lang ako ng lotion na nakita ko rito sa loob ng banyo at naglagay ng kaunting pulbo. Maglalagay na sana ako ng lipgloss kaso naalala ko ang sinabi sa akin ni Avelino noon. Because it's tempting me to kiss you... Ipinilig ko na lang ang ulo ko nang mariin para mawala iyon sa isipan ko. Aminin ko man o hindi ay halos hindi ako nakatulog sa kakaiisip no'n. Sa huli ay naglagay na lang ako nang kaunti para hindi halata. Ayaw kasi ni Nanay na hindi ako naglalagay ng lipgloss dahil namamalat ang labi ko at dry. Agad akong lumabas ng banyo at napabuntong-hininga na lang nang makita kong tulog pa rin si Patricia. Tiningnan ko ang suot ko sa isang whole body mirror at tinernuhan ko ito ng pares ng puting sapatos. Sinuklay ko naman ang mahabang buhok ko at pinatuyo ng tuwalya. Mayroon namang blower pero ayaw kong gamitin dahil baka masira lalo na't hindi ako sanay gumamit no'n. Nagwisik lang ako ng pabango ko at ginising si Patricia. Gumalaw siya nang kaunti pero agad na bumalik sa pagtulog. Napakunot ang noo ko nang maalala kong hindi naman kami nagpuyat kagabi. Kung tutuusin nga ay sabay pa kaming natulog pero bakit hindi siya magising-gising? Naputol naman ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto. Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin si Avelino. Nakasuot siya ng black t-shirt at isang ripped jeans. Tinernuhan niya naman ito ng pares ng puting sapatos at amoy na amoy ko ang pabango niya. Buti na lang nakapagpabango na ako... " P-pasok ka muna." Aya ko sa kaniya at pumasok naman siya. Ginising kong muli si Patricia at sa wakas ay bumangon naman siya. " Bumangon ka na,Pat. Aalis tayo." Utos ko sa kaniya. Bumangon siya pero agad ding humiga." Ang sakit ng ulo ko. Baka pwedeng kayo na lang dalawa?" Pasuray-suray na tugon niya. Nagulat naman ako at napatingin kay Avelino na nakatitig lang kay Patricia. Bumaling ulit ako sa kaniya na ngayon ay nakahiga na naman." P-paano ka rito?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil kung nahihilo siya ay walang mag-aasikaso sa kaniya. At kaming dalawang lang ni Avel. Kahit gusto ko siyang kasama ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko para hindi na lumala itong nararamdaman ko sa kaniya. Hindi muna ako magnonobyo lalo na't 'yon ang bilin ni Nanay sa akin kaya dumidistansya na ako sa kaniya. " Hindi. Okay lang ako. Maya-maya naman ay mawawala na 'to. Baka ngayon lang umepekto sa akin ang mahabang biyahe kahapon. Alam mo namang gano'n ako 'di ba?" Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon ngunit gayunpaman ay ayaw ko pa rin siyang iwanan dito. Narinig ko namang bumuntong-hininga si Avelino kaya tumingin ako sa kaniya. " Magtatawag na lang ako ng mag-aalaga sa kaniya rito kung 'yon ang iniisip mo. Importante talaga 'tong lakad natin lalo na't malapit na ang pasukan." Singit ni Avelino. " Sige na, Andi. Kaya ko ang sarili ko. " Pangungumbinsi sa akin ni Patricia kaya napatango na lang ako. " Mag-iingat ka rito ah? Babalik na lang kami agad." Sagot ko sabay buntong-hininga. Tumango na lang siya at humiga na. Inaya naman ako ni Avelino kaya umalis na rin kami. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang isipin si Patricia. Bihira lang kasi siyang magkasakit kaya kapag nagkasakit siya ay matindi ang epekto sa kaniya. " Mabilis lang tayo. Mamimili lang naman tayo ng school supplies at groceries para sa hotel room niyo and uuwi na rin tayo agad." Wika ni Avelino kaya napalingon ako sa kaniya. Tumango na lang ako at bumalik ang tingin ko sa bintana. Ilang sandali lang ay nakarating na kami ng mall. Agad namang napatingin ang mga babae kay Avelino. 'Yong iba ay kinikilig sabay tingin sa akin at aalis na lang bigla. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa inasta nila at lalong nagsalubong ang ito nang makita kong karamihan ng mga lalake sa parking lot ay nakatingin sa akin. Nagulat naman ako nang hapitin ni Avelino ang baywang ko. " Tara na?" Bulong niya sa tainga ko. Hindi naman ako makalingon dahil sobrang lapit niya sa akin. Nabigla ako nang umalis ang mga lalaking nakatingin sa akin kanina. Tinanggal naman ni Avelino ang baywang niya pero inakbay niya ito sa balikat ko at inakay ako papasok ng mall. " Kumain muna tayo ng almusal at pagkatapos niyan ay mamimili na tayo ng school supplies." Sabi niya habang binabagtas namin ang daan papunta sa restaurant na kakainan namin. Tumango lang ako dahil nararamdaman ko na naman ang unti-unting paglakas ng kalabog ng dibdib ko. Narating naman namin agad ang resto kaya naghanap siya ng bakanteng pwesto. Ang mga babae naman ay parang sinisilihan nang makita nila si Avelino. Pero kapag nakikita nila ako ay parang walang nangyari at bigla-bigla na lang nanahimik. Nakakita naman ng pwesto si Avelino malapit sa bintana. Pinaghila niya ako ng upuan at pinaupo muna bago siya umupo sa sarili niyang upuan. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa mga simpleng gestures niya. " Anong oorderin mo?" Tanong ni sa akin habang nakatingin sa menu. " Kung ano na lang ang sa'yo." Tanging sagot ko na lang at napanguso. Hindi ko naman kasi alam kung anong masarap ang nakalagay sa menu. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa akin kaya nailang ako. " Did you put lipgloss on?" Tanong niya kagaya ng dati na siyang nagpakabog ng dibdib ko. " H-ha? H-hindi. Hindi ako naglagay." Utal-utal kong sagot. Naningkit ang mga mata niya bago siya tumango. Napabuga naman ako ng hangin at umiiling-iling. Tumingin na lang ako sa bintana at nagulat ako nang makita ko Ethan. Ang crush ko dati noong highschool. Nahagip niya rin ang tingin ko kaya nagulat siya at kumaway sa akin. Kinawayan ko rin siya at nginitian. May sinenyas siya sa akin pero hindi ko maintindihan. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Avelino kaya napalingon ako sa kaniya at nakita ko siyang titig na titig sa akin habang masama ang tingin. Kinabahan naman ako dahil baka may nagawa akong mali. " B-bakit?" Hindi ko mapigilang mautal dahil ramdam ko ang talim ng kaniyang tingin na ipinupukaw niya sa akin. Sasagot na sana siya nang biglang sumulpot si Ethan. " Hi,Andi! Long time no see ah?" Bati niya sa akin. " H-hello." Naiilang kong sagot dahil nararamdaman ko na naman ang talim ng tingin ni Avelino. Bumaling naman si Ethan kay Avelino." Boyfriend mo?" Turo niya kay Avelino sabay tingin sa akin. Sasagot na sana ako nang bigla siyang sumabat na nagpabilis ng t***k ng dibdib ko. " Yes. I'm her boyfriend. Any problem with that?" Maotoridad na sagot ni Avelino. Naiilang naman na tumango si Ethan at nagpaalam na. " S-sige, mauna na ako. See you again, Andi. Enjoy your date." Paalam niya. Aalis na dapat siya nang parang may nakalimutan siya. " By the way, I have a gift for you." Sabi niya sabay abot sa akin ng oxygen na hinihigop ko kapag umataka ang hika ko at talagang naka-costumize iyon sa pangalan ko. " Wow! Ang ganda! Thank you!" Manghang sabi ko sa kaniya. " Always." Tugon naman niya sabay ngiti nang matamis na kinababaliwan ko noon. Nagpaalam naman siya agad kaya inilagay ko sa bag ko ang ibinigay niya sa akin. " Did you like it?" Malamig na tanong niya sa akin at doon ko lang napagtanto na kasama ko pala siya. Na-occupied na naman ang utak ko dahil kay Ethan... Tsk! " H-ha?" Tanging sagot ko na lang. Mabuti na lang at dumating na ang pagkain namin . Ni hindi ko man lang napansin na naka-order na pala siya. Nagsimula naman kaming kumain na walang namumutawing ni isang salita sa amin. Tsk!Tsk! Kung may gusto 'to sa'kin baka isipin kong nagseselos siya pero alam ko namang imposible 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako at itinuloy ang pag-kain. FOLLOW ME FOR MORE UPDATES!❤️ daniella_ellawrites
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD