CHAPTER 4: SET-UP

1887 Words
ANDRIETTE'S POV Umuwi kami sa bahay at laking gulat ko nang makita si Gabriel doon na nakaupo sa upuan na tila kanina pa ako hinihintay. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya pagkatapos niyang umamin kagabi. May sama lang ako ng loob dahil 'yong mga kabutihan at pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay iba na pala ang ibigsabihin. Buong akala ko ay dahil magkaibigan lang kami. Pakiramdam ko na-traidor ako. Tumingin siya sa akin pero nagkunwari akong hindi siya napansin. Nahagip ko naman ang mapanuring mata ni Avelino na parang sinasabi niyang 'may mali sa inyo'. " Oh, nasaan si Patricia?" Tanong ni Nanay nang mapansin niyang kami lang dalawa ni Avelino ang umuwi. " Wala po si Patricia sa bahay nila. May pinuntahan daw po at baka mamayang gabi pa po makuwi. Sabi ni Aling Marlyn pwede raw namin siyang sunduin mamayang alas-sais. " Sagot ko kay Nanay habang naglalakad papalapit sa lamesa. Umupo naman ako sa katabing espasyo ni Nanay para makalayo kay Gabriel. " Gano'n ba? Edi kailangan muna naming manatili rito para may kasamang sumundo si Andi kay Patricia. " Mungkahi ni Aling Melissa na sinang-ayunan naman nina Nanay at Tatay. " O,siya sige. Mabuti pa't dito na lang kayo maghapunan. Maya-maya lang ay magluluto na ako ng pagkain natin mamaya." Tugon ni Nanay. Tuwang-tuwa naman sina Aling Melissa at Mang Rudolfo dahil gustong-gusto talaga nila ang luto ni Nanay. Samantalang ako naman ay kanina pa naiilang dahil hindi inaalis ni Gabriel ang tingin sa akin at sabayan pa ng mapanuring titig ni Avelino. Tumikhim muna ako bago mag-paalam kina Nanay. " 'Nay punta lang po muna ako sa kwarto ko." Tumango lang naman si Nanay dahil busy siya sa pakikipag-kwentuhan kay Aling Melissa. Pumasok naman ako agad sa kwarto para makatakas sa mga titig nila dahil baka mapansin sila nina Nanay. Nahiga ako sa higaan ko at tumingin sa kisame. Iniisip kung paano ko pakikitunguhan si Gabriel gaya ng dati. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko naman iyon at laking gulat ko nang makita ko si Avelino sa harap no'n. " B-bakit?" Utal kong tanong dahil ang bilis ng kalabog ng dibdib ko. " Bumaba ka raw at tulungan mo si Aling Luciana magluto. Maya-maya lang ay susunduin natin si Patricia." " S-sige. Susunod na lang ako." Sagot ko pero umiling lang siya." Bakit?" " Dito lang ako. Aantayin kita rito at sabay na pupunta roon dahil baka hindi ka bumaba. Huwag kang mag-alala dahil umuwi na si Gabriel." Hindi naman na ako nakatanggi kaya pumasok muna ako sa loob at nag-ayos. Amoy na amoy ko kasi ang pabango ni Avelino kaya medyo na-conscious ako sa amoy ko. Nagwisik lang ako ng pabango at naglagay ng kaunting pulbos. Sinampal-sampal ko naman ang pisngi ko para hindi halata ang publos at maging mapula ito. Samantalang kinagat-kagat ko naman ang labi ko para hindi maputla at binasa. Sinuklay ko ang buhok at lumabas na ng pinto. Nagulat ako nang wala na si Avelino sa tapat ng kwarto ko. Nagkibit-balikat na lang ako at lalakad na sana papuntang kusina nang biglang may nagsalita sa likod ko na siyang nagpakabog ng dibdib ko. " Beautiful." Mahina niyang saad pero sapat na para marinig ko. Unti-unti kong ibinaling sa kaniya ang tingin ko at napansinghap ako nang makita ko siyang nakasandal sa dingding habang nakakrus ang kaniyang braso at nakangiting nakatitig sa akin. " S-saan ka galing? Akala ko nauna ka na." Puna ko sa kaniya. Hindi ko man lang siya napansin sa tabi ng kwarto ko. Umiling lang siya habang hindi pa rin tinatanggal ang ngiti sa kaniyang labi. " Tara na. Sunduin na natin si Patricia. Siguro naman nando'n na 'yon dahil magaalas-sais na rin naman." Yaya ko sa kaniya pero hindi siya sumagot bagkus ay nanatiling nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya mabilis ko itong kinagat. Nag-iba naman ang awra ng mukha niya na tila hindi nagustuhan ang ginawa ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang labi ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko kaya medyo bumigat nag paghinga ko. " Did you put lipgloss on?" Mahina niyang tanong. Wala naman akong mahagilap na sagot kaya tanging pag-iling lang ang ginawa ko. Ngumiti siya bago lumapit sa tainga ko at bumulong. " Good. Because it's tempting me to kiss you." Boom! Sabog ang dibdib ko! Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. " Let's go." Aya niya kaya sumunod ako sa kaniya habang malalim pa rin ang paghinga ko. Nararamdan ko rin ang init ng pisngi ko at sigurado akong pulang-pula ako ngayon. Narating namin ang lamesa at naabutan naming nag-aayos na ng lamesa si Nanay at laking gulat ko nang makitang kasunod niya si Gabriel habang bitbit ang pagkain namin. Hinarap ko si Avelino kahit naiilang pa rin ako at bumulong sa kaniya. " Akala ko ba umalis na si Gabriel?" Nagkibit-balikat lang siya bago bumulong rin sa akin." Hindi ko alam na babalik siya." Napabuntong-hininga ako nang malalim kaya naagaw ko ang atensyon nila. " Nandiyan ka na pala,anak. Akala ko natulog ka." Sabi sa akin ni Tatay. Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti." Uhm, 'Tay, susunduin na po ba namin si Patricia?" " Ay,mamaya-maya na,anak. Kumain na lang muna tayo bago kayo umalis." Singit ni Nanay kaya tumango na lang ako. " Maupo na kayo diyan at ihahain ko na itong hapunan." Utos ni Nanay kaya mabilis akong tumulong sa pag-aayos ng mga pinggan. Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na kaming kumain at nag-usap tungkol sa magiging set-up ng pagpunta namin sa Maynila. Ilang sandali lang ay binabagtas na namin ang daan papunta kina Patricia. Tahimik lang kami hanggang sa magtanong si Avelino. " Anong problema ninyo ni Gabriel?" Usisa niya. Ayaw ko naman nang ikwento kaya umiling na lang ako. Bumuntong-hininga siya bago ulit nagsalita. " Hindi mo 'ko maloloko. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano ka niya gustong makausap. Pero ikaw hindi mo man lang siya tinatapunan ng tingin na parang hindi siya nag-eexist sa mundo." Sagot niya. Hindi naman na ako nagsalita dahil narating na namin ang bahay nina Patricia. Kumatok ako at nagpasalamat nang makitang nando'n na si Patricia. " Ano,tara na?" Siya pa ang naunang magyaya. Natawa na lang ako at niyaya na siya papunta sa kotse. Nagtaka man ay hindi na lang siya nagsalita. Lalo na no'ng makita niya si Avelino. " Avelino? Ikaw na ba 'yan?" Nagulat naman ako nang malaman na kilala niya pala ito. Tumingin naman si Avelino sa kaniya at ngumiti. " Long time no see, Patty!" Masiglang bati sa kaniya ni Avelino na may malapad na ngiti. " Sakay na!" Aya niya sa amin. Nakakunot pa rin ang tingin ko sa kanila pero agad na ring sumakay sa tabi ng driver seat kagaya ng pwesto ko kanina dahil pumunta na agad sa likod ng si Patricia. Habang nasa daan ay hindi ko na napigilan ang magtanong. " Magkakilala kayo?!" Natawa naman silang dalawa bago sumagot sa akin si Patricia. " Oo! Hindi lang kasi ito ang unang beses na pumunta sila dito. Hindi lang siya naipakilala noon ni Mang Rudolfo. Kilala na namin siya ni Nanay noon pa. Noong pumunta kasi sila rito ay nasa Maynila kayo at nagpa-check up kaya hindi niyo naabutan." Mahabang paliwanag niya kaya tumango naman ako. Naalala ko naman ang sinabi ni Aling Marlyn na nakita na nga nila noon si Avelino. " Check-up? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Avel. " May asthma kasi itong si Andi namin! Kailangan niyang magpa-check up buwan-buwan." Si Patricia na ang sumagot sa tanong niya. Pipigilan ko sana siya kaso masyado talagang siyang madaldal. Natigilan naman si Avelino na parang may inisip bago tumango. Ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay. Nando'n pa rin si Gabriel pero hindi ko pa rin siya nililingon. " Maupo ka,iha." Utos sa kaniya ni Nanay. " Kumain ka na ba? Gusto mong ipaghain kita?" Mabilis namang tumanggi si Patricia sa alok ni Nanay. " Naku,hindi na po,Aling Luciana. Kakakain ko lang po no'ng dumating sina Andi." Tugon ni Patty. " So,si Avelino kasi ang tutulong sa inyo sa Maynila..." Panimula ni Aling Melissa kaya tumahimik na kami. Inexplain niya naman ang magiging set-up gaya ng ikukuha lang kami ng dorm ni Avelino kapag may sapat na kaming pambayad buwan-buwan. Pansamantalang titira kami sa hotel na pagmamay-ari nila at siya rin ang maghahanap sa amin ng trabaho. Doon namin iipunin ang magiging pambayad namin sa dorm."... Maliwanag na ba sa inyo ang kasunduan?" Tanong ni Aling Melissa kasabay ng pagtango namin. Tuwang-tuwa naman si Patty dahil hindi na kami mangangapa kapag pumunta kami sa Maynila. " Naku, salamat po nang marami, Aling Melissa! Atlis hindi na po kami mangangapa sa pagpunta sa Maynila. " Tuwang-tuwa na pasasalamat ni Patty. " Wala iyon. Tutal parehas naman kayo ng school at kursong kukunin eh. Sayang rin ang talino niyo kung hindi mapapakinabangan. " Natatawang sagot ni Aling Melissa. Tumagal pa nang isang oras ang kwentuhan namin bago napagpasyahang ihatid si Patty. Sina Avelino na lang daw ang maghahatid kay Patty pauwi tutal ay iisang ruta lang naman sila ng daan. Nagpaalaman lang kami at nagpasalamat bago sila tuluyang umalis. Papasok na sana ako sa loob nang harangin ako ni Gabriel. " A-andi, pwede ba tayong mag-usap?" Pakiusap na tanong ni Gabriel. " Pakibilisan dahil tutulungan ko pa sina Nanay. " Malamig kong tugon. Ngumit siya nang mapait." Ibang-iba ka na sa Andi na kilala ko." Naiiyak niyang wika. " Bakit? " Tumingin naman siya sa akin na may halong pagtataka. " Bakit sa dinami-daming babae ako pa ang nagustuhan mo?" Tanong ko sa kaniya. " Dahil ibang-iba ka sa kanila. Hindi ko na iisa-isahin pa pero may mga katangi-tangi kang ugali na wala sa ibang babae. Dahil na rin siguro sa tagal nating magkasama." Sagot niya naman sa akin. " Alam mo bang pakiramdam ko ay na-traidor ako?" Nangingilid na rin ang aking luha kaya hindi ko na mapigilan ang panginginig ng aking boses. Tuluyan na ngang tumulo ang luha niya at niyakap ako nang mahigpit. Nabigla naman ako kaya hindi ako nakatugon. " Sorry, Andi. A-ayaw kong m-mawala ang p-pagkakaibigan natin pero kapag itinago k-ko 'tong n-nararamdaman ko ay baka mas lalo lang akong mahulog sa'yo. " Humihikbi niyang paliwanag at mas lalo pang hinigpitan ang kaniyang yakap sa akin. Tumulo naman na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. " Sorry din. Sorry kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Natatakot akong mawala lahat ng pinagsamahan natin. Kaya pasensya na kung nasasaktan kita. " Sabi ko sa kaniya at niyakap na rin siya. Naramdaman ko naman ang kaniyang pag-ngiti. " Okay lang. Atlis nasabi ko sa'yo ang nararamdaman ko." Bumitaw naman na siya sa pagkakayakap sa akin at medyo tumahan na rin sa pag-iyak. Tumigil na rin naman na ako. " Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako palagi. Susuporta sa'yo. At magmamahal bilang kaibigan. " Ngumiti siya sa akin ngunit kita ko pa rin ang sakit sa kaniyang mga mata. Napangiti na lang rin ako sa kaniya. Nagpaalaman na rin kami kaya pumasok na ako sa loob. Natulog naman ako nang nabawasan ang bigat ng loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD