UPDATE! NGAYON LANG KASI MAY NAG-RUSH NA NAMAN AKO SA MODS?
EXPECT TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS
ENJOY!!
ANDRIETTE'S POV
Nandito kami ngayon sa National Bookstore at namimili ng mga school supplies. Itong kasama ko ay hindi pa rin ako pinapansin simula no'ng nasa restaurant kami. Dumagdag kasi ang galit niya nang bumalik na naman si Ethan.
~FLASHBACK~
Kasalukuyan kaming kumakain pero kahit ang sarap ng kinakain ko ay wala akong gana dahil hindi ako pinapansin nitong kaharap ko.
" Sino si Ethan?" Malamig niyang tanong sa akin.
Parang lalong nadagdagan 'yong lamig ah...
" H-highschool crush k-ko." Alanganin kong sagot. Natatakot kasi ako na baka may masabi akong mali.
Tumalim na naman ang tingin niya sa akin kaya bahagya akong natakot. " B-bakit ka ba kasi nagagalit?" Buong lakas kong tanong kahit binubundol ng kaba ang dibdib ko.
Natigilan naman siya at umiling. " Kumain na lang tayo."
Matiwasay naman kaming kumakain nang biglang sumulpot na naman si Ethan. " Andi,alam kong ngayon lang tayo nagkita pero can I ask you a date?" Tanong niya.
Nanlaki naman ang mata ko at mas lalong kinabahan nang makita ko sa peripheral vision ko at paghigpit ni Avelino sa hawak niyang kutsara.
" Alam ko namang hindi mo talaga siya boyfriend eh. " Dagdag niya sabay turo kay Avelino.
" H-ha? A-ano kasi eh...." Ang tangi ko na lang nasabi dahil nag-aalangan akong sumagot.
Napansin naman ni Ethan na medyo nahihirapan akong sumagot. " No worries,hindi naman kita pinipilit. I'm just asking for your consent. Sige na, mauuna na ako. Goodbye, Andi." Paalam niya sabay kindat sa akin. Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang dahil nakaalis na siya.
Bumaling naman ako kay Avelino na mahigpit ang hawak sa kutsara habang nakayuko pero nararamdaman ko ang madilim niyang awra.
Inaangat niya rin naman ang kaniyang ulo at nagsimulang kumain na parang walang nangyari. Ako naman ay kumain na lang din habang nakikiramdam.
--------------------------------------------------
AVELINO'S POV
Gustong-gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hindi ko alam kung paano ko natitiis na hindi pansinin si Andi kahit gusto ko siya kausapin. Naiinis pa rin ako dahil parang nawala ako sa eksena nang biglang sumulpot 'yong Ethan na 'yon.
Mas lalo pa akong nainis dahil nakita ko kung gaano kasaya si Andi sa binigay niya. Kumikinang pa ang mata niya. Tapos nalaman ko pang highschool crush niya?!
Mas lalo pa akong nag-alab sa galit nang yayain niya si Andi na makipag-date. Mabuti na lang at umalis na siya dahil kung hindi ay masusuntok ko siya.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito ako umasta? Kung tutuusin ay dapat wala akong pakialam pero bakit ganito ako?
Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko dahil hindi ko dapat 'to nararamdaman. But I can't help myself.
I'm jealous.
Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi dapat dahil may girlfriend ako but f*ck! I don't want to hide it.
I'm starting to have special feelings for Andi.
At ngayon ay nandito kami sa National Bookstore para mamili ng school supplies na gagamitin namin. Kitang-kita ko naman ang pagkamangha sa iba't-ibang stationary na nakikita niya.
How innocent. Cute!
Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kaniya. Kita ko naman ang gulat niya kaya pinigilan ko ang sarili ko na tumawa.
" Kung gusto mo nitong stationary,pwede kang pumili ng kahit ilan." Gayunpaman, pinanatili kong malamig pa rin ang aking boses.
" S-sige." Tugon lang niya at lumayo para maghanap pa ng ibang stationary.
Sinabihan ko naman siya na mamili ng kahit anong gusto niyang kunin dahil tapos naman na kaming mamili ng main school supplies namin. Ang pinapili ko sa kaniya ay 'yong mga iba pang supplies na gusto niyang dalhin sa university. Ako naman ay sinusundan lang siya habang namimili.
Ilang sandali lang ay lumapit na siya sa akin dala-dala ang tatlong stationary notebooks na pakiwari ko ay for taking notes lang naman at hindi talaga required sa school. Mayroon din siyang limang kulay ng highlighter pens at ibang kulay ng ballpen.
Kumunot naman ang noo ko kung bakit 'yon ang binili niya. " Para saan 'yan?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
" A-ah, mahilig kasi akong mag-calligraphy at magsulat kaya ito 'yong binili ko. Pampalipas-oras lang." Sagot naman niya habang nakatingin lang sa mga notebooks.
Tumango na lang ako sa kaniya. Wow! Hindi ko alam na may ganoong side pala siya.
Binayaran namin lahat ng biniling school supplies namin pati na rin kay Patricia at umabot ng 15,000 mahigit.
" Grabe, ang mahal pala ng pinamili namin." Narinig kong bulong niya.
Hindi ko napigilan ang mahina kong pagtawa kaya nang lumingon siya sa akin ay pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko. Nalungkot naman ang mga mata niya marahil siguro ay iniisip niyang galit ako sa kaniya.
" M-may pupuntahan pa ba tayo?" Mahina niyang tanong habang nakatungo.
" Yes. Didiretso tayo ng supermarket para sa mga stocks niyo sa hotel and of course bibili na rin tayo ng gamot ni Patricia sa pharmacy."
Tumango lang siya at nagpatiuna nang maglakad papuntang supermarket.
" Kukuha pa ba ako ng push cart?" Tanong niya pagpasok namin ng supermarket.
" Oo. Marami tayong bibilhin " Tugon ko at nagsimula na kaming mamili. Iniwan naman namin ang school supplies sa guard ng supermarket at doon namin kukunin mamaya.
Habang namimili ay hindi ko maiwasang mainis dahil ang daming tumitingin na lalaki sa kaniya. Hubog na hubog kasi ang kaniyang katawan sa kaniyang fitted shirt at talagang matangkad. Hindi naman maipagkakaila na kahit hindi siya ganoon kaputi ay talagang makinis ang kaniyang kutis.
Nang makita ko namang papalapit ang grupo ng mga lalaki ay agad ako lumapit sa kaniya at hinapit ang kaniyang baywang sabay tingin nang masama sa mga lalaki gaya ng ginawa ko kanina sa mga lalaki sa parking lot.
Samantalang ramdam ko naman ang gulat niya at halos hindi na makagalaw dahil hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa baywang niya.
Kung pwedeng huwag ko nang alisin para hindi ka nila matingnan..
Doon ko lang napagtanto kung gaano ka-slim ang kaniyang katawan. Nalungkot naman ako nang marealize ko kung gaano ako katanga kung bakit siya ang ginamit namin para sa letseng plano na 'to.
Hindi pa rin siya gumagalaw kaya bumulong ako sa kaniya. " Next time huwag kang magsusuot ng fitted na damit lalo na kung lalabas tayo dahil maraming adik dito sa Maynila. Mamili ka na ulit " Bulong ko at tumango naman siya.
Namili kami gaya ng mga chichirya,juice,at iba pang snacks pati na rin ng kakainin namin sa araw-araw. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na para kaming mag-asawa sa ginagawa namin dahil habang namimili siya ng bibilhin ay ako naman ang taga-tulak ng cart.
" Ito na ba lahat ng bibilhin natin?" Tanong niya dahil hindi naman ganoon karami ang binili namin.
" Yup. Hindi naman kasi tayo pwedeng magtagal sa hotel kaya ililipat ko kayo ng condo sa susunod na araw."
Bihira lang kasi ako mag-stay dito sa hotel and more on sa condo ako nakatira. Kagabi ko lang 'to napagdesisyunan na ililipat ko sila sa katabing condo ko.
" Ha? Alam ba 'to nina Nanay?"
" Yes. Sinabi ko na sa kanila."
I lied. Hindi 'to alam nina Nanay Luciana dahil alam kong hindi sila papayag.
Kung pwedeng ako na lang ang masusunod sa lahat..
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa laki ng pagkakamali ko. Akala ko tama 'tong desisyon ko.
Lumingon naman siya sa akin. " Bakit? May problema ka ba?" Mahina niyang tanong.
Yes. Malaki ang problema ko at kahit kailan hindi ko ito maitatama dahil nagsisimula na.
Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti. Nginitian lang niya rin ako.
Sana makita ko pa 'yang ngiti mo pagkatapos ng lahat.
Nagbayad naman kami sa counter at umuwi na. Pagkarating namin sa hotel ay nakita naming tulog pa rin si Patricia habang humihilik pa.
Nilapitan naman siya ni Andi at ginising pero mas lalong lumakas ang hilik niya kaya napabungisngis si Andi.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang pinagkakatuwaan niya si Patricia. Napapailing na lang ako sa kakulitan niya.
Napabuntong-hininga naman ako nang maala ko na naman ang tunay kong dahilan kung bakit ako nandito.
Hindi nagtagal ay nagising naman si Patricia kaya inilagay na nila ang mga stocks sa cabinet habang ako naman ay pumunta na sa mismong kwarto ko.
Dumiretso ako sa balkonahe at ilang sandali lang ay tumawag na ang taong nagsagawa nitong plano.
ON CALL
" Anong na ang nangyayari dyan? Balita ko namili raw kayo?" Tanong niya sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. " Yes, I bought them some stocks. Ililipat ko sila sa katabi kong condo next week."
" Kasama rin ba sa pagbili niyo ang paghapit sa baywang niya?" Sarkastiko niyang tanong.
" And so?"
" Tsk,tsk! Baka nakakalimutan mong may nobya kang naghihintay rito?"
" Yeah,I know. And I'm doing this for her so please tell her to wait and don't be jealous " Pakiusap ko.
Mahal ko ang girlfriend ko kaya hindi ko naiintindihan kung bakit may ganito akong nararamdaman para kay Andi.
" Sige. Sasabihin ko sa kaniya. At pwede bang simulan mo na?! Naiinip na kami! Kating-kati na akong makitang magdusa ang pamilyang 'yan!" Sigaw niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa pamilya nina Andi.
Kahit ako ay may galit sa kanila pero sa tuwing nakikita ko si Andi ay nagkakaroon ako ng rason para umatras sa plano pero huli na ang lahat. Kailangan nang masimulan dahil nanganganib na ang buhay ng lola ko.
She wants justice before she dies. We really love her kaya gagawin namin ang lahat para sa kaniya.
Sorry, Andi.
THANKS FOR READING!❤️
DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY.
GOODNIGHT!❤️