CHAPTER 8: PAGSISIMULA

1445 Words
GOOD EVE!❤️ SORRY NGAYON LANG ANG UD. BUSY SA MODS EH.. EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS ENJOY! New names na gagamitin dito... ANDRIETTE'S POV Mabilis na lumipas ang buwan ay maayos naman ang pananatili namin dito sa Maynila. Ilang linggo na rin ang lumipas nang ilipat kami ni Calvin sa condo na tinitirhan niya. Mas gusto ko rito kaysa sa hotel. Mas maganda kasi ang view na nakikita ko. Nandito ako ngayon sa balkonahe nang may kumatok sa pinto. Lumapit ako at binuksan ang pinto. Bumungad naman doon si Calvin na may dalang tatlong pint ng ice cream. " Wow! Pasok ka, dali!" Makulit kong saad. Favorite ko talaga ang ice cream! Napabungisngis naman siya. Sa ilang buwan na pananatili namin dito at pagkakasama ay naging magaan naman ang loob ko sa kaniya. Wala na 'yong mga ilang. At doon ko rin narealize 'yong nararamdaman ko sa kaniya. Admiration lang talaga. Hindi like. Maybe I like him because of admiration. So crush lang talaga. Mayroon din akong crush sa room namin, si Carlos Natividad. Kaklase ko siya at mabait siya sa akin. Umupo naman siya sa sofa. Wala si Patricia rito dahil nagkita sila ng long-time friend niya na matagal niya nang hindi nakita. So 'yon, ako lang rito mag-isa. Buti na lang walang pasok kaya rest day ko ngayon. " Si Patricia, nasaan?" Tanong niya habang binubuksan ang pints. " Wala eh. Nakipagkita sa friend niya. Reunion ba kasi ang tagal na raw nilang hindi nagkita." Sagot ko at tumayo muna para kumuha ng kutsara. " Nabobore ka? " Rinig kong tanong niya mula sa sala. " Hmm, konti. Gusto ko ngang gumala eh. " " Gusto mong mag-swimming? " Tanong niya at halos takbuhin ko naman siya. " Talaga?! Saan?!" Excited kong tanong. Napatanga naman siya sa akin bago natawa nang mahina. " Calm down. Tinatanong lang kita kung gusto mo bang mag-swimming." Natatawa niyang saad. " Oo nga! Saan ba?! " " Sige. Mag-swimming tayo. Balutin mo na 'yong mga dadalhin mo. " Utos niya sa akin at halos mapatalon naman ako sa tuwa. Dumiretso naman ako sa closet ko at nagdala ng damit panligo at damit na pamalit. Hindi naman kasi ako mahilig mag-swimsuit dahil naiilang ako. Dinala ko pa ang ilang essentials ko bago ako lumabas ng kwarto. Hindi ko naman naabutan si Calvin doon kaya baka nagbalot din siya ng damit. Bigla namang tumawag si Patricia kaya sinagot ko dahil baka importante ang tawag. On call " Hello? Bakit?" Tanong ko. " Andi, dito muna ako matutulog kina Jeninna. Nagdecide kasi siya na magsleep-over ako sa kanila eh. " Sagot niya naman sa kabilang linya. " Ahh, okay lang. Siya nga pala, magsi-swimming kami nina Calvin ngayon." " Weh? Sayang hindi ako makasama. Di bale next time na lang " " Boring daw kasi eh.. " " Sus, boring daw! Gusto ka lang kamo masolo! " Sigaw siya sa kabilang linya sabay tawa na parang baliw. Baliw talaga siya Natawa na lang ako sa kaniya kahit nag-iinit ang pisngi ko. Buti na lang wala siya rito. " Sige na, aalis na kami. Mag-ingat ka diyan. Enjoy! " Paalam ko sa kaniya. " Sige, sige. Bye na. Ikaw ang mag-enjoy!" Sagot naman niya bago tumawa nang malakas at pinatay na ang tawag. Natawa na lang ako dahil sa kakulitan niya. Bumaling naman ako sa pinto at bumukas naman ito. Iniluwal no'n si Calvin na may dala na ring bag. " Let's go?" Tanong niya. Ngumiti naman ako nang malawak. " Tara na!" Sagot ko naman at nagpatiuna na palabas. Sorry na excited lang... Narinig ko namab ang mahina niyang pagtawa bago sumunod sa akin. Ilang sandali lang ay binabagtas na namin ang daan. Nagku-kwentuhan naman kami habang siya ay nagda-drive. " Anong ipapanligo mo?" Tanong niya sa akin. " Damit lang. Hindi naman kasi ako sanay magswim-suit at saka wala naman akong rashguard." " You should try wearing a swimsuit. I'm sure babagay sa'yo dahil maganda naman ang katawan mo. " Sabi niya saka bumaling sa akin at kinindatan ako. Nag-init naman ang pisngi ko kaya humarap ako sa bintana dahil sigurado akong pulang-pula na ako ngayon. " What now? Okay ka na ba dyan sa panligo mo?" Tanong niya ulit. Nag-isip naman kung magsusuot ako ng swimsuit o hindi. Napagdesisyunan ko naman na huwag na lang dahil hindi talaga ako sanay. " Huwag na lang. Ayaw ko talaga." Iiling-iling kong sagot. Tumango naman siya at nag-drive na lang ulit. Ilang sandali lang ay nasa destinasyon na kami dahil wala namang traffic. Nandito kami ngayon sa isang private resort sa Batangas. Ang ganda! " Wow! Ang ganda rito! Ang sariwa ng hangin!" Mangha kong saad sabay langhap ng hangin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin papuntang reception desk. Namangha naman ako sa reception area dahil ramdam na ramdam mo ang presko at light aura ng paligid. Nabalik naman ako sa ulirat nang magsalita ang receptionist na ikinagulat ko. " Sorry,sir, we don't have enough room na po for 2 person. Occupied na po kasi ang space dahil sabado po ngayon. Would you still get it, sir? " Ibigsabihin magkasama kami sa kwarto?! Kinalabit ko naman si Calvin para itanong ang tungkol sa kwarto. " Hanggang kailan ba tayo rito?" " It's Saturday kaya bukas na ng hapon ang uwi natin. " Nanlaki naman ang mata ko dahil bukas pa ang uwi namin. I-ibigsabihin magkakasama kaming matulog mamaya?!!! Bumaling naman ulit siya sa receptionist at tumango. " Yes, I'll get it " Ibinigay naman ng receptionist ang susi ng magiging kwarto NAMIN. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila papunta sa kwarto. Hindi naman ako makapagsalita dahil ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Hawak-hawak niya pa rin ako kahit nakapasok na kami sa loob ng kwarto. " Ibaba mo ang mga gamit mo at magpalit ka na. Sayang ang araw oh " Utos niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Kinuha ko ang fitted sando ko at cycling shorts. 'Yon ang dinala kong panligo. Pumunta naman ako sa banyo at nagpalit na. Buti na lang at may nakita akong sunscreen kaya nagpahid ako para maproteksyunan ang balat ko. Ilang sandali lang ay lumabas na ako ng banyo at naabutan ko naman si Calvin na nakaupo sa kama habang may kausap sa telepono. Napabaling naman ang tingin niya sa akin at agad na sinuri ako mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako kaya dumiretso na ako kung saan ang bag ko at nilagay doon ang damit ko. " Hindi ka pa ba magpapalit?" Tanong ko habang inaayos ang damit ko. Pinaibabaw ko kasi ang damit kong ipamamalit. " Hala, wala pala akong pantulog na damit!" Sigaw ko. Nilingon ko naman siya at laking gulat ko nang makita siyang titig na titig sa akin. Kitang-kita ko naman ang nagbabaga niyang tingin habang nakatingin sa akin. " B-bakit?" Kinakabahan kong tanong. Tila nabalik naman siya sa ulirat at umiling. Kinuha naman niya ang damit niya at pumasok na ng banyo. Napailing na lang ako dahil sa inasta niya. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit gano'n na lang ang tingin niya sa akin. Ilang minuto naman ay nakababa na kami at naglalakad na papuntang dalampasigan. Tumakbo naman ako kaagad at lumusong. Ang sarap!! Napakalinaw ng tubig at hindi gaanong malamig dahil summer na. Sumunod naman sa akin si Calvin at lumangoy na rin. Para kaming mga bata na naglalaro sa tubig. Laking gulat ko nang binuhat niya ako kaya tumili ako. " Calvin!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tili ko sa kaniya. Siya naman ay tawa lang nang tawa. Ibinaba niya naman ako pero alam kong malalim na kaya kumapit lang ako sa leeg niya. " Huwag mo 'kong ibaba! Malalim!" Sigaw ko dahil unti-unti niya na akong ibinababa. Ang ginawa ko ay ipinulupot ko ang binti ko sa baywang niya para hindi niya ako maibaba. Tila nagulat naman siya kaya nahinto ang mga kamay niya sa baywang ko. Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko nang makitang nakatitig siya sa akin at mahigpit ang pagkakahawak sa baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at napabitaw sa kaniya. Nahulog naman ako sa tubig kaya agad akong lumubog. Sinagip naman ako ni Calvin at hinawakan sa baywang para hindi ako makabitaw sa kaniya. Tinitigan niya lang ako habang ako naman ay uubo-ubo. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at may ibinulong na nagpakunot ng noo ko. " F*ck, I'm doomed " THANKS FOR READING! ❤️ DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLESE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT! ❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD