Rob and Ingrid - Ch 3. He's the 'Boss'

1928 Words
MASAYA si Ingrid na natanggap siya sa trabaho sa White Devil kahit pa wala siyang alam sa pagiging waitress. Sa pananaw niya ay hindi na mahalaga pa iyon, ang mahalaga ay kasama niya si Rob Matsui araw-araw. Sinamahan siya ni Rob na libutin ang buong White Devil pero wala dito ang atensyon niya kun'di nasa binata. Abot na yata hanggang batok ang mga ngiti niya sa labi na parang batang sunod nang sunod dito. "Itatanong ko pala kung bakit kailangan mo ng trabaho? Pinaalis ka na ba sa bahay ni Mr. Punzalan?" tanong ni Rob. Nakatulala pa siya sa gwapo nitong mukha at hindi naiintindihan ang sinasabi ng lalaki. Hindi na nga niya napapansin na may tumutulong laway na sa gilid ng kanyang labi. Pinunasan iyon ng binata kaya siya nabigla. Sa unang pagkakataon ay namula ang pisngi ni Rob dahil sa pagka-conscious sa kanya. Tumikhim ito dahil sa ginagawa niya rito, bahagya itong nailing. 'Sh*t! Nakakahiya!' Bigla niyang tinakpan ang bibig. "Ah! Y-yes," biglang sagot niya rito kahit hindi niya alam kung ano ang tinanong nito. "T-tiny!" tawag nito sa lalaking may malaking katawan na cook sa kusina. Nakasuot lang ito ng puting T-shirt na pinapatungan ng apron na maraming talsik ng sauce. May hawak pa itong butcher knife. "Paki-assist si Lina," utos ng binata dito. Napalingon naman si Tiny sa kanya. "Wow! Bagong trabahador, Boss? Ganda ah!" puri nito. Namula naman ang mukha ni Ingrid. Marami ang nagsasabi na maganda siya kaya naniniwala siya dito. Saka, sino ba ang may gustong masabihan ng panget? "Tulungan mo siya, may gagawin pa kasi ako sa opisina." Tinapik ni Rob sa balikat ang cook na may malaking katawan saka siya nito tinalikuran. Nanghinayang siya na umalis ito agad. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa isa sa mga kwarto. "Hmm… crush mo si Boss Rob?" tanong ni Tiny. Sinundan kasi nito ang parang nangangarap niyang mga paningin. Bigla niya itong nilingon. Namula nang bahagya ang pisngi niya dahil sa napansin nito. Hinawakan niya ang pisngi dahil sa hiya. Ganoon ba siya kahalata? "Hay naku, Ineng! Ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Delikado na mainlab ka kay Boss Rob." Sumimangot siya sa sinabi nito. "B-bakit naman po?" Biglang lumitaw si Black sa likod ng katawan ni Tiny. "Dahil sa trabaho na mayroon siya. Isa pa, marami siyang babae!" sabad ni Black sa usapan. Kumunot ang noo niya. "B-babaero po ba si Boss Rob? Bakit nga pala Boss Rob ang tawag niyo sa kanya? Saka, bakit naman delikado ang babae sa trabaho niya?" "Boss Rob ang tawag namin sa kanya dahil siya ang boss namin. Siya ang may-ari nitong White Devil Bar! Bakit parang hindi mo alam?!" hindi makapaniwalang tanong ni Black. Umawang ang labi niya sa narinig. 'No, hindi ko nga alam,' isip-isip niya habang nanlalaki ang mata. Ang nasa isip niya ay natatakot lang ang mga ito sa lalaki kaya tinatawag na 'Boss' si Rob Matsui. ….. SINABI niya sa Daddy niya na mamumuhay siya nang simple sa loob ng dalawang buwan para maramdaman ang buhay ng isang manggagawa. Ayaw nitong pumayag nang una ngunit wala itong nagawa. Dahil may trabaho na siya, iniisip niya na sapat na iyon sa pamumuhay niya sa araw-araw. She doesn't know anything about the everyday life of a hard worker. Hindi niya alam kung magkano ang renta sa bahay. Hindi niya alam kung magkano ang bayad buwan-buwan sa kuryente, tubig at kung ano pa. Bitbit ang isang bagpack ay pumasok siya ng White Devil. Nagtitingin-tingin siya sa internet at baka sakaling may makuha siyang bahay na maupahan na malapit doon. Ang sweldo niya sa White Devil ay fifteen thousand, pagbibigay-alam ng Manager na si Mikal noong nakaraang araw. Kung papalarin ay may makukuha pa siyang tip sa mga parokyano na hindi pakikialaman ng management ng bar. Ang mga nakikita niyang apartment ay nagkakahalaga din ng fifteen thousand at mahigit pa. Nainis si Ingrid. Nakabusangot ang mukha niya nang lapitan siya ni Black habang nakaupo siya sa tapat ng isang bilog na mesa. Maaga pa naman kasi ang kasalukuyang oras sa pagbukas ng White Devil na alas kwatro ng hapon. "Ingrid, bakit parang asar ka sa cellphone mo?" puna ni Black. "Ang mamahal kasi ng mga apartment na nakikita ko. May alam ka ba na malapit lang dito?" "Hmm… Saan mo ba gusto?" "’Yung malapit lang sana rito, 'yung walking distance." "Mahal talaga kung dito ka sa malapit. Business area kasi ito at puro building ang nasa paligid. Malamang condo lang ang makukuha mo kung sa malapit ka!" Ngumuso siya. Ganoon na nga ang mangyayari. "Sa bahay ko na lang! Libre lang," nakangisi na sabi nito. "E kung kutusan kaya kita!" nakaamba pa na sabi niya rito. "Biro lang," nakangisi nitong sabi. "Black!" tawag ni Rob dito na kalalabas lang mula sa loob ng opisina nito. Lumapit ito sa kanila. "Yes, Boss?!" "‘Yung pinalalakad ko sa iyo na hindi mo pa nagagawa, ‘asan na?" Napakamot sa ulo ang lalaki. "H-heto na po." Nagmadali itong umalis. Nagtitigan silang dalawa ni Rob at kapwa inaaral ang bawat isa. Parang may nagtatakbuhan na daga naman si dibdib niya dahil sa titig nito. Tumikhim ang lalaki. "Naghahanap ka ng bahay?" tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tumango siya "Oo, kaya lang walang mura eh." "I live near here. Pwede mong rentahan ang katabing kwarto ng bahay ko," anito. Nagliwanag ang mukha niya sa nadinig. Talaga nga namang ibinibigay sa kanya ang hiling niya, may boso pa siya sa binata araw-araw.  …..  DINALA ni Rob si Ingrid sa isang condominium na ilang metro lang ang layo mula sa White Devil. Isang high-end na condominium iyon na may dalawang palapag. Akala mo ay ordinaryong bahay sa loob kung hindi mo lang makikita ang view sa labas ng floor-to-ceiling window. Malinis ang kabuuan ng bahay nito. May mga nakasabit na painting sa gilid. May maliit na dining table sa kusina. Sa ikalawang palapag ay may magkatabing kwarto. Ang unang napuna ni Ingrid, pantay ang lahat ng bagay at kagamitan sa loob. Tulad na lang ng painting. Parang may invisible na ruler sa pader kaya pantay na pantay ang pagkakahang nito sa pader. Ang flower base na nakapatong sa cabinet saka sa mesa. Lahat ay pantay kahit ang blinds sa bintana. Pinasuot ni Rob sa kanya ang puting tsinelas bago pumasok at itinabi nito nang maayos ang snickers niya sa shoe cabinet na nasa bungad. Ang unang napansin ni Ingrid ay may Obsessive-compulsive Disorder o OCD sa katawan ang lalaki. "P-parang hindi ako bagay rito," nakayuko at nahihiya niyang sabi. Nakakunot ang noo nito sa sinabi niya. "Bakit naman?" Aaminin ba naman niya na makalat siyang babae? Na sa sobrang linis ng bahay nito, parang kahit germs ay mahihiya na mag-stay doon? Parang nakakahiya na tumira roon ang isang katulad niya. Hindi tuloy siya makasagot sa tanong nito. "H'wag kang mag-alala, maglinis ka lang ng bahay ay okay na sa’kin kahit huwag ka nang magbayad ng renta." "Talaga?" ulit na tanong niya. Kaya lang ay may problema, nakalimutan niya na hindi siya marunong maglinis. Hinawakan siya nito sa pulsuhan saka siya dinala sa ikalawang palapag. Binuksan nito ang isa sa dalawang pintuan.  "Dito ka sa kwarto na ito tutuloy, okay?" Pinagmasdan niya ang kwarto. Katulad ng living room or main area ng bahay nito, malinis din ang kwarto. May queen size bed na kama. May kabinet sa isang gilid. Sa unang tingin pa lang ay mukhang maugustuhan na niya rito. "'Ngapala, minsan nasa probinsiya ako o kaya ay nasa ibang bansa kaya madadalas na mag-isa ka lang dito sa bahay. 'Yon din ang dahilan kung bakit sinabi ko na hindi na kita sisingilin. Mas kailangan ko kasi ng magbabantay rito." Tumango siya. "Ayos lang. Ang totoo ay dalawang buwan lang ako titira dito." Kumunot ang noo nito sa narinig. Hindi rin naman ito nagtanong pa. "Sabihan mo lang ako kung kailan ka aalis," sabi ni Rob saka nagpaalam na sa kanya. Napahawak sa baba si Ingrid para mag-isip nang mapag-isa. Nagpa-plano na siya kung ano ang gagawin. Sa loob ng dalawang buwan, kailangan na mapa-ibig niya si Rob Matsui. Pero paano niya 'yon gagawin kung nasabi na nito na mas madalas na wala ito roon sa bahay? Napabuntong-hininga na lang siya saka sinimulan na ayusin ang gamit. ….. SA LOOB ng isang linggo, halos hindi na nga sila nagkita ni Rob sa bahay nito.  Isang beses lang na nakasabay siya dito pagpasok sa White Devil saka pag-uwi sa bahay nito. Minsan ay saglit lang ang lalaki sa bar tapos ay aalis din ito agad. He’s a busy man. Nitong nagdaang araw, nagpunta ito sa probinsya ng Maunlad.  May hinahanap ang grupo nito na 'Ginny' ang pangalan. Sa loob din ng mga panahon na iyon, halos puro palpak ang gawa niya sa trabaho. Madalas siyang pagalitan ni Mikal na manager ng branch na iyon. Gustuhin man niyang sumuko, nakatatak na sa utak niya na seseryosohin niya ang trabaho na iyon dahil ayaw niyang ma-turned off sa kanya si Rob Matsui. Isang gabi, dumating si Rob kaya muli na naman niyang nasilayan ang mukha ng lalaki. Tila excited na bata na bigla niyang binuksan ang pintuan. Nanlaki na lang ang mata niya nang makitang may babae sa loob na naghuhubad ng blusa. "Oh! Oh my god! I'm sorry!" agad na hingi niya ng paumanhin. "Bakit bigla kang nagbukas ng pinto?!" inis na sita ng babae. Napalunok siya. Nakita niya si Rob na nakaupo lang sa harap ng mesa nito at nakatingin sa kanya. "I'm sorry," Ulit niya at saka niya sinara muli ang pintuan. Pagkasara niyon ay bumalot agad ang lungkot sa pagkatao niya. Ito pala ‘yung sinasabi ng mga kasama niya noon. Hindi siya pwedeng mainlab kay Rob Matsui dahil babaero ang lalaki. May namuong luha sa mata niya na pinunasan niya rin agad. Umabot ang pagkalumbay niya hanggang sa makapasok siya ng bar sa magdamag. Napansin naman ni Black ang mood niya kaya inaya siya nitong lumabas nang sumapit ang oras ng breaktime nila. "May sakit lang ako," simpleng sabi niya. 'May sakit ako sa puso.' "Gano’n ba? If you want, ipagpapa-alam kita kay Mikal. Pwede na kitang ihatid." Tumango siya. Kapag ganitong nalulumbay siya, mas gusto niya na magshopping kaya mas mabuti pa nga na umuwi na siya para makapagbrowse siya sa Zalora online shopping. 'Yun nga lang, may problema! Wala pa siyang sweldo at hindi niya kinuha ang credit cards niya sa bahay. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung uuwi ba siya sa kanila o hindi. 'Hmp! kaya ko 'to!' Hindi pinayagan si Black na umalis ni Mikal, pero pinayagan nito si Ingrid na umuwi na kaya mag-isa siyang umalis ng White Devil's bar at naglakad pauwi sa bahay ni Rob. Marami namang tao sa paligid kahit gabi na, pero nabigla siya nang hinintuan siya ng isang kotse na may laman na grupo ng kalalakihan. Kulay pula ang Hyundai accent na kotse na huminto sa gilid niya. May sakay na apat na lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanya. Malakas ang tugtog ng radyo nito sa loob. Mabagal ang pagmamaneho nito at pilit na sinabayan siya na naglalakad sa eskinita. "Hello Miss," sabi ng lalaki na nakaupo sa unahan. Nilingon niya lang ito pero nagpatuloy siya sa lakad. "Ang sexy mo kasi, maganda pa ang legs. Libre ka ba ngayon?" tanong ng isa. Hindi ito pinansin ni Ingrid sa halip ay binilisan niya ang lakad. Nagtawanan ang mga lalaki sa loob. Tuluyan nang huminto ito at hinarang siya. "Mainit ang ulo ko ngayon kaya lumayas kayo sa harapan ko!" singhal niya dito. Nagtawanan muli ang grupo. Siguro ay natatapangan sa kanya. “I like you! Ganyan ang mga gusto ko, palaban!” Lumapit sa kanya ang isa kaya napaatras siya. Hindi niya napansin ang lalaki sa likuran kaya niyakap siya nito. "Ah! Bastos ka!" hinarap niya ito at sinampal. "Buwisit kang babae ka! Ang arte mo pa!" Hinawakan siya nito sa balikat at tinulak sa kasama nitong lalaki. Nakaramdam ng takot si Ingrid. Doon niya lang napansin na ibang daan na pala ang nilalakaran niya. Hindi na ito ang daan patungo sa condo ni Rob Matsui.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD