VEINTE ayos lang si Ingrid at katatapos lang ng kolehiyo. Nag-iisa siyang anak ng businessman na si Mr. Jaime Punzalan. Kinuha na ni Lord ang Mommy niya kaya silang dalawa na lang ang ng Daddy niya ang magkasama sa buhay.
Nasa edad sesenta pataas na ang edad ni Mr. Punzalan kaya naman marami ang nagtataka kung tunay nga ba talagang anak siya nito. Ayon dito, nahirapan kasing magbuntis ang Mommy niya noon kaya isa siyang miracle baby. Nasa edad treinta pataas na ang edad ng huli nang mabuntis ito sa kanya.
Nang umaga ng araw na iyon, habang nasa hapag para mag-almusal, sinabi niya sa Mr. Punzalan na gusto niyang magpunta sa Amerika para ipagpatuloy ang designing course ngunit hindi ito pumayag. Dahil nag-iisa siyang anak, mas gusto nito na manahin niya ang business ng pamilya. Isa pa, hindi ito mapapalagay kung sa ibang bansa siya maninirahan.
Sa sobrang sama ng loob ay inaya niya si Lina na mamasyal. Mas matanda sa kanya ang tagapag-alaga ng sampung taon. Sumakay sila ng taxi para magpahatid sa isang mall.
"Lina, ikaw na muna ang magsuot nitong relo ko. Nangangalay na ‘ko masyado. Mamaya ko na lang kukunin," malungkot na sabi niya dito.
May code ang lock ng relo na iyon at hindi basta-basta makukuha o matatanggal ng kung sino. Heirloom daw 'yon na namana niya pa mula sa kanyang ina.
Lahat ng sasabihin niya ay sinusunod ni Lina. Hindi na nga nakapag-asawa ang babae dahil sa kabubuntot sa kanya. Mahal siya nito bilang alaga at ramdam niya iyon kaya naman palagi itong may pasalubong sa kanya kapag aalis sila ng Daddy niya para mangibang bansa. Minsan ay isinasama niya ito para magbabakasyon.
May sampung taon niya nang kasama si Lina kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa't-isa, kahit pa nga seryoso lang ito at walang kangiti-ngiti sa mga labi.
Nabigla na lang sila nang magbukas ang magkabilang pintuan ng likuran ng taxi at pumasok ang dalawang lalaki, sabay sila ni Lina na tinakpan nito ng panyo na may pampahilo. Hindi niya na matandaan ang mga naganap dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Nang magising silang dalawa ay nasa loob na sila ng isang kwarto. Madungis ang silid na iyon at halos hindi niya matiis ang amoy.
"Hmm!" maririnig niyang ungol ng katabi.
Kapwa sila nakatali ni Lina at may makapal na panyo sa bibig na nakatali rin ng mahigpit sa likuran ng uluhan nila. Nasaan sila? Doon niya lang napansin na pilit na tinatanggal ng isang lalaki ang relo niya sa kamay ni Lina. Doon niya lang din napagtanto na na-kidnap silang dalawa pagsakay pa lang ng taxi.
"Hmm!" Kahit siya ay napapa-ungol na lang sa sitwasyon na mayroon sila.
"Puta! Ang hirap naman tanggalin ng relo na 'to!" galit na sabi ng lalaki.
Bumukas ang pintuan.
"Gago ka! 'Wag mong kunin iyan at baka ikapahamak pa natin iyan! Pa'no kung meron yang GPS?" Binatukan nito ang lalaking nagpupumilit na kunin ang relo. Napapalatak na lang ang lalaki n ainis na lumabas ng kwarto.
Tila nagbabanta naman ang lalaki na sumunod din sa kasama nito.
Hindi niya alam kung ilang oras ang itinagal nila doon ni Lina hanggang sa makarinig na lang sila ng mga lagabog sa katabing kwarto, para bang may nag-aaway. Mga tunog ng bala ang sumunod kaya sabay silang natakot ng babae. Ilang saglit pa ay iniluwa ng pintuan ang isang lalaking may matikas na pangangatawan. Parang nag-slow motion sa paningin ni Ingrid ang pagkilos ng paligid pati na ang lalaki na bagong pasok.
Nasa anim na talampakan at limang pulgada ang taas nito. Hindi niya maintindihan kung Japanese ba ito o caucasian. Kahawig ito ni Ryan Gosling sa unang tingin na mayroong Japanese eyes. Parang pinaghalong Amerikano o Canadian at Japanese. May clean cut na gupit na makalaglag-panty.
Siguro kung walang takip ang bibig niya ay halata nang nakabuka iyon dahil natigilan talaga siya sa awra nito.
Maya-maya, bumilis ang takbo ng mga pagkilos pati ang t***k ng puso niya lalo na ng hiwain nito ang nakataling lubid sa likuran niya at buhatin siya nito. Mabilis silang tumakbo palabas.
Buhat si Lina ng kasama nitong lalaki na binabalot ng kasuotan na itim. Sa lahat ng na-kidnap, parang siya 'yung nag-eenjoy dahil ninanamnam niya ang pagbuhat nito sa kanya. May tumutulong butil ng pawis sa lalaking tagapagligtas niya na halos gusto niya nang dilaan.
Punyemas! Sa loob ng dalawampung taon na nabubuhay siya, ngayon lang siya nakaramdam ng pagnanasa sa lalaki. Totoo pala na may mga lalaking 'makalaglag-panty' dahil kanina niya pa gustong tanggalin ang bagay na iyon para dito.
Ilang metro pa lang ang tinakbo nila, bigla na lang sumabog ang bahay kung saan sila nanggaling.
Sa sobrang lakas ay gumulong silang dalawa ng lalaki. Nanlaki ang mata niya nang pumaibabaw siya dito. Napagigitnaan ang mukha nito ng dalawang mabilog niyang dibdib. Ang problema, yakap niya nang mahigpit ang ulo nito.
"H-hindi ako makahinga!" reklamo nito.
Agad na bumitaw sa lalaki si Ingrid na namumula ang mukha. Sa sobrang wild ng utak niya, nakagawa tuloy siya ng kasalanan. Namula rin ang pisngi nito saka mabilis na pinagpag ang sarili.
"Boss!" sigaw ng lalaking kasama nito.
Tinanggal ng tagapagligtas ang tela sa bibig niya saka nilapitan si Lina pati ang kasama nito.
"Tinawagan kami ng Daddy mo para iligtas kayo. Ayos ka lang ba, Ingrid?" tanong nito kay Lina.
Kapwa sila nagulat at nagkatinginan ng babae nang mapagkamalan nito ang Yaya niya bilang Ingrid.
"H-hindi ako—"
"Yes! Yes! Siya si Ingrid! I'm Lina!" mabilis niyang putol.
Diretso lang itong nakatingin sa kanya at para bang sinusuri siya nito. "Alam ko, dahil siya ang may suot ng relo ni Madam Kendra," saad ng lalaki.
Bigla siyang napaisip at napatingin sa ginintuang relo. Hindi nga malabo na mapagkamalan nito si Lina na anak ni Jaime Punzalan dahil suot nito ang relo na bigay ng Mommy niya.
…..
HINATID sila ni Rob at Shadow sakay ng motor hanggang sa gate ng bahay ng mga Punzalan. May tatlong palapag ang bahay nila na matatagpuan sa loob ng high-end subdivision, nagtataasan ang gate na kulay dilaw.
"Aalis na kami," paalam ni Rob.
"H-hindi na kayo papasok? Meryenda man lang?" tanong niya dito.
"No need. Thanks!" saka nito sinimulan na paandarin ang motor.
Pinagmamasdan lang ni Ingrid ang lalaking tagapagligtas na pinaandar ang sasakyan nito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Hindi na nito nagawang kitain ang Daddy niya para humingi ng pera o kahit magmeryenda man lang sa loob ng kanilang tahanan. Hindi normal na ugali ng isang tao kaya lalo siyang na-curious sa kung ano ang mayroon sa lalaki.
"Hija, I'm so happy na naligtas kayo ni Rob." Napalingon siya at nakita ang naluluha na si Mr. Punzalan. Halatang nag-alala ito sa kanya.
"Dad!" Ginantihan niya ito niyakap.
Inaya siya nito sa loob ng bahay, kinamusta, pinakain at kung ano pa na halatang hindi ito napalagay sa kung ano ang nangyari sa kanya sa buong maghapon.
Pumasok sa isip niya ang mukha ng kanyang tagapagligtas habang kumakain. "Dad, who is that man? The person who has the Japanese eyes?" usisa niya.
"Oh! you mean Rob Matsui? Yes, he is a Canadian-Japanese. He is the best spy on the planet I knew kaya siya ang unang hiningan ko ng tulong. He always stays in White Devil Bar."
"Spy?" ulit na tanong niya.
Napaisip siya. Nakapunta na siya minsan sa White Devil Bar. Isang high-end na bar na matatagpuan sa business area. Karamihan ng umiinom doon ay socialite, businessman, celebrity o kahit na sinong may sinasabi sa buhay.
'Hmm… Is he a waiter there aside from being a spy?'
"Spy…" mahinang usal niya.
"Yes, long story. Anyway, kung gusto mong manirahan sa abroad ay papayagan na kita kaysa naman mapahamak ka na naman at—"
"No! No Dad! I'm fine! I like it here!" agad niyang tanggi.
Nakakunot ang noo nito dahil nang umaga lang na iyon ay halos gusto niyang umalis at mamuhay nang mag-isa.
"I will look for a job, Dad. Habang nakidnap ako ay na-realise ko ang mga pagkakamali ko. Everything you said is true. Kaya para manahin ko ang business natin, naisip ko na dapat ay magsimula ako na magtrabaho bilang manggagawa dito sa Maynila. And, I don't want to miss a single moment with you." Nagpunas pa siya ng tissue sa mata para kunwari ay naluluha siya.
Hindi naman maipaliwanag ang saya ng Daddy niya dahil sa mga sinabi niya rito, halata na natuwa ito.
"Mabuti ‘yan anak. I'm so proud of you! Natututo ka na sa buhay." Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.
Pinagpahinga rin naman siya nito matapos masiguro na ayos lang siya. Sa kwarto ay nagawa niyang magmuni-muni, at isipin ang tungkol sa lalaking iyon, si Rob Matsui.
Sinubukan niyang hanapin ang pangalan nito sa social media at baka sakaling may makuha siyang impormasyon tungkol sa lalaki. Sa kasamaang-palad, wala siyang makalap na kahit ano kaya lalo siyang na-intriga. May plano siya sa buhay at iyon ang makilala pa nang mas malalim ang lalaking kanyang tagapag-ligtas.
…..
KINABUKASAN…
Para rin siyang spy o imbestigador na tumungo sa White Devil Bar na nagmamanman sa tapat ng bar nito. Spy sa pananaw niya! Ganoon kasi ang mga nakikita niya sa telebisyon, nagmamanman.
Nakasalamin siya nang madilim na sakop ang kalahati ng mukha niya, may bandana sa ulo na pinagtali ang magkabilang dulo sa baba. Nakasuot ng trench coat na brown. Minamanmanan niya ang White Devil Bar. May bitbit pa siyang telescope na akala mo ay may huhulihin siyang asawa sa loob ng inuman. Nagtago siya sa poste, nagpalakad-lakad nang dahan-dahan hanggang sa susunod na poste.
Ilang saglit pa ay napatalon ang kalahati ng kanyang katawan nang may kumalabit sa kanya sa balikat. Napatili siya sa gulat.
"O-okay lang po kayo, Ma’am? May asawa po ba kayo na nangangabit d’yan sa bar namin kaya kanina ka pa nagmamanman?" tanong sa kanya ng binatang hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Inikot niya ang sarili para harapin ito at doon niya lang napansin ang kumpol ng tao, pinagtitinginan pala siya ng mga ito. Halata ang kuryosidad sa mukha ng mga ito dahil para lang siyang naliligaw doon sa lugar kung saan naka-corporate attire ang mga ito.
Napahiya siya nang kaunti. 'Okay lang, para kay Rob Matsui’.
"B-bar niyo po ba 'yang nasa harap? Pwede po ba akong mag-apply?" tanong niya sa binata.
Tiningnan siya nito mula paa hanggang ulo. Pasok naman ang height niya na nasa limang talampakan at anim na pulgada. Hindi nito makita ang mukha niya dahil sa malaking salamin sa mata.
"Tara, saktong-sakto. Nandito ang manager namin," aya nito sa kanya.
Sumunod siya dito. Pumasok sila sa entrance ng bar. May dalawang lalaki na maskulado ang katawan sa unahan at bahagyang tumingin lang sa kanya. Pagkapasok, sinimulan niya agad na pagmasdan ang lugar. Halong puti at itim ang kulay ng kabuuan ng interior design ng White Devil. Alam niya na iyon noon pa, ang pagkakaiba lang siguro ay mas lumawak ang lugar kumpara nang huli niyang dalaw doon.
"Miss?" pukaw sa kanya ng binatang nagsama sa kanya sa loob.
"Oh! Sorry, naghahanap ba kayo ng waitress?"
"Oo, kailangan namin ng mga sampu. Pero mataas ang criteria ng boss ko kaya hindi natin sigurado kung matatanggap ka. 'Nga pala, 'Black' ang tawag sa akin. Tanggalin mo na ang salamin mo, nakaka-ilang kasi," sabi nito.
Tinanggal niya ang salamin sa mata pati ang bandana.
Parang slow-motion na unti-unting lumitaw sa paningin ng binata ang buong anyo ni Ingrid. Hindi nito naiwasan na mapanganga sa kakaiba niyang ganda. Nag-init ang pisngi nito, reaksyon ng tao na nagkaroon ng unang crush. Para itong nangangarap habang nakatingin sa kanya.
"Black!" Sabay silang napalingon sa tumawag dito, coming from a person who has a smokey and modulated voice na susukuan ng bataan.
Nagliwanag ang mukha niya at hinagis niya ang salamin at bandana sa lalaking may pangalang Black at nilapitan ang kanyang tagapagligtas. Hinawakan niya ang parehas na kamay nito dahilan para mapakislot ito.
"We see each other again; I think it's destiny!" parang wala sa sarili na sabi niya dahil sa hindi maipaliwanag na saya.
Hindi naman maipaliwanag ni Rob kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa sinabi ng dalaga.
"Boss Rob, magkakilala kayo?" sabad ni Black.
"Ah…" Hindi mahanap ng lalaki ang sasabihin dahil titig na titig dito ang veinte anyos na si Ingrid. Bigla siya nitong natandaan bilang kasama ng anak ni Mayor Punzalan, o mas tamang sabihin na si Lina na napagkamalan nitong Ingrid.
"Mag-apply ka ba?" tanong ni Rob sa dalaga.
Panay tango lang niya habang hindi inilalayo ang tingin dito.
"Okay, you are hired!"