Rob and Ingrid - Ch 5. His best friend with her

1468 Words
"YOU still like her, do you?" usisa ni Ingrid. "Hmm... I don't know," sagot nito. Natahimik siya kahit pa alam niya na posibleng may gusto pa rin ito sa babaeng may pangalan na Ginny Lopez. Hindi naman nito titingnan nang lihim ang larawan ng babae kung wala lang hindi ba? Nakadagdag sa sakit ng nararamdaman niya ang bagay na iyon. Gusto niya tuloy malaman kung ano ang hitsura ng babae sa kasalukuyan. "Bakit ka natahimik?" tanong ni Rob. "Because there is already someone in your heart, paano pa ako papasok?" sagot niya, matapang at hindi na siya nahiya na itago pa. Nabigla ito sa pagtatapat niya. Hindi napalagay ang mat anito habang nakatingin sa kanya. "Lina… I am different. Bata ka pa at marami d’yan na pwede mong makarelasyon. I'm not an ordinary person." Ouch! direktahan siya nitong tinanggihan. Tumayo na siya mula sa pagkakayakap nito dahil una niyang masaktan sa una niyang pagtatapat. Sunod-sunod kasi ang ginawa ng lalaki para masaktan siya nang sobra sa gabi na iyon. Nagsimula ang lahat nang mahuli niya ito na may kaharutan na babae sa opisina nito sa White Devil. Sumunod, sinabihan siya nito na tanging nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Pangatlo, nahuli niya ito na may tinatagong lihim na pagtingin sa nobya ng matalik nitong kaibigan na si Cloud Han. At ang pang-apat, ang sabihin sa kanya na maghanap na siya ng iba. Everything happened on the same night! Ang saklap, besh! Sa kabilang banda, hinayaan naman ni Rob na umalis si Ingrid sa tabi niya. Pinindot niya na lang ang larawan ni Ginny sa laptop, kuha iyon walang taon na ang nakaraan. Isang sikreto na nagkagusto siya sa babae noon at hindi man lang niya nagawa na sabihin ang nararamdaman niya rito dahil ayaw niyang makisawsaw sa relasyon nito sa matalik niyang kaibigan. Nagsalin muli ng alak si Rob sa baso at diretsong ininom iyon. ***** (Eight Years Ago) Matapos ang mahabang bakasyon sa Japan, muling nagbalik si Rob Matsui sa eskwelahan ng Lloyd international University or LIU. Nabalitaan niya kay Cloud na may nobya na itong sineseryoso kaya na-curious siya kung sino ang babae na nakabihag sa puso ng matalik na kaibigan. Dahil ilang linggo siyang nagbakasyon sa eskwelahan, kinailangan niya na puntahan ang registration para ayusin ang klase niya. Mula sa Blue Mansion, naisipan niyang maglakad na lang. Dagdag exercise din kung ilang steps ang lalakarin niya mula sa bahay hanggang doon sa building kung saan naroon ang registration office. Habang daan, nakita niya si Ginny Lopez na tila nagdadasal sa harap ng water fountain. Tapos ay naghagis ito ng barya sa tubig. Kilala niya ang babae dahil naglakas loob na ito na suwayin sila nang minsan bago siya magpunta sa Japan, ilang buwan ang nakaraan. Kumunot ang noo ni Rob kahit pa nais niyang matawa. He finds her amusing. Unang beses niya kasing makakita na may mag-wish doon sa water fountain na iyon na nasa pinakagitna ng garden ng eskwelahan. O mas tamang sabihin na ito pa lang ang nagtangkang humiling sa water fountain na 'yon. Tila napahiya ito nang makita siya na nakatayo doon at pinanonood ito. Ngunit mas pinili na bigyan siya ng matamis na ngiti. Sa unang pagkakataon ay kumabog nang sobra ang dibdib niya. Namula ang pisngi niya sa tila anghel nitong ganda. Para makabawi ay inalis niya ang tingin dito at saka ito tinalikuran basta. Binilisan niyang maglakad patungo sa registration office. Habang daan, tumatak sa isip niya ang matamis na ngiti ni Ginny. Napangiti rin siya nang lihim. Sumunod na nakita niya ang babae nang isama na ito ni Cloud sa Blue Mansion at ipinakilala sa kanya bilang opisyal na nobya nito. Hindi siya makapaniwala. He couldn’t explain what he felt at that moment. "Are you sure she's the girl you were talking about?" paninigurado niya. "Yes," simpleng sagot ni Cloud. Nilingon niya si Ginny na masayang nakikipagharutan kay Boi-boi, ang malaking aso ng kaibigan. Tila kinatok nito ang dibdib niya nang makita at marinig ang halakhak nito. Bigla ay nais niyang magsisi, kung bakit siya nagpunta ng Japan at hinayaan ang kaibigan at ang babae. He secretly watched his best friend with Ginny since then. Nang una ay parang wala lang sa kanya, pinilit niya na ilayo ang sarili, hanggang isang araw na makasama niya ito sa library. Naabutan niya ito na mag-isa roon. The picture of her na busy sa binabasa at sa pagsulat ay nagkaroon ng kakaibang kiliti sa pagkatao niya, para itong nasa painting. Ang isang parte ng mukha nito ay nasisinagan ng liwanag sa labas ng bintana, ang kalahati ay bahagyang madilim ngunit hindi ipinagkaila ang kakaibang ganda. Habang nakayuko ito ay kita niya ang haba ng pilikmata nito, her brow, her chubby cheeks are just enough para maisipan ng isang tao na kurutin ito roon. He secretly took photos of her using his phone bago ito tuluyan na nilapitan. "Hi, Ginny!" bati niya dito. Nag-angat ng paningin si Ginny at nagliwanag ang pisngi nito nang makita siya. "Hey Rob! Nasaan si Cloud?" Napatigil siya sa tanong nito. He almost forgot that she was his best friend's girlfriend. He almost forgot! Naikuyom niya ang kamao. Ngumiti siya nang pilit matapos makabawi. "Maybe at home." "Tatlong araw na kaming hindi nagkikita e," malungkot na sabi nito. Nakaramdam din ng lungkot si Rob dahil biglang nalungkot ang dalaga. Sa hindi malaman na dahilan ay parang nakakahawa ang mood nito. "Tulungan mo na lang ako na maghanap ng libro," sabi niya para maibaling niya sa iba ang atensyon nito. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil saglit nga itong naging seryoso sa pagtulong sa kanya. Nagpaturo din siya sa dalaga sa mga bagay na hindi niya naiintindihan. Hindi tuloy maiwasan ni Rob kung bakit kapag ang dalaga ang nagpapaliwanag sa mga nakasulat sa libro ay madaling intindihin. Siguro masarap pakinggan ang boses nito kaysa sa professors nila kaya ganoon. Simula noon ay nangalap na siya ng larawan nito at lihim na itinago sa iisang files ng personal na computer niya while he acted casual sa harapan ng magkasintahan. For the first time in his life, nagkaroon siya ng espesyal na pagtingin sa isang babae. Iyon nga lang ay hindi na maaari dahil nobya na ito ng matalik niyang kaibigan na si Cloud Han. ..... MASAMANG-MASAMA ang loob ni Ingrid na umakyat sa kwarto. Hindi pa nga siya nagsisimula sa 'da-moves' niya ay nilapirot na agad ni Rob ang damdamin niya. Para siyang maiiyak pero pinilit niya na makatulog. Kinabukasan, nagkaroon ng problema si Ingrid. Ibinato niya ang sapatos niya sa mga manyak nang nagdaang gabi kaya wala siyang maisuot na sapatos. Nangangati na ang kamay niya na humingi ng tulong sa Daddy niya. Nangangati na rin ang paa niya na umuwi sa bahay nila, tutal naman ay broken hearted siya roon sa bahay ni Rob Matsui. Ngunit mabilis din niyang binawi ang mga iniisip. No! Sabi nga sa aklat ng 'Basa' ni Brod. Pete 'Nobody. Nobody. but. You! Nobody. Nobody. But. you! Alien? alien! Tumayo siya sa ibabaw ng kama, tumayo na parang si Wonder Woman. Nakaextend ng bahagya ang magkabila niyang binti at nakapamewang. "Rob Matsui! Humanda ka! Humanda ka sa alindog ni Wonder Ingrid!" pangako niya sa sarili. Nang lumabas siya ng kwarto at bumaba sa kusina, nakita niya ang binata na nagkakape at nagbabasa ng diyaryo. Inangat nito ang ulo nang maramdaman siya nito. "Okay ka na?" Hindi niya ito sinagot. Gusto niya kasi itong singhalan at sabihing malamang, hindi pa! Nilapitan niya ang cabinet at kumuha ng gatas para timplahan ang sarili. Tapos ay basta ibinalik ang lagyanan. "Ikutin mo pa," narinig niyang sabi nito dahilan para mapalingon siya dito. "Ikutin mo ‘yung lagyanan. ‘Yung word na milk, nakaharap dapat sa iyo." Walang mahanap na salita si Ingrid. Sinunod niya na lang ito. Doon niya lang napansin na lahat ng label ng lagyanan ay nakaharap sa kanya nang maayos. Kahit ang sugar, cream, coffee. Pantay-pantay, walang naliligaw. Muntik niya nang makalimutan na may OCD nga pala ang binata. Matapos maayos iyon ay lumabas siya ng kusina. Plano niya na sa sofa uminom ng gatas para iwasan saglit ang lalaki. Basta inilapag niya ang tasa sa maliit na mesita sa harapan nito saka nagsimulang higupin iyon habang naghahanap sa internet ng sapatos. Lumapit si Rob sa kanya at inabot ang isang kahon. Nakakunot ang noo na tiningnan niya ito.   "Inutusan ko sila na dalhin ang sapatos na 'yan dito dahil naka-paa ka lang kagabi nang makauwi tayo." Tinanggap niya ang kahon ng sapatos na binigay nito at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang parehong sapatos na ibinato niya sa mga manyak na lalaki nang nagdaang gabi. "Dumadami na ang utang ko sa'yo, Boss Rob," nahihiya na sabi niya. Hindi naman kasi pipitsugin ang halaga ng sapatos na iyon. "Walang anuman iyon. Basta galingan mo sa trabaho," ang tanging sagot nito. Pinunasan pa muna nito ang mesita na natuluan ng gatas niya bago ito tuluyang umakyat sa ikalawang palapag. Naiwan siya na hindi maipaliwanag ang emosyon. Of course! He cared for her as her employer. Bakit nga ba siya naghahanap ng iba pang rason?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD