SA WHITE DEVIL, makalipas ang ilang araw na pagtatrabaho niya roon ay hindi niya akalain na may pupunta sa bar na kakila niya, ang grupo ng mga dati niyang kaklase. Si Kendra at Mae na kasama ang mga nobyo nito.
Hindi maganda ang relasyon niya sa dalawang babae kaya mas pinili niyang umiwas sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin ng mga ito kapag nakita siya doon sa loob ng bar na nagse-serve sa mga customers.
Nakiusap siya sa kasama niya na ito na muna ang bahala sa general area at sa kusina na muna siya mananatili at tutulong, hindi naman ito tumanggi. Ilang minuto rin na naging kalmado ang pakiramdam niya hanggang sa kinailangan niyang ihatid ang pagkain sa restaurant area dahil busy ang lahat ng kasama. Lumalalim na kasi ang gabi — mas lumalalim ang gabi, mas dumadami ang tao. Nagkataon pa na katabi ng hinatiran niyang pagkain ang pwesto ng grupo ni Kendra kaya hindi siya nakaligtas sa mapaghusgang mga mata nito.
"Eh, is this Ingrid Punzalan?" puna ni Mae, halatang nakainom na ito.
Napangisi si Kendra nang makita siya. "What a surprise?! Naghihirap na ba kayo kaya kinailangan mong magtrabaho dito?"
Hindi niya ito sinagot, tanging walang emosyon ang binigay niya sa mga ito. Pinilit niyang iwasan ang dalawa kaya nagpatuloy siya na bumalik sa kusina. Tumayo ang dalawa at humarang sa kanya.
"Ganito ba dito sa White Devil?! Ang aangas ng mga waitress!" reklamo ni Mae habang nakahalukipkip. Hindi pa rin siya sumagot.
"Mabuti pa ay ikuha mo kami ng tubig, dalawang baso," nakangiti na sabi naman ni Kendra.
Bilang nagtatrabaho doon ay tinalikuran niya na lang ang dalawa saka sinunod ito na kumuha ng tubig sa loob ng kusina. Kung normal na panahon siguro ay sinagot-sagot na niya ang dalawa pero naroon siya bilang waitress sa White Devil at ayaw niya na magkaroon ng problema kay Rob.
Bumalik siya sa pwesto ng grupo na bitbit ang tray na may dalawang baso ng tubig. Hindi niya akalain na may pinaplano pala ang mga ito. Ipinatong niya sa mesa ang mga iyon at plano na niyang umalis na.
"Bakit dalawa lang?! Nakita mo ba na apat kami dito?!" singhal ni Kendra na nakaagaw pansin sa iba pang customer.
"Ano bang klaseng service ang meron ang bar na ito? Simpleng utos lang, hindi pa makaintindi?!" Halata na ipinaririnig nito sa iba ang galit para ipahiya siya.
"Kukuha na lang ako ulit," simpleng sabi niya.
Sigurado siya na dalawang baso lang ang hiling nito kaya dalawang baso lang ang bitbit niya. Alam ni Ingrid na pinaglalaruan siya ng dalawang babae kaya ayaw niyang magkomento, tinanggap na lang ang kung ano na sinabi nito. Hiling niya na sana lang ay hindi na magtagpo pa ang mga landas nila sa susunod na mga araw.
Bumalik siya na may bitbit na dalawang baso muli ng tubig ngunit pinatid siya ni Mae dahilan para ma-out-of-balance siya at maitapon ang tubig sa lalaking kasama nito sa mesa.
"Fu*k! What the hell are you doing?!" galit na singhal ng lalaki.
"Naku! Sorry… sorry..." Pinunasan niya ng panyo ang damit nito na nabasa.
"Are you trying to seduce my boyfriend?" galit na sabi ni Mae.
Hindi maipaliwanag ang mukha ni Ingrid. Halata na nabahala siya lalo at umagaw sila ng atensyon sa iba pang customer. Nakaramdam na siya ng pagkapahiya kahit pa gusto niyang ingudngod si Mae at Kendra sa makinis na sahig ng bar. How dare this Mae na sabihin na gusto niyang akitin ang boyfriend nito?! Kahit isa sa mga pandesal ni Rob sa katawan ay walang-wala ang lalaki, kahit nga yata sa kuko nito. Kung may aakitin siya, iyon ay walang iba kun’di si Rob Matsui lang!
"Pasensya na hindi ko sinasadya," paghingi niya ng paumanhin sa lalaki.
"Tawagin mo ang manager mo!" singhal ni Kendra.
Natahimik si Ingrid at kinagat ang labi. Unang beses niya na magkaproblema sa customer sa bar na iyon.
"Kung hindi ay lumuhod ka at magmakaawa na patawarin ka namin," dagdag nito.
"Tama, luhod!" gatong ng kaibigan nito na si Mae. Nabigla naman ang lalaki na kasama nito sa gustong mangyari ng dalawang babae.
"Ah, it's okay, no need pa na lumuhod. Magpapalit na lang ako ng damit." Halatang nabigla ito sa reaksyon ng dalawang babae na kasama nito.
Nilingon ni Ingrid ang mga tao sa paligid na nakatingin na sa gawi nila. Napalunok siya dahil tila may bumara na kung ano roon, kulang na lang ay umiyak siya at kumpleto na ang drama.
"Luhod sabi! Kung hindi, we will give bad reviews sa bar na ito!" galit na singhal ni Kendra dahilan para kabahan siya. Paano na ang bar kung sakali na magkaroon ng pangit na review doon nang dahil sa kanya?
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Rob na bagong dating at matalim ang tingin na ipinukol sa dalawang babae. Sa CCTV pa lang na nasa opisina nito ay kita na nito na may nagaganap na hindi maganda sa restaurant area.
Nilingon ni Ingrid ang binata.
"Rob, sorry! Natapon ko kasi ang tubig sa customer nang hindi ko sinasadya," nakayuko na pagpapaumanhin niya habang turo ang lalaki na may basang T-shirt. Ayaw naman niya sabihin na pinatid siya kaya niya ito natapunan ng tubig, baka lumabas pa na nagdadahilan lang siya.
Sinuri ni Rob ang basang dibdib ng lalaki.
Dahil nakikilala ng binata si Rob bilang may-ari ng bar na iyon, nagsabi na rin ito na ayos lang. "No problem, Sir Rob."
Ngunit sadyang matigas ang dalawang babae. "Hindi ayos lang ang ginawa niya! Ikaw ba ang manager dito?" nakataas ang kilay na tanong ni Mae kay Rob. "Ano bang klase ang mga trabahador niyo dito? Walang kwenta! Simpleng utos lang ay hindi pa makasunod. Ang mamahal na nga ng drinks dito, tapos simpleng service lang, hindi pa namin makuha?! Ang pangit pala sa bar na ito!" nakahalukipkip na sabi nito.
Nabigla naman ang lalaking kasama nito at napalunok. Hinawakan nito ng mahigpit si Mae sa braso na sunud-sunod ang reklamo sa binata para pigilin, kaunti na lang ay hihimatayin na ito at ikaila na hindi nito kilala si Mae. Pinag-aaralan kasi nito ang reaksyon ni Rob na nasa tabi at alam ng lalaki na hindi maganda ang kahihinatnan ng grupo nito.
"Ano ba?! Totoo naman ang sinabi ko ah! Ang panget ng bar na ito!"
Sa kabilang banda, nagtaas ang kilay ni Rob. Unang beses niya kasing masabihan na pangit ang bar niya and he take it to heart seriously. "We are sorry kung hindi mo nagustuhan ang service at kung napangitan ka sa bar. We will give your drinks tonight for free."
Napasinghap ang mga customer sa paligid dahil sa narinig. Ang iba ay nakaramdam ng inggit sa grupo.
Halatang natuwa si Mae pero hindi ang dalawang lalaking kasama. Masama kasi ang kutob ng mga ito sa sinabi ni Rob.
"Ah, no! No, Sir Rob. W-we will pay!" agad na tangi nito. Kakamot-kamot naman ang isa pang lalaki sa tabi nito.
Hindi ito pinansin ni Kendra. "Aside from that! We want this girl na mag-sorry! Lumuhod siya sa harapan namin at humingi ng tawad!" gatong ni Kendra.
Nagsisimula nang mag-init ang ulo niya sa dalawang babae. "Why?" tanong niya.
"Because we said so!"
Nagtaas ang kilay niya at matalim ang tingin na ipinukol sa dalawang babae. "She will not, at iyon din ang sabi ko!" matigas na sabi. Patigasan sila ng dalawang babae at tingnan na lang nila kung sino ang talo. "Unang-una, I gave your drinks tonight for free as an apology. Mikal, come here," tawag niya sa Manager na nasa gilid. Agad na lumapit ang huli sa kanya.
"Magkano ang bill ng table na ito?"
"Eighteen thousand, Boss."
"Does eighteen thousand not enough para sa T-shirt na nagkakahalaga ng tatlong libo?" tanong niya habang nakatingin sa basang kasuotan ng lalaki.
Natahimik ang dalawang babae, napalunok naman ang dalawang lalaki na kasama ng mga ito.
"Aside from that, I have hundreds of CCTVs here. If I found something strange, be ready for the consequences," pananakot niya habang nakatingin nang pailalim.
Napalunok ang dalawang lalaki at parang nabuhusan ng tubig. Iyon na nga ang sinasabi, hindi iyon simpleng bagay lang.
"As you can see, gumawa kayo ng eksena dito sa bar ko. If I found something that you have a biggest participation of what had happened, ngayon pa lang ay pinapayuhan ko na kayong dalawa na mag-ipon ng pera pambayad sa na-lugi namin ngayong gabi."
Hindi alam ng dalawang babae ngunit nakaramdam ang mga ito ng lamig sa batok mula sa kanya. Umalma rin naman agad si Mae at hindi ipinahalata na kinakabahan ito. "Why do you have to side with her? We are your customers! Simpleng serbidora lang naman siya dito."
Umismid si Rob, talagang sinagad na ang pasensya niya ng babaeng nasa harapan. "I think you have the wrong idea here, Miss. I never treated any of my people as serbidora! And, she is not an ordinary person here, she is my girlfriend! You hear?"
Nag-angat ng ulo si Ingrid at para siyang dinala sa langit dahil sa mga narinig. Sa ikalawang pagkakataon ay iniligtas na naman siya ng kanyang prince charming.
"If I were you, I will pray hard na wala akong makitang mali sa mga CCTV dito," matalim na sabi ni Rob.