AMASONA

1358 Words
CHAPTER 5 Dahan-dahan kong inilahad ang kamay ko para tanggapin ang kanyang kamay. Ni hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. BIgla rin akong nahiya. Hindi ako sanay sa mga ganitong pormalidad. "And you are?" magiliw nitong tanong. Malambot ang kaniyang palad. Naramdaman ko iyon nang bahagya kong pinisil. Nakangiti pa rin siya sa akin. Halatang galing sa may sinasabing pamilya. Sa kilos niya, pananamit at pananalita, para na siyang dalaga. Pati ang amoy niya, dalagang-dalaga rin. "Jetro." Maikli kong sagot. "Thank you for saving my life, Jetro. Alam kong nagpasalamat na ako kanina and it sounds na makulit na ako pero kung hindi sa'yo at sa pamilya mo, baka patay na ako ngayon." Titig na titig siya sa akin. "Wala 'yun." Yumuko ako. Binitiwan ko ang palad niya. Nahihiya talaga ako. Putcha, ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong pakiramdam. May kung anong kabog sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Ito pala oh, just a small token for gratitude lang sana." Iniabot niya sa akin ang paperbag. "Hindi na siguro kailangan..." "No, I insist. Please?" inilagay niya sa kamay ko ang paperbag. Wala akong magawa kundi abutin iyon. "Salamat,” sagot ko. Tumingin ako pero nang nakita kong nakatitig siya sa aking mukha ay agad kong ibinaba ang aking mga tingin. Nilingon ko sina Daddy. Alam nilang hindi ako sanay makipagkuwentuhan. Alam nila nab ago sa akin ang ganoon. Parang gusto ko na kaagad doong umalis ngunit nahihiya naman akong basta na lang tatalikod lalo pa’t hindi naman ako binabastos ng kaharap ko. "Naku, pagpasensiyahan na ninyo ang anak ko ha? Mahiyain talaga 'yan. Kumusta ang pakiramdama mo, Saira. Okey ka na ba?" tanong ni Mommy Shantel. Mabilis na lumapit nang nagkaroon ng mahaba-haba ring katahimikan. Alam kong nakuha ko rin siya sa aking tingin kanina. Hanggang sa sila na ang nag-uusap-usap ng mga magulang ni Saira. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para makapuslit at bumalik sa loob ng tent. Ngunit bago ako pumasok ay nagkatitigan muna kami ni Saira. Kumaway siya sa akin. Kasabay iyon ng matamis niyang ngiti. Kumaway din ako bago ako tuluyang pumasok. Nagpatuloy ang bakasyon. Nanatiling aloof ako sa kinalakhan kong pamilya. Sa pamilyang umampon ngunit tumanggap at nagmahal sa akin ng higit pa sa kadugo. Isang buwan ng bakasyon ko ay na kina lolo at lola ako sa Rizal. Binibisita rin namin ang yumao kong Daddy sa kaniyang puntod. Kung sana makausap ko lang siya. Kung sana mapaliwanagan niya ako kung bakit ganitong buhay at pamilya ang pinag-iwanan niya sa akin. Napakarami kong katanungan, napakarami kong gustong marinig na kasagutan na siya lang ang tanging alam kong makasasagot. Ngunit alam kong hindi na iyon mangyayari pa. Hindi ko na siya makakausap pa. Dumating muli ang araw ng pasukan. Grade 6 na rin ako. Ibang school, ibang mga kaklase. Katulad ng sinabi sa akin ni Daddy, sa ibang private school na naman ako papasok. Ilang beses na kasi akong nabigyan ng warning sa huling school na pinasukan ko. Ilang beses din ipinatawag sina Daddy hanggang sa binigayn ako ng huling warning na kung masasangkot pa ako sa gulo o away ay di na nila ako tatanggapin pa sa susunod na pasukan. Sa madalas na pagsasabon sa akin ni Mommy Shantel at Daddy Bradley, parang sanay na nga akong napapagalitan. Snack na nga para sa akin ang sermonan ako. Pasok sa isang tainga, lalabas sa kabila. Nakatingin man sa kanila pero madalas di na lang ako nakikinig. Iniisip ko yung mga nilalaro ko sa cellphone ko kapag nagsimula na sila para kahit anong sabihin nila, tango at oo ang sagot ko para hindi na hahaba pa. Minsan nga, di na ako nakatingin, di pa nakikinig at iyon ang alam kong nagpapasabog sa kanila sa galit. Alam ko namang hindi sila maniniwala sa sasabihin ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin. Wala rin naman silang ibang gustong isipin o paniwalaan kundi ang batid nilang basagulero lang talaga ako. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko na sanang magtransfer e. Kahit papaano ay madami nang takot na kantihin ako sa dating school namin. Kilala na akong palaban at walang inaatrasan kaso malas lang dahil kung kailan patapos na ang klase noon ay napasubo pa ako ng isang away. Pinatid ako ng isa sa huli kong nakaaway sa canteen namin. Napahiya ako noon dahil nadapa ako at tumapon ang juice sa uniform ko. Aba, sa tulad kong may pinapangalagaang estado na dapat kinatatakutan ako ng kapwa ko estudiyante, malaking kahihiyan iyon. Napakatagal na panahong kinuha ko ang sopt na ‘yon. Yung kinatatakutang palabang bata tapos bigla lang akong papatidin ng kung sino lang? Pagkabangon ko, hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makaganti. Suwerte nga niya may umawat sa amin. Kung hindi e, baka mas masahol pa ang nangyari sa mukha niya. Kaya lang sa Principal's Office ang bagsak ko at malas niyang sa School Clinic na siya tumuloy. Ako pa kasi talaga ang kinalaban niya. Wala akong aatrasan. Kaya nga noong natalo ako do’n sa batang nakalaban ko sa beach, hindi ako mapakali. Gustung-gusto ko talagang gumanti. Ipagdasal niyang hindi magku-krus ang landas namin dahil kung hindi, siya ang susunod na dadalhin sa clinic. Pagkahatid sa akin ni Daddy Bradley sa school at bababa na sana siyang nang pinigilan ko. "Dad, ako na. Huwag na kayong bumaba." Kinuha ko ang bag kong hawak na niya. "Alam mo na ba kung saan ang classroom mo?" nagdadalawang-isip niyang tanong. "Opo, itinuro na sa akin ni Mommy noong nag-enrol ako kasama siya." pagsisinungaling ko. "Sigurado ka ba? Kasi sabi ng Mommy mo, wala pa kayong schedule noong inenrol ka niya.” Hindi pa talaga siya kumbinsido. "Dad, please. Hindi na ako bata. Grade 6 na ho ako! Dose na oh ta’s ihahatid pa ninyo ako hanggang classroom ko?" may inis sa boses ko. “Pagtatawanan langa ako ng mga bago kong kaklase niyan e.” "Okey! Okey! Sige. Naintindihan ko na. Nag-aalala lang ako sa binatilyo ko. Basta ang usapan ha, Iwas gulo na, okey?" "I'll try." sagot ko saka mabilis na bumaba. “Don’t try ‘nak, please? Do it. Whatever it takes, just do it. Umiwas ka sa gulo. Lumayo kung kinakailangan. Pagod na kami ng Mommy mon a pabalik-balik sa Principal’s Office. Grade 6 ka palang anak pang-apat mo nang school ito oh.” “Sige na Dad. Ako na hong bahala.” “Okey, alright. Kahit ano naman ang sasabihin ko, hindi ka makikinig.” Umiling ako. “Sige na. Ingat sila sa’yo.” Sinadya ko na talagang huwag pababain si Daddy Bradley sa sasakyan para di siya makilala ng ibang mga magulang na naghahatid sa kanilang anak. Pasalamat nga ako at di na sumama si Mommy Shantel dahil kung nagkataon alam kong siya ang bababa at kung may makakakilala sa kaniya, magkukuwento ang mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa kung anong klaseng pamilya meron kami. Sigurado kapag may marinig ako, mauuwi sa suntukan lang ang lahat sa unang mga araw ng pasukan. Mainam nang hindi nila alam ang tungkol sa nga magulang ko. Dahil mga artista sila, alam ng buong mundo ang kwento ng buhay namin. Ang problema, hindi ko talaga alam kung saan ko hahanapin classroom namin. Palinga-linga akong naglalakad. Hindi ko kasi mahanap yung room number na nasa classcard ko. Naghahanap ng mapagtatanungan. Lahat kasi nagmamadali, bukod sa isang nasundan ko. Nakita kong sandaling kinausap kasi siya at nakipag-apir pa sa kanya ang guard. Magtatanong din sana ako sa guard kaso naunahan niya ako. "Pssstttt! Hoy Bata!” Mabili lang itong naglakad. Ni hindi niya ako nilingon. “Hoy ano ba!” Patuloy lang ang mabillis niyang paghakbang. “Saan ang Don Bosco Building, Room 104 dito?" malakas kong tanong habang nakasunod sa kaniya. Huminto siya. Lumingon. "Uyy! Ikaw pala! Dito ka din pala nag-aaral?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko! Sandali lang iyon dahil nagsalubong kaagad ang kilay ko. Putcha! Sa dinami-dami nga naman ng makikita, siya pa. Pero bakit siya nakapalda? Paano nangyaring? Putcha! Babae siya? Babae ang kinalaban ko sa beach? Babae ang unag nagpatumba sa akin sa laban?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD