Chapter 3

614 Words
"Bale kayo na ni Ben?" tanong ni Jean. "Oo sis. Ayoko mauwi sa Parental. Gusto ko sa kanya ako maikasal. Kasi susundan ko puso ko." -Leslie. ~~~ Pagkalipas ng ilang araw ay sinabi ito ni Jean kina Sabrina at Bora. Habang nasa bahay si Leslie. Natawa siya ng makita niya na ginawang Profile pic ni Ben ang Picture niya sa f******k kaya ni-chat niya to. "Gago! Bakit mo agad ginawang dp ang pic ko sa f******k mo. Baka may makakita." -Leslie. "Di ko naman friend yung mga kaibigan at pamilya mo eh. Tsaka very proud ako na sa akin ka nauwi. At very proud ako na ang gf ko ay ang crush ng bayan." -Ben. "Video call muna ako, ha! Dahil may papakita ako sa'yo," hirit ulit ni Ben. Pagkatapos nila mag webcam. Biglang pinakita ni Ben ang napakalaking painting ng mukha ni Leslie. "Wow! Ikaw nagpinta niyan?" tanong ni Leslie. "Yes my princess, di kasi ako makapaniwala na tayo na. Mahal na mahal na mahal kita. Tama yung iba! Bagay na bagay tayo. Kung wala ka. 'Di ko na alam ano ako ngayon," sagot ni Ben. Hanggang sa biglang may kumatok sa pintuan ni Leslie kaya tinigil niya agad ang video call. Ito ay ang dalawa niyang kaibigan na si Sabrina at Jean. "Sis Leslie, alam ko na First time mo ma-inlove. Pero wag kang very easy to get. Ang bilis mo bumigay at nagpahalik ka na agad!?". -Sabrina. "Pake niyo ba! At ikaw Jean! Bakit mo sa kanila sinabi!" pasigaw ni Leslie. "Concern lang ako Leslie. Isang taon mo pa lang siya nakikilala. Tsaka ano na lang pag nalaman ng mga parents mo at ng kuya mo ang totoo." -Jean. "Please Leslie, don't get mad at us. Sinasabi lang namin kung ano nakakabuti sa'yo. Pati studies mo baka makalimutan mo na din. But we will support you. Kung san ka masaya ay doon kami." -Sabrina. Agad niyakap ni Jean at Sabrina si Leslie upang pakalmahin ito. "Asan si Bora?" tanong ni Leslie. "Galit siya, baka daw kung ano masabi niya sa'yo pero support din siya kung san ka daw masaya. Makakatikim daw si Ben pag sinaktan ka niya." -Jean. ~~~ Kinaumagahan. Habang pauwi sa bahay si Leslie ay biglang may lumapit sa kanyang babae na mukhang mataray. Medyo kinabahan na si Leslie at inisip na baka gf ito ni Ben. Bigla siya hinarang ng babaeng mukhang mataray. "Hey! Are you Leslie?" tanong nung babae at inalis ang shades na english speaking pa to. "Yes, may I help you?" sagot ni Leslie. "Gf ka ba ni Ben?" tanong nung babae. Kinabahan lalo si Leslie na malamang tama ang kutob nito na niloloko lang siya ni Ben. "Why? Is there something wrong? Tell me?" pasungit na sagot ni Leslie. Biglang tumawa ang babae at nagpakilala. "Hahahha! You're funny ate! I am Riza. Lil sister of Ben! She just want to give this big painting for you! Tama pala sinasabi niya! Ang ganda ganda mo sa Personal," patawang sabi ni Riza. Simula nun ay dinala ni Leslie si Riza sa restaurant at pinakain. "Alam mo ate! First time ko makita si kuya na laging masaya. Lagi bukambibig niya sa amin ay yung pangalan mo. Tingnan mo naman yang napakalaking paintings! Ginawa niya para sayo". Kwento ni Riza habang kumakain. "Talaga!? May naging ibang babae ba kuya mo maliban sa akin?" Tanong ni Leslie. "Honestly! Ikaw ang First Girlfriend niya. No girlfriend since birth si kuya eh, heheheheh. Pano naman kasi, Obese! Kaw lang nagpabago sa kanya. Kaya sana ate kayo na magkatuloyan kasi nakwento niya sa akin gaano ka kabait,". ani ni Riza at niyakap niya biglaan si Leslie na kinatuwa naman ito ni Leslie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD