Chapter 4

785 Words
Pagkauwi na pagkauwi ni Leslie na nakangiti ay sinalubong siya ng isang malakas na sampal galing sa kuya niya. "Alam ko na sekreto niyo ni Ben!" pasigaw ni Herman. "Wala ka na pake kuya! Ayoko magpakasal sa kaibigan mo! Laki ng agwat ng edad namin! Ayoko ng Parental marriage at mahal ko si Ben," Pasagot ni Leslie. Biglang giniba ni Herman ang Painting na regalo ni Ben. "Humanda ka pagdating nina mama at papa galing business trip! Malilintikan ka talaga! Dahil engage ka na ay kumikiringking ka pa sa iba! Hindi ka na bata! Hiwalayan mo na yang hilaw mong boyfriend. Masasaktan ka lang!" Pasigaw ni Herman. "Ayoko!" sumigaw ulit si Leslie. "Kung ayaw mo! Baka may masamang mangyari sa kanya! Bubugbogin namin siya." Umalis si Herman kasama mga masculado niyang kaibigan. Nagmadaling pinulot ni Leslie kapiraso ng painting ni Ben at tinago sa kwarto habang umiiyak. Agad niyang tinawagan si Ben. "Hello! Leslie! Bakit ganyan ang boses mo!? Puntahan kita?" -Ben. "'Wag na wag mo yan gagawin! Umalis ka na sa gym ni kuya! Lumipat ka na din ng ibang college! Parang awa mo na! Alam na ni kuya ang totoo! Mas grabe pa pag nalaman ni papa at mama," pasabi ni Leslie habang iyak ng iyak. ~~~ Nang kukunin sana ni Ben ang mga gamit niya sa gym ay biglang naabutan siya ni Herman at mga alalay nito at binugbog siya. Buti at naabutan ni Leslie ang pangyayari at pinigilan niya sila at pinatakas si Ben. ~~~ Nagcha-chat pa rin si Leslie at Ben at iyak ng iyak si Ben. "Mahal kita! Hindi ko kaya na mawala ka! Gagawa ako ng paraan." -Ben. "Ako din, gagawa tayo ng paraan! Hindi kita iiwan! Wag ka umiyak kasi naiiyak din ako." -Leslie. "May isang condo akong bibilhin. Doon tayo magkita palagi. Sabihin mo may OJT ka hanggang gabi! Bigyan din kita ng duplicate na susi mo." -Ben. Medyo kumalma si Leslie. Napagalaman din ng mga kaibigan nito ang nangyari kaya niyakap nila ng mahigpit ang kaibigan at nag-confess si Leslie sa plano nila ni Ben. "Baka may gawin siya sayo Leslie! Kasi dalawa lang kayo sa condo." -Bora. "Tandaan mo! Wag na wag mo ibigay ang puri mo! Wala pa rin talaga ako tiwala sa lalake na yan! Sinabihan na nga! Nagpatuloy pa rin," pahabol ni Bora. "Hayaan niyo na si Leslie, First time niya ma inlove kaya bayaan natin kung saan siya masaya." -Jean. ~~~ Hanggang sa sumapit ang dalawang araw nang naayos na ni Ben ang mga appliances sa condo kaya nagkita na sila don ni Leslie. Biglang nagyakapan sila pero nung hahalikan na ni Ben si Leslie ay umiwas si Leslie. "Sorry, hindi ko sayo nasabi. Dahil nagsasama na tayo at kung mahal mo talaga ako. Respeto mo p********e ko. Kaya tayo nagtatagpo ng pasekreto dito sa iisang bubong ay para sa pagiibigan na totoo. Ayoko lumagpas pa yun dahil alam mo naman na conservative ako," paliwanag ni Leslie. "Okay prinsesa ko. Ikaw ang masusunod. Rerespetohin kita kung yan ang gusto mo! Alam ko na magagawan natin ng paraan at mauuwi ka pa rin sa akin." -Ben. Ang saya nilang dalawa at nagyakapan ulit sila. ~~~ Ngunit pagkarating ni Leslie sa bahay ay nagulat na lang siya ng sapakin siya ng nanay niya. "Walang hiya! Pinagkatiwalaan kita ng buong buo! May landi ka pala sa katawan mo! San ka ba nagmana!? Akala ko napagusapan na natin na-engage ka na Leslie! Wag mo kami pahiyain! Malandi!" sigaw ng nanay niya. "Papahanap ko yang Ben na yan! Ini-easy ka niya. Lahi tayo ng mga milyonaryo kaya ayaw ko na mauwi ka lang sa isang hamak na model lang na walang ama! Naihian lang ng kanu sa ibang bansa ang ina! Wag mo i-level ang sarili mo don! Matalino ka at ischolar! Kaya wag kang tatanga tanga!" pasigaw ng tatay niya. Bigla napaluhod si Leslie at nagsinungaling na umiiyak. "Wag kayo maniwala pa, ma at kuya! Hiniwalayan ko na siya! Wala na kayo alalahanin pa!" -Leslie. Niyakap bigla ito ng nanay niya at hinalik-halikan pa. "Piniprotektahan ka lang namin kasi kaisa-isa ka naming anak na babae. Ayaw namin na baboyin ka ng ibang lalake dyan sa tabi-tabi dahil ikaw ang prinsesa namin sa pamilya. Pag may manakit sayo. Doble matatanggap niya sa amin kaya sana maintindihan mo," paawa ng nanay niya. "Leslie, mabait yung na-engage sayo na si Romeo! Kaya gusto ko na sayo siya mauwi dahil ayaw ko din na saktan ka ng kung sino sinong lalake dyan na di ko kilala! Mahal na mahal kita bunso kaya sana intindihin mo din ako o kami." -Herman. Nagyakapan silang lahat ngunit andun pa rin ang konsensya ni Leslie sa pagsisinungaling niya sa buong Pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD