Chapter 2

759 Words
Napagisipan na ni Leslie na ipasok si Ben sa Gym kung saan nagtatrabaho ang kuya niya. "Ben, kuya ko pala. Si Herman. Siya ang Gym Instructor dito," Pakilala ni Leslie. Nagshake-hands naman ang dalawa pero parang duda ang kapatid niyang lalake. Nakalipas ang ilang mga buwan ay nagsimula na mag try mag-workout si Ben sa gym nina Leslie. "Leslie, ang hirap! Hindi ko na kaya. Mamamatay na ako sa pagod," paiyak ni Ben. "Dapat magkaroon ka ng Self-confidence sa sarili mo. Hindi yung tago ka ng tago sa sarili mong shell, bro! Tingnan mo ako, ganyan din ako nung una, pero ngayon! Habulin na din ng mga lalake. heheheh," yabang ni Leslie. Bigla napatingin si Ben sa hubog ng katawan ni Leslie na mala hugis Coca cola. "Ano tinitingin-tingin mo dyan, gago ka!" Sabay binatukan ni Leslie si Ben. "Alam mo! Hindi habang buhay mabu-bully ka dahil sa salitang baboy o kaya, hirap ka makahanap ng girlfriend dahil habol na ng mga babae ngayon, yung may pandesal sa katawan. Kaya malaking tulong din 'to sa'yo Ben! Tyaga lang," konbensi ni Leslie. Biglang hinawakan ni Leslie ang kamay ni Ben, "Magtiwala ka lang sa akin. Kaya mo yan," Nagkatitigan sila. ~~~ Makalipas ang isang taon. Lumabas ang ka-gwapo-han ni Ben bilang isang mestisohing binata. Natigil na din ang pambu-bully sa kanya at marami din kinikilig at nagkakagusto sa kanya. Working student pa rin. Sa tulong ulit ni Leslie ay napasok siya sa Modeling Agency na mas malaki ang kita at income na naaani niya. Madalas silang asaring dalawa na bagay. Pati mga kaibigan ni Leslie ay kilig na kilig na din pag magkatabi sila dahil parang perfect chemistry daw silang dalawa. "Leslie, nanligaw na ba sayo si Ben?" Kilig na tanong ni Sabrina. "Kaya nga sis, bagay na bagay kayo," Pasigaw ni Jean sa kilig. "'Wag kayo pakasiguro. Wala pa rin ako tiwala sa lalakeng yan!" tahimik na hayag ni Bora. "'Di pa naman, kaibigan lang kami," sagot ni Leslie. "Pero aminin mo, may feelings ka ba sa kanya? Kaw nag-transform kaya sa kanya as the hearthrob hunk of our college," ngiting hayag ni Sabrina. "Alam mo sis, 'wag ka masyado pakabait kasi maaabuso ka lang," kumbensi ulit ni Bora. "Bakit ba sungit nitong tibo na 'to," pangasar ni Jean. "Excuse me, 'di ako tomboy! Ayoko lang na masaktan 'tong kaibigan natin. Dami-dami nagkakandarapa sa'yo tapos siya. Ang dali makuha ang matamis mong oo? s**t talaga! Mas trip ko maglaro ng online games kaysa laruin ako ng lalake. Magpakababa? Amputa naman! No way!" panggigigil ni Bora. "Tumigil nga kayo dyan. Bestfriend lang kami, ok," pagkumpirma ni Leslie. ~~~ Pagkauwi na pagkauwi niya. Kumpleto ang Pamilya sa hapagkainan. "Anak, upo ka muna," sabi nanay ni Leslie. "Bakit ho? Ano mayron?" sagot ni Leslie na nagtatakang umupo at binaba ang backpack. "Anak, gusto ka namin ma-engage ng maaga, sa kaibigan namin ng nanay mo. 'Wag ka magalala dahil mabait naman iyon. Kilala nga ng kuya mo iyong lalake, eh," pakiusap ng tatay niya, na isang kilalang mayaman na business man sa lugar nila. "Ayoko! Ayoko! Ayoko!!!" Pasigaw na sabi ni Leslie at tumayo't nag walk-out siya't umakyat sa kwarto niya at nag-lock ng pinto at tuloyang bumuhos ang luha nagmukmok. "Ayoko na maikasal sa pamamagitan ng Parental Marriage . Gusto ko muna makaramdam ng True love. Never pa akong nagka-boyfriend," ani ni Leslie ng paiyak na kinakausap ang sarili. Biglang may tumawag sa cellphone, pagkatingin niya ay si Ben ito. Sinagot ito ni Leslie at nahalata ni Ben na parang umiiyak siya dahil namamaos na boses. "Leslie, kita tayo sa park! 'Wag ka umiyak," malungkot na pagkalma sa kanya ni Ben. ~~~ Nagkita sila sa park at sinabi ni Leslie lahat ng problema niya kaya napayakap si Ben kay Leslie. Doon na nag-confess bigla ang binata sa nararamdaman niya. "Leslie, matagal ko na itong tinatago. Kaya wala pa ako nagugustohan, dahil tumitibok na ang puso ko sa isang babae lamang at 'di ko na 'to mapigilan pa," kinakabahang hayag ni Ben. "Congratz! Sino naman yung masuwerteng babae na yun?" tanong ni Leslie. "Ikaw," namula agad si Ben. Biglang napatingin si Leslie sa mga mata ni Ben at biglaan siyang hinalikan ni Ben na kinagulat niya. ~~~ Kinabukasan habang papasok mga magkakaibigan sa college nila ay nakita nila itong napakadaming mga bulaklak at rosas na galing kay Ben. Biglang nagtaka si Jean at nasilip ang nakasulat sa papel, kaya sinabi na lang ni Leslie at napaamin siya sa mga kaibigan patungkol sa lahat, nang sa kanila ni Ben at ang First kiss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD