"Stretcher!" Sigaw ng Security Guard na dinalhan namin kay Isha. Nanginginig ang anak ko sa sobrang init. Halos paliparin ko ang sasakyan habang si Aileen naman ay yakap-yakap si Isha habang umiiyak at nagdadasal. Buhat ko si Isha mula sa pagkababa namin sa sasakyan. Tinawagan ni Aileen si Gabbie at papunta na daw si Gabrielle at Rafael. Dali-daling naglabas ng stretcher ang mga staff at doon ko inihiga si Isha. Si Aileen ay agad na sumilip sa pintuan ng ER na pinasukan ni Isha. God! If anything happens to my daughter I will fvcking blame myself. Hindi ko mapigilang sumilip sa pintuan ng E.R. Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Wala naman sanang masamang mangyari sa kanya. Hindi pa kami nagkakaroon ng chance na magkausap at magkasama na dalawa. Hindi ko pa nabibigay ang dapat na mer