Alam kong mali lahat ng nangyayaring ito. Tinatanaw ko na lang sila Aileen at sila Gabbie na paalis sa sementeryo samantalang kasunod ko naman si Clara na naglalakad papunta sa sasakyan ko. Nakahawak ang kamay ni Clara sa akin. "I'll go back to New York. After a month pa siguro ako makakabalik" nilingon ko siya tsaka ako tumango sa kanya. Hindi lang din kasi Teacher ito. She's also a Business Woman. Meron itong inaasikaso na kompanya sa New York sa utos na din ng ama nito. "Pagbalik ko tsaka natin ayusin ang tungkol sa kasal natin" muli na lang din akong tumango sa kanya. Wala kasi sa kanya ang isip ko. Masama na ba akong tao dahil nakatanaw ako kay Aileen habang kasama ko ang babaeng papakasalan ko. Naramdaman kong huminto si Clara kaya huminto din ako. "I know that you're still g