*Gabrielle's POV*
'Kuhain ko lang yung gamit mo sa loob ng kotse, babe" paalam sa akin ni Rafael. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Everytime ako ang lagi niyang inaaalala. Napakaswerte ko nga naman talaga sa isang ito. Hulog ng langit talaga.
"Sige" sagot ko naman. Nasa bahay kami ngayon nila mama at nag-se-celebrate ng birthday niya. Huminga ako ng malalim habang inaayos ang inorder naming pizza sa table at habang si Mama ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga anak ko.
Napatingin ako sa dingding kung saan nakasabit ang graduation pictures namin ni Aileen. Kung nandito lang sana ang bruhang iyon at ang anak niya siguradong kumpleto ang saya ni Mama. Umaasa pa din ako na sa bawat taon ay uuwi siya kahit alam kong imposible dahil sa sikat na siya sa lugar kung saan siya nagtatrabaho. Akala ata ng isang iyon ay maiisahan niya ako. Nagkakamali siya. Alam kong sikat na siya sa Singapore pero hanggang doon lang ang alam ko at sa gender ng anak nito.
Limang taon na din pala mula ng umalis siya dito pero hindi man lang siya tumawag or what. Nagpapadala siya ng pera at packages kay mama pero ni hindi na ulit ito nakita ni Mama. Minsan gusto kong magalit ng sobra kay Aileen dahil sa ginagawa niya. Pero natiis ni Aileen si Mama. Matigas talaga siya kahit noon pa naman eh.
Huminga ako ng malalim bago ko tinawag ang atensyon nila.
"Let's eat now"
Excited na tumayo ang mga anak ko at pumunta sa akin.
"Wow!" nakangiting sabi ni Ami. Inakbayan ko si Ami. Ang laki na din ng anak ko na ito. Imagine Ang ganda na ng nagbago sa buhay namin. Si Inigo naman ay napakagwapo at ngayon ay masusundan ulit ang anak namin ni Raf. I'm five months pregnant at excited na ang dalawa naming anak.
Kami ni Rafael? Ayun minsan nag-aaway pero siya pa din ang unang sumusuko sa aming dalawa dahil wala naman siyang magagawa kung magmamatigas siya. Tahimik na ang buhay naming dalawa. Sa loob ng limang taon ako na ang head nurse ng sikat na ospital dito sa maynila. Ayaw na nga ako patrabahuhin ni Rafael pero ayoko dahil gusto kong makatulong sa kanya kaya nagtatrabaho pa din ako. Outstanding students naman sila Ami at Inigo. What more can I ask for as a mother. Ay meron pa pala...ang magkaayos kami ni Aileen. Miss ko na siya.
"Babe.."
Napalingon ako sa pagtwag ni Rafael sa akin.
"Ma.."
Lumingon din si Mama kay Raf. Anong meron?
"Meron po kayong bisita" sabi nito tsaka pinasok ang maleta. Agad na umangat ang kilay ko kung hindi lang pumasok ang bisita na tinutukoy niya.
"Happy birthday, mama"
Aileen
Siya nga. Lumakad ito palapit sa amin habang karga nito ang anak nito na hindi ko makita ang hitsura dahil nakasiksik sa Ina nito.
"Sorry po" iyon ang usal ni Aileen. Tumulo ang luha sa mata ko. Antagal na din.
"Siraulo ka...bakit late ka?" natatawang tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak ko. Tumingin sa akin si Aileen bago ngumiti, may tumulo ding mga luha sa mata nito.
"Mommy, why are you crying?" Umatras ng bahagya ang anak nito tsaka pinunasan ang luha sa mata ng Ina.
"Sorry...traffic sa ere kasi. Five years akong nastock" humikbi ito "Welcome pa ba ako?" tanong nito.
Tumingin ako kay Mama. Nagpupunas ito ng luha sa mata.
"Ma" tawag nito tsaka lumapit sa ina. "Sorry, Ma.Sorry po. Alam kong mali po ako sa ginawa ko bago ako umalis. Patawarin niyo po ako"
Tumango si Mama tsaka ako nilingon at tinawag "Ang tagal kong hinintay na makumpleto ulit tayo ngayon" niyakap ni Mama si Aileen. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya dito. Kung hindi pa siguro umingit ang anak nito ay hindi sila magbibitaw.
"Siya na ba iyon?" tanong ni Mama kay Aileen. Umiiyak na tumango naman si Aileen tsaka tumingin sa akin. "Gab.."
Tumango tsaka siya niyakap. Namiss ko ang babaeng ito. Imagine, wala akong nakakwentuhan sa loob ng limang taon. May pagkasira kasi ang utak ng isang ito. "Sorry" narinig kong bulong niya sa akin. Tumango na lang ako tsaka siya tinapik sa balikat.
Ngumiti siya matapos naming maghiwalay. Humarap naman siya sa mga anak ko.
"Sila na ba iyon?" tanong niya. Pinunasan muna niya ang luha sa mukha niya. "Hi! I'm Tita Aileen"
Nagtatakang nakatingin sila Ami at Inigo kung hindi pa ako tumango ay hindi gagalaw ang mga ito. Nagmano ito kay Aileen.
"They don't know me" natatawang sabi nito. "Anyway, this is Isha, my daughter. Isha..." iniharap nito ang anak sa mga anak ko. Pagkakita ko sa anak niya ay parang may bumundol na kaba sa dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin kay Rafael habang nakatingin sa akin..mukhang nagkaintindihan na kami agad dahil lang doon. "..and that's your Tita Gabbie and Tito Rafael and Mama Tessie" tinuro niya kami sa anak niya.
"Hi" nakangiti kong bati sa anak niya. Tsaka ako lumapit para sana buhatin siya pero sumiksik ulit ito sa Ina.
Tumawa si Aileen. "Pasensya na...ganyan talaga yan eh. Ayaw sumama sa hindi pa kilala na tao"
"Ayaw ba niya sa magaganda?" pabiro ko na lang na tanong sa kanya. Lumapit si Rafael tsaka umakbay sa akin.
"May kamukha ang anak mo" sabi ng asawa ko. Biglang napahinto si Aileen tsaka ngumiti at bumaling kay Mama.
"Kain na tayo" masiglang sabi nito. Nagkatinginan na lang kami ni Rafael bago ako tumango sa kanya.
Dumulog kami lahat sa dining area. Magkatabi kami ni Rafael tapos katabi nito ang mga anak namin samantalang katapat ko naman si Aileen habang nasa kabisera naman si Mama.
Si Mama ang naglead ng dasal ngayon "Panginoon, maraming salamat po at hinayaan niyo po na ang makasama ko ulit ang mga anak ko. Salamat dahil nakasama ko na din ang apo ko na si Isha. Maraming salamat po sa panibagong taon sa buhay ko. Wag na lang po para sa akin...gabayan Niyo po lagi ang mga anak ko. Mahal na mahal ko po sila maging ang mga apo ko at ang aking mga manugang..."
Napatingin si Aileen kay mama. Halatang nagtataka.
"...salamat po.Amen"
"Yehey!" I clapped my hands. "Kain na tayong lahat"
Nagsimula na kaming kumain ng may biglang dumating.
"Sorry I'm late" sabay-sabay kaming napatingin lahat sa may bukana ng kusina. Si James, yung pinsan ni Rafael at.. tumingin ako kay Aileen para itong natuka ng ahas. Bumalik ulit ang tingin ko kay James at kay Isha.Talaga ngang...
Tumayo ako at sinalubong si James na may hawak na cake at bulaklak
"You're late" biro ko sa kanya tsaka ako humalik sa pisngi niya.
"Sorry. From Aiport to QC is one hell. Bakit hindi ganito sa Singapore" nakakalokong tumawa ito tsaka umakbay kay Mama "Happy birthday, ma" nakasunod naman ang tingin ni Aileen dito--yung tingin na nagtataka at gulat na gulat.
"Bro" bati ni Raf kay James. "Maupo ka muna sabayan mo kami" nakangiting sabi ng asawa ko.
"Oo nga naman nak. Maupo ka" tumingin ito sa side namin pero wala ng pwesto "Doon ka na lang sa tabi ng apo ko" halatang mas lalong nagulat si Aileen habang nangingig ang mga kamay nito. Umupo si James sa tabi ni Isha. Nakatingin naman dito ang bata
"Oh! Ikaw pala yung nakita ko sa airport kanina. What a coincidence nga naman" nakangiting simula ni James.
"Nagkita kayo?" tanong ni Mama kay Aileen. Tumango na lang si Aileen. Stiff.
"Alam mo ba Aileen. Napakabait nitong si James. Lagi akong binibista dito bago siya pumunta sa Singapore. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan noong una kaya nagtaka ako pero nalaman ko ikaw pala hinahanap kasi magkaibigan daw kayo kaya hinayaan ko na" abot-tainga na kwento ni Mama.
Tumingin si Aileen kay James. Matagal. Ganoon din si James kay Aileen.
"Ehem"
Sabay na napatingin ang dalawa kay Raf.
"You guys look so cute together. Ang lakas ng impact niyo sa amin" sabi ni Raf.
James smirked "Yes, we are. We are more than cute, Raf. Right, Scarlett?" tanong ni James kay Aileen.
Tumikhim si Aileen tsaka tumayo "Hindi tayo close" binuhat nito si Isha "Excuse lang po. Magbibihis lang kami ng anak KO" tapos ay umakyat ito sa itaas ng bahay. Nakasunod ng tingin si James naman.
Ngumiti ako "Susundan ko lang siya" paalam ko sa kanila. Tumayo ako at sumunod kay Aileen.
Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ako pinagbuksan ni Aileen. Namumutla ito "Gab"
Pumasok ako tsaka ako umupo sa may kama "Siya di ba?" tanong ko sa kanya
Nakatitig muna siya sa akin ng matagal "Paano mo nalaman?"
"Halata kasi..." tumingin muna ako kay Isha "...si James at yang anak mo. Iisa ang hitsura kaya di mo maikakaila"
Natigilan si Aileen bago tumango "Siya nga." kagat-labing wika nito. "Anong gagawin ko?"
"Sabihin mo s akanya. he has the right to know it"
"Ayoko"
"Dahil?"
"Baka kunin niya sa akin si Isha. Di ko kaya." huminga ito ng malalim "Tulungan mo ko. Isang linggo lang naman ako dito sa Pinas. Ayokong makita pa siya ulit...please"
"Malabo yang hinihiling mo, Aileen"
"Bakit naman"
"Malalaman mo din ang sinasabi ko" sabi ko bago ako tumayo. "Lumabas ka na...ngayon na lang nga ulit nangyari kay Mama na nandito ka eh. Wag kang magpahalata kung ayaw mong malaman niya" tsaka ako lumabas ng kwarto. Kung alam lang sana ni Aileen ang problema ngayon...kung alam lang niya...