*Aileen's POV*
Kalye Guevarra
Dito sa lugar na ito ako lumaki. Ang laki na din pala ng pinagbago ng lugar na ito. Napatingin ako sa anak ko na gumalaw mula sa pagkakahiga sa kandungan ko. Isha opens her eyes...those pairs of eyes. Hanggang kailan ko nga ba hindi makakalimutan ang matang iyon? Dahil kada gigising si Isha ay siya ang nakikita ko.
Ang lalaking iyon. Hmm. Ang laki din ng pinagbago niya ah. Parang hindi na siya yung lalaking nakilala ko noon. Paano kaya kung malaman niyang may anak siya sa akin? Ano kaya ang gagawin niya? Aware kaya ito na ama na siya?
DUH!
Malamang hindi pa dahil itinago mo ang anak mo sa kanya.
Sabat ng maligalig kong alter-ego. Hay.
"Mommy where are we?" tanong ni Isha sa akin. Ngumiti ako sa kanya tsaka ko siya inupo sa kandungan ko. Lumiko ang sinasakyan namin sa sumunod na kanto at alam kong malapit na ang bahay namin doon. Hindi alam ni Mama na uuwi kami. Wala akong sinabi sa kanya at tsaka unang beses niyang makikita si Isha. Isipin mo... nasa ibang bansa ako at nagtatrabaho tapos buntis ako. Wala akong kasama o kakilala noon. Not until I met Rojan, ang baklang manager ko. Pilipino din siya at tinulungan niya ako na from Call Center Agent-to-Model. Ngayon kahit saang panig ng Singapore ka pumunta ang makikita ay ang Ads ko. Ganyan siya mamalakad. Nagulat pa nga siya noong nakilala niya ako na may anak na daw ako. Siya ang nakasama ko noon hanggang sa manganak ako. Hindi ko tinatago si Isha sa mga kasamahan ko sa Singapore. In fact, tuwang-tuwa nga sila sa anak ko dahil ang ganda daw. Well, kanino pa ba magmamana?
Pero ganoon nga ata talaga di ba?
"We're home, honey" sabi ko kay Isha pagkalipas ng mahabang sandali. Huminto ang taxi sa harap ng bahay namin.
Ang tagal ko ding hindi nakita ang bahay na ito. Dito ako lumaki at dito nakatala ang mahahalagang alaala sa buhay ko. Bumaba kami ni Isha.
At parang huminto naman ang mundo ng mga tao sa lugar namin. Kalye Guevarra, wala na talagang nagbago pa sa iyo. Ganito dito kahit noon pa...
May nakapark din na sasakyan sa harap ng bahay namin. Tamang-tama nga naman talaga ang dating ko. Birthday nga din pala ni Mama ngayon kaya sakto talaga ang uwi namin ni Isha. Special Guest kumbaga.
Nagbayad ako kay Manong tapos tsaka ko hinila ang isang maleta na dala namin ni Isha. Wala akong balak na magtagal sa Pilipinas. Babalik din kami doon dahil pumapasok si Isha sa Play school at mayroon pa akong naiwan na trabaho sa Singapore. Nagpabuhat si Isha sa akin dahil hindi niya pa kilala ang lugar na ito. Matatakutin si Isha lalo na sa mga hindi kakilala. Mas mainam dahil hindi siya sumasama sa mga strangers.
Tatanggapin kaya ulit ako nila Mama?
Huminga ako ng malalim bago ako lumakad papalapit sa gate ng bahay namin. I was about to open the gate when it opened
"Rafael"
Nakangiti kong bati sa nagbukas ng gate. Mukhang may kukunin ito sa sasakyan. Mukhang nagulat si Rafael ng makita ako pero bakas pa hanggang sa ngayon na sobrang gwapo ng isang ito. Talagang kakaiba ang dugo ng mga Sebastian, kapit na kapit hanggang sa bunga. Si Ami kamukha ni Rafael tapos si Isha photocopy ni JT.
"Aileen, you're...back" nakangiting bati sa akin ni Raf. Tumango ako sa kanya tsaka siya napatingin kay Isha na nakatingin sa kanya. "Is she your baby?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya.
"My one and only, Francheska Isabelle." nakangiti kong sabi kay Rafael. Ngumiti siya sa akin. Tsaka hinawakan ang kamay ni Isha pero agad na nagsiksik si Isha sa akin ulit.
"Hi Francheska..I'm Tito Rafael." nankangiting sabi ni Rafael kay Isha. Sumilip lang si Isha bago muling sumiksik sa akin. "I think she's afraid of handsome human. Aw...poor me."
I chuckle. "Welcome pa ba ako?" sumilip ako ng bahagya sa nakaawang na pinto. Nagkakasiyahan sila sa loob.
"Of course you are." nakangiting sagot ni Rafael sa akin. "C'me, I'll carry your things" kinuha ni Rafael ang bag na dala ko tsaka ito hinila papasok sa loob ng bahay.
"Salamat"
Pero ang kaba sa dibdib ko. Natatakot ako na baka paalisin ako nila Mama at Gabbie dahil sa ginawa ko noon. Hindi ko gustong maransan na paalisin nila ako. Ayoko.
Unti-unti kaming naglakad sa loob ng compound. Wala namang tao dahil simple lang ang celebration ni Mama, pamilya lang talaga.
Humantong kami sa pintuan ng bahay pero hindi agad ako pumasok dahil natatakot ako sa sasabihin nila.
"Babe..."
Narinig kong tawag ni Rafael sa asawa niya.
"Ma..."
Tawag naman niya kay mama
"Meron po kayong bisita" ipinasok muna ni Rafael ang maleta. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng bahay at magpakita sa kanila.
"Happy birthday, Mama"