Chapter 4: Mother and Daughter

1185 Words
*Aileen's POV* Natapos ang buong araw na ito at sobrang pagod na pagod ako dahil na din sa nangyari sa amin kanina sa hapag kaya napagpasiyahan kong umalis muna para makabili ng masusuot sa Reunion. Huminga ako ng malalim. Pumasok ako sa loob ng kwarto. Nakita ko si Mama habang pinapatulog si Isha. Lumingon naman sa akin si Mama tsaka ngumiti "Andyan ka na pala. Talagang hinintay kita" ngumiti si Mama  "Bakit po, Ma?" humalik ako sa pisngi niya tsaka ako tumabi sa kanya. Nakatingin lang si Mama sa akin tsaka niya hinaplos ang mukha ko. "Namiss kasi kita eh. Ilang taon din iyon tapos bumalik ka nga pero ilang araw lang ay babalik ka na din sa Singapore" huminga ng malalim si Mama. Nabakas ko sa mata niya ang lungkot.  "Ma..." hinawakan ko ang kamay niya "alam mo ba na pwede na kitang kunin papunta doon kasi meron na akong Citizen Card sa Singapore. Meaning pwede na kitang isama doon. Kaya aalis din po ako para ayusin yung papel mo tutal meron ka naman ng passport. Next week, Ma. Pupunta ka na ng Singapore" eto talaga yung surpresa ko sa kanya eh. Makakasama ko na siya ulit. "May bahay na po ako doon tapos meron akong maliit na Dress Shop doon, Ma. Pwede kang manahi ng gown na gusto mo." "Talaga?" paninigurado ni Mama. Ngumiti ito pero walang buhay kaya nagtaka na ako.  "May problema po ba, Ma?" tanong ko sa kanya kasi hindi naman ako sanay na nakikita siya na ganito. Maligalig din si mama katulad ko.  "Wala. Masaya lang ako na dumating ka ulit at nakita ko si Isha...' tumingin ito kay Isha. "..alam mo bang natuwa ako ng makita ko siya pero nagulat talaga ako noon ng malaman kong buntis ka" "Sorry po. Natakot lang talaga ko, Ma. Hindi ko inaasahan iyon" "Ayos lang" hinaplos ulit ni Mama ang buhok ko "Ang ganda mo na anak" "Syempre mana po ako sa inyo" niyakap ko siya. Namiss ko ang yakap na ito. Noong nagkakasakit ako sa Singpore ay lagi kong hinihiling na sana kasama ko siya pero hindi pwede mangyari ang bagay na iyon dahil ilang milya ang layo namin sa isa't isa. Namiss ko si Mama. Namiss ko ang nag-aalaga sa akin.  "Sorry sa lahat anak ah" teka bakit ba nagsosorry sa akin ito "Alam ko naman na masaya ka na lalo na at andyan ang anak mo. Masaya din naman ako na nakita kita. Basta ang tatandaan mo ay lagi mong aalagaan ang anak mo. Si Isha at ang ama niya ang magpapaligaya sa iyo"  "Kilala mo, Ma?" Tumango si mama "Walang hindi nakakaligtas sa akin" tumawa ng bahagya si Mama "Si James ay aalagaan ka at mamahalin ka. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon na maging Ama sa anak mo" "Kahit wala na siya, ma-" "Hindi anak. Si James ang magmamahal sa'yo tatandaan mo yan" muli ay tumitig siya sa akin ng matagal. "Hay ang dami ko pang kwento sa'yo pero baka pagod ka na. Pagod na din naman ako eh. Kaya magpahinga na tayong dalawa" tumayo si Mama tsaka inabot sa akin ang gatas na ginawa niya. Mukhang hindi ko napansin na dala niya ito sa loob ng kwarto "Huling beses, nak" Inabot ko ang gatas na gawa niya "Hindi ito ang huli, Ma. Gagawan mo pa ako, next week. Tsaka itong batang ito oh" tukoy ko kay Isha" tsaka ko ininom ang gatas at muling inabot kay Mama. Kinuha naman ni Mama tsaka siya humalik kay Isha "Etong anak mo ah..aalagaan mo lagi. Pakisabi din kay Gabrielle na aalagaan niya si Ami at Inigo pati na din yung baby niya:" "Ma naman. Kung makapagsalita ka para ka namang aalis eh" Ngumiti si mama tsaka ako nilapitan at yinakap at hinalikan "Mahal na mahal kita anak. Yan ang tatandaan mo ah" "Mahal na mahal din po kita, Ma. Nga pala, Ma. Tsaka bukas grocery tayo ah para may stocks ka hanggang next week at makabili din ako ng gamit mo na dadalhin ko na sa Singapore sa Friday" "Sige. Magpahinga ka na" lumapit na si Mama sa may pintuan tsaka niya pinatay ang ilaw "Goodnight anak. I love you" "I love you too" tsaka ko narinig ang pagsara ng pintuan. Ang weird talaga ni Mama. Mabuti sigurong magpahinga na nga ako dahil sa sobrang pagod na din ako mula sa biyahe "Aileen" Nagising ako sa pagyugyog ng kung sino man sa akin. Namulatan ko si Gabbie. Umiiyak ito. Teka..bakit? "Oh bakit?" bumangon kaagad ako. "Problema?" "Ai...si mama" umiiyak na simula ni Gabbie. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko.  "Bakit?" tanong ko.  "Wala na si mama, Aileen" biglang pumalahaw ang iyak ni Gabbie "Wala na siya, Aileen" Ha? Teka ano ba yang sinasabi ng isang ito. Pero nag-uunahang pumatak ang luha sa mata ko. "Ano ba yang sinasabi mo?" lumingon ako sa gilid ko. Wala si Isha "Nasaan ang anak ko?" tanong ko "Kasama ni JT" sgaot nito sa pagitan ng pag-iyak pero biglang nawala ang konsentrasyon ko sa anak ko ng maalala ko ang sinabi ni Gabbie. Tumayo ako at inayos ang suot na T-shirt Pumunta ako sa katapat kong kwarto. Ang kabog ng dibdib ko ay sobrang kakaiba.  Nakita ko si Mama na nakahiga sa kama. Diretso pero nakangiti. Parang may mabigat na bato na nakapatong sa paa ko. Pero ginawa kong malapit sa kanya "Ma.." umupo ako sa tabi niya tsaka siya inalog pero hindi gumagalaw si mama.  Si Gabbie naman ay nasa pintuan at tahimik na umiiyak "Ma" inalog ko ulit siya "Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo ah. Ayoko ng ganyang biro" tsaka ko marahas na pinahid ang luha sa mata ko. "Ma..." "Aileen" narinig kong tawag ni Gabbie tumingin ako sa kanya tsaka naman ito umiling  "Ma..." tawag ko ulit sa kanya tsaka ko siya yinakap "nagpromise ka sa akin kagabi na sasamahan mo ako di ba? Bibili pa tayo ng gamit mo kasi pupunta na tayo sa Singapore tapos mag-gogrocery ka pa, tapos gagawan mo pa ako ng gatas di ba? Ma naman eh... ang daya mo!" niyakap ko siya tsaka ako humagulgol. Bakit ngayon pa nawala ang kakampi  ko. Kaya pala kagabi ay iba na ang nararamdaman ko. "Mama!" sigaw ko tsaka siya yinakap na mahigpit "Ma naman eh! Ma wag mo kong iiwan."  "Meron siyang Ovarian Cancer...stage 4. Ayaw niyang..ipaalam sa iyo" wika ni Gabbie matapos ang mahabang sandali.  "Panoorin mo ito" inabot niya sa akin ang cellphone niya Video ni mama Hi Anak. Miss na miss na nga pala kita. Sana pala kasama kita ngayon kasi nadiagnos ako ng Cancer. Anak, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Natatakot ako pero kapag naaalala ko kayo ni Gabrielle lumalakas ako bigla. Hindi ko na din ipinaalam sa iyo..pero baka sakaling kapag napanood mo ito ay wala na ako. Pero wag na wag kang malulungkot kasi masaya naman ako kasi kahit hindi ka umuuwi alam ko naman na ang ganda na ng buhay mo diyan sa Singapore. Sana nakikita kita at nasusuportahan pero kahit malayo ako ay nakasuporta ako sa iyo anak. Mahal na mahal kita, Aileen. Mag-iingat ka palagi anak Para akong nauupos na kandila matapos kong panoorin ang video na iyon. Hawak ko ang malamig na kamay ni Mama na kagabi lang ay nagparamdam ng init ng pagmamahal sa akin. Ngayon wala na siya...paano na ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD