Chapter 1: Welcome Back!

1054 Words
*Aileen's POV* Handa na ba ako?  Mukha naman at kailangan ko naman talagang ihanda ang sarili ko dahil kaakibat ng pagbalik ko sa Pilipinas ay ang kaba na baka magkita kami. It's been what...five years?  Hinawakan ko mabuti ang kamay ni Isabelle--My Princess, Francheska Isabelle.From Singapore kung saan ako nakabase ay bumalik kami agad sa Pinas ng mabalitaan kong magkakaroon ng Reunion ang batch namin noong High School. Well, mula nga naman ng magtrabaho ako abroad hindi na ako naging aware sa mga occassions sa Pilipinas. Okay lang naman sa akin dahil mas nabibigyan ko ng atensyon ang princess ko.  I look to Isabelle she's my four year old sweetheart. Kung meron mang magandang epekto ang ama nito sa akin ay ang maibigay siya sa akin. No one knows who is her father. Ako lang. Kahit kila Mama at Gabbie ay itinago ko ang katotohan. Nagulat na nga lang sila na malamang buntis ako. Funny how fate works. Noon sinasabi ko kay Gabbie na kahit kailan hindi ako magkakaroon ng anak. Siya nga eh..nagkaroon ng anak dahil sa isang gabi lang tapos ako...grabe talagang iba nga ang tadhana kapag ito ang gumawa dahil hindi ko inaasahan na magiging kapalaran ko ang kapalaran niya. Only. I don't have a husband while she has. Ang saya na nga nila ni Rafael. Si Ami, eight years old na tapos si Inigo 6 years old na.  Dapat talaga Call Center agent ako doon sa Singapore kasi sobra akong nahiya sa nangyari sa buhay ko. Isipin mo nga naman nabuntis ako tapos yung tatay nung bata talagang hindi naghanap. Parausan kumbaga ako. Hindi ko din naman alam na fertile ako that day kaya ayun biglang boom--buntis ako.  "Sino ang ama niyan?" umiiyak na tanong ni Mama habang inaayos ko ang damit sa maleta ko. Ngayon ko lang nakitang umiyak si mama ng ganoon. At talagang sinakto ko na malaman nila ang pagbabago sa akin...dalawang araw bago ako umalis papuntang Singapore. Hindi naman na mahirap sa akin na kumuha ng mga dokumento dahil nagtrabaho na din naman ako doon noon.  "Ma please po..." humarap ako kay Mama. Kanina pa gustong tumulo ng luha sa mata ko pero hindi ako umiiyak sa harap ng ibang tao. Ayokong isipin nila na mahina ako. Tumingin ako kay Gabrielle na nasa pintuan at nakatingin lang din sa akin. "...hindi ko din naman po ginusto na mabuo ang batang ito" matatag kong sabi. Sasabihin ko ba na lumandi ako sa birthday ng anak ni gabrielle tapos nagising na lang ako sa kwarto ng lalaki na iyon? Sus. Ni hindi nga ako hinanap. PANGALAN! Tanging pangalan lang ang pinanghahawakan namin sa isa't isa. Iyon lang.  Hindi ako hahabol sa kanya para panagutan ang batang ito. Siguro ibinigay na ng Diyos sa akin ang batang ito dahil alam niyang kailangan ko ng makakasama sa pagtanda ko.  "Scarlett" Napatingin ako kay Gabrielle. Minsan lang niya ako tawagin sa first name ko at iyon ay kapag seryoso siya at gusto na niyang malaman ang totoo.  Umiling ako. Wala akong sasabihin kahit kanino. "Hindi"  "Anak" pamimilit ni Mama. Ayokong bigyan ng sama ng loob ang Mama ko pero hindi ko sasabihin sa kanya kung sino.  "Suportahan niyo na lang po ako, Ma. Ang suporta niyo po ang kailangan ko ngayon. Kayo po ni Gabrielle kaya po wag niyo sana ako husgahan dahil sa nangyaring ito sa akin" "Hindi ka namin hinuhusgahan, Aileen. Sabihin mo lang sa amin ang totoo.." Lumapit ako kay Gab tsaka siya tinulak ng bahagya "Bakit Gab, ikaw noong nadisgrasya ka ng asawa mo. Sinabi mo ba sa amin agad na siya? Di ba, hindi. Pwes ako, ayoko." "Aileen ano ba yang nangyayari sa iyo. Simple lang naman ang tanong namin. Sino?" Nabubwisit na ako kaya napapadyak ako "PWEDE BA! Ayoko! Kaya itigil niyo na ang pangungulit ninyo dahil kahit kailan ay hindi ko sasabihin kung sino siya!" napataas ang boses ko at halatang nagulat sila. Hindi ko gustong bigyan sila ng sama ng loob pero sana respetuhin nila ang desisyon ko. Napatingin sa akin si mama sabay pahid ng luha sa mga mata niya "Aantayin ko yung araw na sasabihin mo sa akin, anak." lumapit siya sa akin tsaka ako hinalikan sa noo at niyakap. Gusto kong bumigay at umiyak na pero hindi pwede. Hindi pwede.  Umalis ako sa bansa na mayroon kaming samaan ng loob ni Gabbie. Five years kaming walang communication sa isa't isa. Walang nangahas ni isa sa amin dahil alam namin ang likaw ng bituka ng bawat isa sa amin. Walang unang bumababa.  "Mommy" Nakangiting bumaling ako kay Isabelle. Napakaganda niya. Akalain mo nga naman. Isang higaan sa kama tapos nakashoot agad ang hinyup@k na lalaki at ang resulta ay kamukha niya ang bata. Pag minamalas nga naman.  'Yes, honey?" umuklo ako sa harap niya. Isabelle extends her arms at alam ko na ang ibig sabihin nun. Magpapabuhat siya kaya walang pag-aalinlangan na binuhat ko naman siya. Ganyan siya maglambing at nakakatuwa iyon sa kanya. Minsan nga maririnig ko na lang kumakanta siya at hindi ko alam kung kanino niya namana ang bagay na iyon.  "Are you tired?" I asks her while rubbing her back. She nods and hugs me even more. "Okay you may sleep I'll just wait for the cab here" naramdaman ko ang muli niyang pagtango. Isinuot ko ang sunglass ko dahil medyo mataas ang sikat ng araw.  Tsk. Ang tagal. Nakakainip. Ayun! Paparating na ang taxi na galing pa atang Davao sa sobrang tagal.  "Sorry Ma'am at late po" hinging-paumanhin ang driver. Bumaba ito upang tulungan akong ilagay ang gamit sa loob but since dala ko si Isabelle ay hindi ko magawang tumulong.  We are about to ride the cab ng may biglang tumawag "Miss" Napalingon ako sa tumawag sa akin. At siya ang taong hindi ko inaasahan na makita ngayon. Hawak nito ang teddy bear ni Isha (Isabelle) Kakaiba ang t***k ng puso ko. Parang...parang..ang weird. Basta kakaiba siya.  "Nalaglag" inabot niya sa akin ang teddy bear.  Naamoy ko ang pabango niya na dumikit sa katawan ko noong nabuo ang anak namin...ang mga labi niya at mas lalong lumaki ang katawan niya ngayon.  "Your sister is so cute" ani nito pagkaraan.  Bakit parang ang laki ng pinagbago niya. From handsome to MORE handsome.Shet! "Miss.." naramdaman kong itinulak niya ako ng bahagya. Ha? Anubayan Aileen. Nawawala ka na naman sa sarili mo. Compose yourself.  "She's not my sister. She's my daughter." sgaot ko tsaka ko kinuha ang bear. "Thank you" sabi ko sa kanya tsaka ako sumakay sa sasakyan.  First day tapos siya agad! Gosh!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD