Beginning

689 Words
Ang saya ko habang tinitignan sina Gabrielle at Rafael. Hay parang kailan lang at grabe ang iyak ni Gabbie noong nalaman niyang buntis siya. Nagulat kami noon, OO, pero naging masaya naman sila ngayon at isa iyon sa bagay na pinakamasayang nangyari hindi lang sa kanya kundi pati na din sa amin ni Mama. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ako kaya kailan? Isa pito ang narinig ko habang nakatingin ako sa kanila kaya bigla na lang ako napalingon sa kung sino mang asungot. Pero bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko ang pinsan ni Rafael na nakita ko noong kasal nila. Gwapo ito, Matangkad at matipuno ang katawan. Tipong modelo pero mukhang hindi naman dahil pagkatapos ng kasal ay kinausap ko si Madelaine na kapatid ni Rafael at tinanong kung ano ang pinagkakaabalahan ng pinsan nila na iyon. Tinukso pa niya ako dahil crush ko daw ang kuya JT niya. Ngumiti na lang ako pero pinilit ko pa din siya na sagutin ang tanong ko. Isa daw itong part time model ng Clothing industry ng Pamilya nila pero ang talagang ginagawa nito ay asikasuhin ang Hotel and Restaurant Business ng  Pamilya Sebastian. Kung si Rafael ay sa Real Estate at Banking Business. Si James ay Hotel and Restaurant at meron daw itong sariling Car Shop na sariling pundar daw nito. Kaya talagang nagustuhan ko siya that time... sa totoo lang ay hinangaan ko siya ng sobra kaya nga siguro ako nakipaghiwalay kay Marvin noong oras na iyon. Baliw ako noh? Pero ganoon ata talaga eh. Kakaiba kasi si JT. "Bakit?" pagtataray ko sa kanya pero shemay na patis ang gwapo niya sa simpleng blue t-shirt na suot niya at talagang kinikilig ako dahil sa hitsura niya. "Ikaw si Aileen tama ba ako?" tanong nito sa akin habang nakatitig ng maigi sa mata niya. "Ako nga" sagot ko naman sa kanya. Lumapit siya sa akin tsaka ako tinignan pero tiningala ko siya dahil hanggang balikat lang niya ako at pesteeeee! Ang gwapo na nga niya sa malayuan pero mas gwapo pala siya sa malapitan. Nagrambol ang tunog ng puso ko sa pagtitig sa kanya.  "Wala kasi ako masyadong kilala dito eh." ngumiti ito tsaka hinaplos ang batok niya at sa simpleng act nito ay ang gwapo! Paano pa kaya kung magseryoso ito. Napatingin ako sa labi niya...it's seems like so delicious. Teka nababaliw na ata ako at nagiging m@nyak na ako. Tsk. Bad girl talaga ako.  "Gusto ko kasing may makausap man lang. Baka naman pwede kang makausap" "Kausap mo na nga ako eh" tumawa ito tsaka ako pinisil sa pisngi. Wow! CLOSE! Pero pinagbigyan ko siya kasi gwapo at crush ko nga.  Kung saan-saan nakarating ang kwentuhan namin at mas lalo ko siyang nakilala dahil sa mga pinagsasabi niya halos hindi ko na nga namalayan na gabi na dahil kasama ko siya. Niyaya niya akong pumunta sa isang bar. Sumama naman ako dahil wala akong nararamdaman na takot dahil kilig ang nangingibabaw sa amin. Hindi nga maiwasang dumampi yung siko niya sa akin eh. Minsan sa sobrang pagtawa namin ay naaakbayan na niya ako pero wala akong pakialam dahil nga crush ko siya.  Uminom kami at sumayaw nang sumayaw hanggang sa hindi ko na namamalayan na nalalasing na ako ng sobra...naging wild ako dahil halos hindi ko na namalayan pa ang mga bagay na babago pala sa buhay ko. Nagising na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko. Naramdaman kong may nagbago sa katawan ko. Pinilit kong gumalaw pero may mabigat na braso na nakadagan sa akin. Napatingin ako sa katabi ko...si JT.  Hindi ko alam kung titili ako pero parang nalunok ko ang boses ko dahil alam ko na ang nangyari kahit wala ako sa huwisyo kagabi pero ang kamay niya, ang labi niya, ang pagiging isa namin kagabi...ramdam na ramdam pa din ng katawan ko iyon. Biglaan at hindi ko inaasahan. Dali-dali akong tumayo at hindi na siya hinintay na magising pa.  Ang tanga ko dahil hindi ko alam na mangyayari ito. Pero teka...hindi ko ba ginusto ang lahat ng ito? Ako ang pumilit kay JT na gawin ito. Ginusto ko rin ito. At ito ang araw na babago sa buhay ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD