CHAPTER 1 — MAYNILA

1841 Words
Alas dos ng hapon nang makabalik na kami dito sa Mansion. Dumaan lang kami saglit sa isang Mall para bilhan ako ni Lola ng maliit na maleta na kasya lamang ang mga gamit ko. Ang gusto niya pa sana kanina ay yo'ng big size na pero tumanggi ako dahil kakaunti lang naman talaga ang mga gamit kong dadalhin. Hindi niya pa sinasabi kung kelan ang exact date ng pag-alis ko pero dahil gusto ko narin makapaghanda kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Tinanong ko siya kung kailan ang alis ko at laking gulat ko nang sabihin niyang bukas na bukas din. Grabe! Gano'n na ba ako ka kailangan para kinabukasan ay nasa Maynila na ako? Kaya pala gustong kausapin ni Lola ang head ng University dahil sa unexpected na pag-alis ko. May halong kaba, takot at samu't-saring isipin ang nararamdaman ko ngayon dahil panibagong lugar na ulit ang tatahakin ko. Medyo excited din ako sa part na makikita ko na ulit si Andra at si-- Ay basta! Hindi ko na matandaan ang pangalan niya pero alam kong kaibigan siya nina Astra. Oo alam kong wala akong oras at panahon pagdating sa pag-ibig at yo'ng nararamdaman kong saya pagdating kay Doc ay pawang paghanga lamang. Simula kasi nang bumisita siya dito noon nang may ginanap silang medical mission dito sa lugar namin hindi ko maiwasan na hindi humanga sa kakahayan niya at sa trabaho niya. Libre silang nagbibigay ng gamot, nagchi-check up sila ng libre at nag do-donate pa sila ng iba't-ibang uri ng kagamitan sa bawat school na pinupuntahan nila. Sariling hospital din pala nila ang Lowell Hospital. Nito ko lang din nalaman no'ng napapadalas ang appearance nila sa TV. Lumabas ako saglit para bumili ng mga kailangan ko pagkarating ko ng Maynila. Nakakahiya naman kung si Astra pa ang bibili. May extra naman ako bukod saga naiipon ko kaya pasok pa naman sa budget ko ang mga bibilhin ko. Pagkarating ko sa isang convenience store sa mga napkin agad ako tumungo. Nararamdaman ko nang malapit na akong datnan dahil panay-panay na ang pagsilay ng mga nangungube kong mga pasa. Labas na labas sila palagi kapag malapit na akong datnan. Minsan napapatanong ang iba kong kaklase kung binubugbog daw ba ako sa tinitirhan ko dahil sa mga pasa ko. Napapatawa nalang ako sa isiping iba-iba nga naman ang nararamdaman namin at nagiging hormones kapag malapit nang datnan ang isang babae. Bumili rin pala ang ng ilang pirasong toothbrush. Bumili din ako ng shampoo ko na nasa bottle na, conditioner na malimit ko rin gamitin. Sabon at ilang pirasong panty liner. May lotion pa naman ako na binigay ni Lola kaya hindi na ako bumili. “450 po lahat,” imporma ng cashier. Kinuha ko ang laman ng wallet ko. Buong five hundred ang ibinayad ko. Hindi narin ako nagtataka kung bakit ilang piraso lang naman ang pinamili ko pero gano'n na agad ang halaga. Mahal talaga kapag sa convenience store. Doble ang patong nila kumpara sa mga supermarket. “Ay, Ma'am, sainyo po yata 'to?” Habol sa akin ng cashier nang papalabas na ako ng store. Agad din naman akong bumaling sa kanya at nakita ko ang panyo ko sa kamay niya. “Salamat, Miss.” Nakangiti kong saad bago lumabas ng store. Napaka-careless kong tao sa totoo lang. Kahit saan ako mapadpad walang araw at oras na palagi nalang ako may nakakalimutan at mabuti nalang din ang panyong iniingatan ko palagi ay lagi-lagi rin naman napapabalik sa akin kapag nahuhulog ko siya. Nag-iisang panyo ko lang ito na may naka-burda ng initials ng pangalan ko at hindi ako mabubuhay kung mawawala 'to sa'kin. Ito nalang ang tanging ala-ala ko kay Mama. “Saan ka galing, Hija?” Bungad sa akin ni Nanay Fausta nang makapasok ako ng kuwarto ko. Nilapag ko sa katabi ng mga gamit ko ang plastik na bit-bit ko. “Bumili lang po ako ng mga kailangan ko. Hindi ko hu kasi kabisado ang madadatnan ko do'n sa Maynila kaya dito na ako namili.” Paliwanag ko. “Gano'n ba? Nag-abala ka pang lumabas eh kadami-dami namang stock dito sa Mansion. Dapat 'yang pera mo ay tinatabi mo lamang para sa gastusin mo. Kahit kailan talaga nahihiya ka parin na umasa dito sa Mansion.” Naiiling na sermon sa akin ni Nanay Fausta. Ako naman ay napangiti nalang at nilapitan siya bago niyakap ng mahigpit. Mami-miss ko ang matandang ito. “Hindi pa kayo nasanay sa akin.” Biro ko. “Bakit nga hu pala kayo nandito, may ipapagawa po ba kayo?” “Ay, oo nga pala! Heto, ang ticket mo. Pinabibigay ng iyong Lola. Itabi mo na 'yan pati itong pocket money. Huwag mo daw ibalik 'yan dahil magtatampo daw siya sa'yo. Hala, itabi mo na.” Sunod-sunod na sabi ni Nanay Fausta habang inaabot sa akin ang ticket ko at yoong naka-sobre na pera. Hindi na ako nakipagtigasan at tinaggap nalang din ang pera na galing kay Lola. “Salamat po,” tanging nasambit ko habang kinukuha ang aking wallet kong nakalagay sa bag ko. Hindi ko binuksan ang sobre at basta nalang inilagay sa mahaba kong wallet. “Mag-iingat ka doon, ha? Alam kong kaya mo ang sarili mo dahil matagal ka nang independent. Gabayan ka nawa ng mahal na diyos sa araw-araw mong buhay doon sa Maynila.” Tila nangingiyak na si Nanay habang nagbibilin sa akin. Ayaw kong maging emosyonal kaya biro akong tumawa para tanggalin ang namumuong emosyon niya. Natawa din naman siya habang ina-ampat ang namumuong luha. “Oh, siya sige na, lalabas na ako para makapagligpit kapa ng iba mong gamit. Lumabas ka nalang maya-maya kapag kakain na. Kailangan mong matulog ng maaga dahil alas siete ang flight mo bukas. Sige na.” Bilin ulit ni Nanay bago niya isara ang pintuan ng aking kuwarto. Dahil do'n bigla akong nanglambot at mabigat na umupo sa kama. Habang tinitignan ko ang mga gamit kong nakahanda na hindi ko lubusang maisip na bukas na bukas bago mag tanghali ay ibang hangin na ang malalanghap ko. Ibang tao na ang makakasalamuha ko at higit sa lahat ibang lugar na ang tatahakin ko. Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda. Mabilis akong kumain at nakaligo at bago mag alas-sais ay nasa airport na ako. Hindi na ako pumayag na sumama si Lola sa paghatid sa akin dahil alam kong maiiyak lang ako. Sapat na yo'ng umiyak ako kanina bago umalis ng Mansion. Ilang minuto nalang at mag la-landing na ang eroplano na sinasakyan ko. In-off ko rin muna ang cellphone ko matapos ko basahin ang txt sa akin ni Astra. May susundo daw sa akin kaya hintayin ko lang pero bago 'yon hiningi ko parin ang address niya just incase. Pagkalapag ng eroplano ay hindi muna ako tumayo. Halos lahat kasi ay nagsitayuan na kaya sa halip na makipagsiksikan ako mas minabuti kong huwag nalang. Hindi ko pa naman talastas ang airport kaya baka kung saan ako mapunta kapag nagdagsaan na ang mga tao. After ilang minuto ay saka ako tumayo kung saan kakaunti nalang ang pumpila para lumabas. Nagmadali akong kunin ang maleta ko dahil nakasakbit na naman ang backpack ko. “Ay, shít!” mariing bulalas ko nang mapatingin ako sa manipis na throw pillow na inuupuan ko kanina! Nakita ko kasing may konteng tagos kaya na-alarma ako bigla. Awtomatiko kong tinanggal ang bag ko at mabilis na nilagay sa loob ang throw pillow! Nakakahiya at sobrang mapapahiya talaga ako kung hahayaan kong naka-display doon! “Panira talaga kung mag timing itong bisita ko! Walang pa abiso eh kahaba-haba ng maghapon kahapon!” Gigil kong sermon sa aking sarili habang hindi alam kung ano ang gagawin! Mabuti nalang at may baon akong cardigan na kapag masusuot ay matatakpan ang puwetan ko. Mabilis akong nagtungo sa pinakamalapit na cr! Nakipagsiksikan talaga ako para makapasok agad dahil sa takot na matagusan pati ang suot kong cardigan. Pagkapasok ko ay walang hesitasyon kong hinubad ang pantalon ko pati ang underwear ko. Sinuot ko rin kaagad ang panty kong may napkin na saka sinunod ang pantalon na nilabas ko kanina pa. “Stk!” iritado kong tiltik habang hinahagilap ang baon kong supot incase na mapasuka ako sa byahe kanina. Oo, first time kong sumakay ng eroplano at hindi ko alam ang feeling kapag nasa ere na kaya incase of emergency nagbaon ako nang supot. Mahirap na kapag napasuka sa ere kaysa bumaba na may sharon na dala. Pero mabuti naman at hindi ako nakapag-sharon. Nang okay na ako at tingin ko'y wala nang hassle sa pagkatao ko saka palang ako lumabas at naghugas ng kamay. Tinapon ko narin pala sa basurahan ang throw pillow na dinala ko pero ang suot kong may tagos ay pinailaliman ko nalang muna ng mga ibang nakalagay sa loob ng bag ko habang nakabalot 'yon sa plastik na supot. Paglabas ko ng terminal 2 biglang humampas sa mukha ko ang mainit na hulab ng hangin. Napangiwi ako at basta napapikit nang maramdaman at maamoy ang mausok at mainit na kapaligiran. “Maynila...” Mahinang bulong ko sa aking sarili habang tinitignan kung gaano kagulo at kaingay ang labas ng airport. Madaming nagsisigawan na mga kunduktor ng jeep at bus pati ng van nang makarating ako sa exit pero agad akong napatigil at mabilis na kinuha ang aking cellphone nang maalala na may susundo pala sa akin. Pagkabuhay ko ng aking cellphone ay agad kong tinawagan si Astra dahil nakita kong may isang oras na ang lumipas sa oras na magkikita kami ng sundo ko! Shït talaga! Unang apak ko sa Maynila ay palpak agad ako! “Hey, hello, Lex! God...kanina pa kita tinatawagan but I didn't reach you. Are you okay? Where are you now? Naligaw ka ba?” Sunod-sunod na bulalas ni Astra sa kabilang linya. Naikawang ko pa sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa tinis ng kanyang boses sa kabilang linya. “Okay lang ako at saka--pasensya na dahil nagkaproblema ako sa eroplano kanina. Hindi naman ako naligaw, sa katunayan andito ako ngayon sa labas ng airport malapit sa paradahan ng mga bus, jeep at van.” Nahihiyang sabi ko kay Astra. “Bakit anong nangyari?” Aniya sa kinakabahang boses. “Natagusan lang ako kaya natagalan ako sa cr.” Ani ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim kaya pati ako nakahinga narin ng maluwag. “I see. Siya nga pala, mag byahe ka nalang papunta dito sa bahay dahil yo'ng sundo mo naman ang hindi ko makontak. I don't know where he is! By the way, you know the address, right? Mag taxi ka nalang din para dire-diretso ang byahe. Don't forget to send me the details of the taxi you took.” Tumango-tumango ako. “Oo, sasabihin ko nalang ang address na ibinigay mo. Sige, maghahanap na ako ng masasakyang taxi. Salamat ulit, Dean.” Pagkatapos kong ma-end ang usapan namin ni Astra hindi na ako nag aksaya pang mag-abang ng taxi. Medyo mainit narin dito at nagugutom narin talaga ako kaya nakikipag-unahan narin ako sa pila para makasakay agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD