bc

CARELESS ADDICTION

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
age gap
fated
opposites attract
pregnant
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
bold
genius
office/work place
small town
enimies to lovers
lies
secrets
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Hindi niya balak na mahulog sa patibong ni Lexie pero paano niya pa maiiahon ang sarili kung ang kumunoy na nilubugan niya ay ang magiging kahinaan niya pagdating ng panahon. “I promised myself that no matter what happens I will not feel sorry for you, pero tangina, hindi ko alam kung bakit unti-unti ko nang kinakain ang mga salitang binitawan ko noon! Binabaliw mo ako Lex, kahit paulit-ulit mo na akong niloloko!”Magpapalamon nalang ba siya sa pagiging isang marupok para hindi masaktan ang puso niya kahit alam niyang puro kasinungalingan ang dala ni Lexie sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
INTRO
Wala sa bokabularyo ko ang pumasok sa isang relasyon o makihalubilo sa mga kalalakihan kahit maraming nagpaparamdam. Wala akong sapat na oras para sa pag-ibig dahil--mas kailangan kong unahin ang paghahanap-buhay para matustusan ang pang-araw-araw kong pangangailangan. Ako si Alexie Mendez. Lumaki sa probinsya ng Cebu at mag-isa na binubuhay ang sarili. Oo, masaklap ang buhay ko simula nang pumatong ako ng Highschool. Parehas namatay ang aking mga magulang nang barilin sila ng isang sindikato na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang totoong pakay nila sa mga magulang ko. Nag-iisang Anak ako kaya sobrang hirap sa parte ko na mawalan ng magulang. Namuhay ako bilang isang independent kahit kasambahay lang ako. Dahil sa maagang pagkawala ng mga magulang ko namasukan ako bilang isang kasambahay sa tinitingalang pamilya dito sa Cebu. Sa pamilya ng mga Ibarra ako nakapasok at halos anim na taon narin akong naninilbihan dito. Sa tinagal-tagal kong kasambahay dito ay parang pamilya narin ang turing ko sa mayorduma dito sa Mansion. Ang mga amo ko narin pala ang nagpapa-aral sa akin simula nang malaman nilang tumigil ako no'ng second year high school ako. Si Nanay Fausta ang naging gabay ko at naging pamilya ko simula nang alukin niya ako na pumasok dito sa mga Ibarra nang lumipas ang ilang buwan simula nang mamatay si Mama at Papa. Nagustuhan ko rin naman ang trabaho ko dahil sobrang bait din ng Amo namin. Lola narin pala ang tinatawag ko sa Amo naming babae at Lolo naman sa Amo naming lalaki. Parehas silang senior citizen at medyo hirapin narin sila dahil marami narin silang nararamdaman. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil simula nang iparamdam nila sa akin na kabilang ako sa pamilya nila, sinabi ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ko sila bibiguin. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang mga itinulong nila sa akin kahit paulit-ulit nila sabihin na maliit na bagay lang 'yon. Dalawa lang ang Anak nila at parehas may mga pamilya na. Nagigiliw din sila sa mga apo nila dahil minsan lang ito mag bakasyon dito sa Cebu. Mababait ang angkan ng mga Ibarra at sa katunayan ay malapit ko rin na kaibigan ang bunsong Anak ni Sir Jaxxon na si Astra. “Lexie, Hija baka daw pwedi kang maistorbo sandali sabi ni Lola mo Milagros.” Seryosong imporma sa akin ni Nanay Fausta nang akmang papasok na ako sa library para sa gagawin ko sanang paglilinis doon. Bigla pa akong kinabahan dahil sa klase ng hitsura ni Nanay bago si Lola Mila pa nga ang nagpapatawag sa akin. “B-bakit po kaya, Nay?” Kuryuso kong tanong kaso umangat lang ang magkabilang balikat ni Nanay kaya napasinghap ako. “Ah, sige po, puntahan ko nalang po siya.” Ani ko. Magalang akong namalaam kay Nanay bago mabilis na naglakad patungo sa garden area. Alas otso palang naman ng umaga at kapag ganitong oras alam kong naroroon si Lola Mila dahil bukod sa nag papainit siya sa sikat ng araw ay gustong-gusto niya rin na tumambay doon at walang sawang tinitignan ang mga tanim niyang orchids. Nang matanaw ko si Lola na nakatalikod mula sa direksyon ko doon malaya akong huminga ng dalawang beses. Kinakabahan ako kahit wala naman akong alam na may nagawa kong mali. “L-La...pinapatawag niyo daw po ako.” Malumanay kong bungad. Umupo ako sa upuan na katabi ng wheelchair na inuupan niya. Ang personal nurse niya ay pinaalis niya muna. Dahil do'n mas lalong tumanim ang kaba ko. “Naistorbo ba kita?” Nakangiti niyang tugon dahilan para bigla akong mapanatag. Ang ganda palagi ng awra niya kapag nakangiti siya. “H-Hindi naman po, La.” Ura-urada ko namang sagot. Inabot niya ang kamay ko. Hinimas-himas niya 'yon kaya napatingin ako sa mga kamay namin. “Matanong ko lang, Hija. May ilang taon kana nga?” Natatawa niyang tanong. Napanguso naman ako dahil kahapon lamang ay tinanong niya rin ako katulad ng tanong niya ngayon. “Si Lola naman---bente nuebe na po ako diba?” Sagot ko na ikinatawa niya ng mahina. “Oo nga pala, halos ilang taon lang pala ang agwat niyo ni Sirius.” Aniya sabay tawa ulit. Dahil sa binanggit niya napayuko ako at doon kinagat ang aking ibabang labi. Alam ko ang sasabihin niya kapag isinisingit na naman niya si Sir Sirius. “Opo...” Tugon ko din kaagad nang i-angat ko ang aking paningin. Nakatuon ang mga mata niya sa akin kaya hindi ko makuhang bumaling sa kung saan dahil parang kabastusan naman kapag gano'n. “Diba alam mo naman na gusto ko nang pag-asawahin si Sirius. Mukhang mauunahan pa siya ni Knoxx kung patatagalin mo pa ang inaalok ko sa'yo, Hija.” Sunod-sunod niyang sabi. Bigla namang lumamig ang buo kong katawan. May isang buwan nang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Lola Mila ang tungkol sa alok niya sa akin pero kasi ang hirap naman umo-o. Ni hindi nga ako kilala ni Sir Sirius tapos makikipagmabutihan pa ako sa kanya? Sa lagay na 'yon iniisip ko palang ang mga gustong mangyari ni Lola Mila ay nagsisitayuan na agad ang mga balahibo ko! Akmang magdadahilan pa sana ako pero naunahan niya akong magsalita. “Hindi pweding mauna si Knoxx dahil panganay si Jaxxon. Kahit matanda si Knoxx kay Sirius ang pangit parin tignan na lalakdawan niya ang pinsan niyang Anak ng panganay.” Paliwanag ni Lola. Hindi ako nakapagsalita at basta nalang napatameme dahil sa totoo lang wala talaga akong alam kung ano ba ang dapat kong maging sagot. Ang mga matatanda sa una ay sadyang ganito ang mga pamahiin at kalakaran. Wala man akong alam sa mga tradisyunal na gawain dito sa bayan namin pero alam kong ganito na nga ang mga nakasanayan ng mga matatanda. Si Sir Knoxx ay alam kong matagal nang balak magpropose sa long time girlfriend niya. Kaya ko naman nalalaman ang mga balitang 'yon dahil malimit na pumunta dito si Sir Knoxx kaysa sa mga magkakapatid ni Astra. Mababait sila parehas pero kay Sir Sirius lang talaga ako naiilang dahil bukod sa seryoso niyang paghihitsura nakaka-intimidate din siyang tignan at unahan ng pagbati. Sa kanilang tatlong magkakapatid iba-iba sila ng ugali. Si Astra ay mabait at napakagaling makipaghalubilo. Si Sir Caelum naman ay medyo suplado pero malaki ang pinagkaiba niya sa panganay nila. Basta, hindi ko lubusang maisip na makipagmabutihan kay Sir Sirius. Kapag nandito nga siya sa Mansion makita ko palang ang likod niya umuurong na agad ang mga paa ko ano pa kaya kapag nakakaharap ko na siya at makaka-usap? Ahh! Hindi ko 'yan ma-imagine na mangyayari 'yan! Napa-iling ako nang maalala na kaharap ko pa pala si Lola Milagros. Mabuti nalang at abala siya sa pagtingin sa orchids niyang dinapuan ng isang ibon. Dahil do'n napalunok nalang ako sa isiping hindi ko talaga kaya ang gustong mangyari ni Lola. “Oh siya, sige na. Bumalik kana sa ginagawa mo. Puntahan mo nalang ako mamaya kapag paalis kana papunta sa University mo dahil sasama ako.” Imik niya habang tutuk na tutuk parin sa orchids. Namilog naman ang aking mga mata nang marinig ang huli niyang sinabi. “B-bakit po, La? W-wala naman po akong alam na pinapatawag kayo ng head—” Natataranta kong sagot kaso pinutol niya ang sasabihin ko. “I know, Hija. The truth is..I just want to clarify things about your transfering process.” Bulgar niyang sabi na ikina-awang ng bibig ko. Nakita niya ang reaksyon ko kaya agad ko rin tinikom ang aking bibig. “I know it shocks you. Hindi ko planong surpresahin ka. May isang linggo narin kasi akong kinukulit ni Astra na kung pwedi ay doon kana sa Maynila magpatuloy ng pag-aaral mo. You don't have to worry about your files and processing your records dahil si Astra na ang bahala do'n.” Dugtong niyang sabi. Hindi ko alam may ganitong set-up na nangyayari. Nalulungkot ako at the same time kinakabahan dahil alam kong ibang-iba ang buhay dito kumpara sa Maynila although alam ko naman na magiging maayos din naman ang buhay ko doon dahil hindi rin naman iba ang madadatnan ko. “P-Pero bakit po biglaan naman, La. Hindi po sa nagrereklamo ako pero hindi po ba pweding tapusin ko nalang ang taong ito bago pumunta doon?” Nahihirapang giit ko. Walang reaksyon na makikita sa hitsura ni Lola kaya pinipigilan ko na ang aking sarili na mangatwiran pa. “Alam kong mahihirapan kang mag adjust kapag nasa Maynila kana Hija, pero Astra is there for you. Hindi ka niya pababayaan besides hindi naman iba ang pupuntahan mo doon, am I right?” Kagat ang ibabang labi nang tumango-tumango ako kay Lola. “Hindi lang naman po yoon ang pino-problema ko, La. Alam kong nasanay na ako dito sa puder niyo kaya iniisip ko po na baka ma-home sick ako doon at matagal-tagal pa bago ako makakapag-adjust—” “Huwag mong sabihin na may boyfriend kang maiiwanan dito kaya medyo nag aalangan ka, Hija.” Biglang putol niya dahilan para agad akong mapa-iling. “Nako, wala po akong boyfriend, La.” Tanggi ko naman. Nakitaan ko ng maaliwalas ang hitsura ni Lola nang sabihin ko ang totoo. “Well, if socializing is your problem when you were there I think--it's not a big deal to be hesitant. Like I said earlier hindi ka pababayaan ni Astra. Resgo ka niya at alam ko naman na she is responsible when it comes to you. You are not others in this clan Lexie, alam kong alam mo 'yan. Ang totoo kasi kung bakit ka kinukuha ni Astra is what she intends to make you her secretary. She's just starting with her little business at alam naman natin kung ano ang pinagdaanan niya two years later, diba? You two are close kaya sa halip sa kumuha siya iba mas mabuti yo'ng desisyon niyang ikaw nalang at least she knows you and you are too.” Mahabang paliwanag ni Lola. Basta lang ako nakatunganga sa kanya at tahimik lang na ina-advance ang aking kaisipan. Huminga ako ng malalim bago inabot ang isang kamay ni Lola Mila. Tinapik-tapik ko 'yon na para bang kumukuha ako doon ng kapanatagan. “Kung kana ang imong gusto, respetuhon ko kana, La. Mingawon ko nimo, Lola Mila.” Mangiyak-ngiyak kong sabi sa Cebuana na salita. Napatawa siya nang makita ang hitsura kong unti-unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata. “Amping ka digtu Lex, ha? Mingawon man sad ko nimu pero hayaan mo dahil every month ay pipilitin kong magbisita doon and wish me luck na payagan ako ni Kuya mo Jaxxon. You know that I'm old and haven't energy—” “Okay lang jud, La. Pag-amping lang kanunay ug magstorya ta bisan sa video call nalang.” Bilin ko pa bago siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko kahit hindi ko pa alam kung kailan ba ang eksaktong araw ng pag-alis ko. “Yeah...I will always be careful. Your grandfather and I are happy with whatever you get there in Manila, Hija. Basta--yoong bilin ko sa'yo, don't forget it. Okay lang sa akin na mag paanak ka agad kay Sirius. Walang magagalit kahit si Kuya Jaxxon mo pa ang makaalam no'n walang problema sa kanya. Baka nga magbunyi pa 'yon kapag nagkataon na mangyari 'yon.” Biglang singit na naman niya tungkol sa apo niyang misteryuso pa sa kulog. Tumango-tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya kahit sa isipan ko ang tanging sinasabi at sinisigaw ay kahit kailan hindi manyayari 'yon! Pupunta ako ng Maynila para magtrabaho habang tinatapos ang pag-aaral ko. Bahala na kung mabigo ko si Lola sa gusto niyang mangyari. Hahanapan ko nalang ng karapatdapat na babae si Sir Sirius at siyang ibabalita ko kay Lola.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook