CHAPTER 2 – ANINO

1310 Words
Nasa kusina ako at kasalukuyang umiinom ng tubig dahil kakatapos ko lang kumain. Si Astra ay umalis saglit dahil may kukunin lang daw siya sa kotse niya. Akmang babalik na ako sa hapag para kuhanin ang pinagkainan ko ng marinig ang dalawang tao na nag-uusap ng pagalit ang boses ng lalaki. Boses ni Astra ang naririnig ko at ang isa ay hindi ko mawari kung kanino. Napatigil ako ng marinig na papalapit na sila pero agad din akong humarap ulit sa reef at mabilis ko itong binuksan at naglagay ulit ako ng malamig na tubig sa baso kong walang laman! “Bakit ka ba kasi nagagalit?” Iritadong sabi ni Astra sa kausap niya. Hindi ko man gustuhin na marinig sila kaso wala akong magawa dahil malapit lang sila sa direksyon ko! Napakagat ako ng labi at tarantang ibinalik ang bubog na pitchel sa kinalalagyan nito dahil bigla nang umapaw ang tubig na sinasalin ko sa baso! “Shet!” Pikang bulong ko sa aking sarili habang hindi magkaintindihan sa gagawin! “Paanong hindi ako magagalit eh halos may isang oras akong naghihintay doon sa airport pero ni anino ng pinapasundo mo ay hindi sumampa sa kotse! My meeting was canceled because of your request, which is pointless–” “Kuya!” Gigil na putol ni Astra sa kausap niyang--kuya niya? Bigla akong nanlamig dahil sa kaba! Ako ba 'yong tinutukoy niya? Shet, baka ako nga! Kabado kong tanong sa aking sarili! Nanlalamig na ang buong katawan ko at feeling ko kasing lamig na ng tubig na ininom ko! “Why? Tama naman ako diba? You ruined my day Dean, so I will collect later your arrears on me.” Ani ng baritonong boses ng lalaki. Kasabay ng pag-igtad ko dahil sa gulat nang marinig ang mabibigat na yabag ng kung sino gano'n din ang pagbitaw ko ng baso na hawak-hawak ko! Napayuko ako at napapapikit habang ginagawa ang pagluhod sa sahig para damputin ang mga bubog na kumalat. “Shocks, Don't pick up the broken glass, Lex! Masusugatan ka niyan!” Bulalas ni Astra habang papalapit sa akin. “Lex?” Ulit ng lalaki sa pangalan ko kaya sabay kaming napatingin ni Astra sa direksyon nito! Kilala niya ako? Tanong ko sa aking isipan habang sinasalubong ang nangungunot nitong noo at salubong na mga kilay! Pero hindi rin tagal ang paninitig ko nang ma-realise na si Sir Sirius pala ang lalaking nakatayo sa harapan ko! Siya din ang dapat na susundo sa akin kanina? Ay shet na talaga! Katapusan ko na yata kahit unang araw ko palang dito sa Maynila! Palpak ka agad Alexie Mendez! Tahimik kong sumbat sa aking sarili habang tinitibayan ang loob na hinuhugasan ang aking kamay na nasugatan. Kung wala si Astra sa tabi ko baka siguradong kanina pa ako nahimatay dahil sa samu't-saring takot na nararamdaman! Grabe...hindi ko sukat akalain na sa unang araw ko dito sa Maynila ay makikita ko agad ang lalaking kahit kailan hindi ko hinahangad na makita! “Let's go, Lex.” Yakag sa akin ni Astra. Nagpatangay ako habang hawak-hawak niya ako sa aking braso. Nang malapit na naming lampasan ang bulto ni Sir Sirius, saka naman ako yumuko para hindi siya makita. “Don't mind him and better to suit yourself when you were here. Lalo na kapag naririto ang dalawang lalaki ko na kapatid.” Walang tigil na sabi ni Astra nang makalabas kami ng kusina nila. Kahit hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang i-point out tumango parin ako bilang sagot sa kanya. “Dapat maging bukas ang mga tenga mo kapag nandito ka dahil umpisa palang ito Lex, marami ka pang maririnig na hindi kaaya-aya kapag nandito tayo sa bahay nina Mom at Dad.” Natatawang bilin niya sa akin nang maka-upo kami sa sofa. Napatingin siya sa direksyon ni Sir Sirius na kasalukuyang naglalakad at umupo sa sofa na may kalauyan sa inuupuan namin. Sumilay lalo ang nagbibirong hitsura ni Astra na parang trip niyang yamutan ang Kuya niya. Ang awkward ng ganitong sitwasyon. Yo'ng gusto kong magsalita kaso nag-aatubili ako dahil baka i-judge ako ng makakarinig. Hindi si Astra kundi itong Kuya niyang--kung makatingin daig pang may utang ako sa kanya! Parang lihim niya akong sinisingil sa pamamagitan ng mga tinginan niyang nakakatakot! “S-Sanay naman na ako,” mahinang saad ko nang iiwas ko ang paningin kay Sir Sirius. “Why? Meron din bang kaugali na kagaya nila do'n sa Mansion nina Lola?” Hindi makapaniwala na pagkakasabi ni Astra. “Nako, wala! I-Ibig kong sabihin sa mga napapanuod ko sa TV,” paliwanag ko. Parang nabuhayan si Astra. Nanatili parin ang paningin ko kay Astra kahit gustong-gusto ko nang ilibot ang paningin ko sa magandang Mansion nila pero wala ako lakas ng loob na gawin 'yon dahil kahit hindi ako nakatingin kay Sir Sirius pakiramdam ko masakit niya parin akong tinitignan. Hindi ko siya kayang pakitunguhan kapag nagkataon dahil sa kasupladuhan niya. “I see...” sambit ni Astra bago tinignan ang oras sa kanyang relo. “By the way Lex, do you mind if iwanan muna kita—” Bigla akong na-alarma nang marinig ang sinabi ni Astra kahit hindi paman niya natatapos ang sasabihin. “Pwedi bang sumama nalang ako sa'yo?” Mabilis kong ani. Hindi kaagad nakapagsalita si Astra. Bigla akong napahiya kaya peke akong ngumiti. “Sorry--Ibig kong sabihin....g-gusto kong sumama sa'yo para maging pamilyar ako sa mga daan at lugar na pweding puntahan just in case magtrabaho na ako sa'yo.” Dugtong kong sabi. “Great! Kung may energy kapa naman then why not?” Nakangiting saad ni Astra. “So, let's go?” Baling niya kay Sir Sirius. Nasundan ko rin ang paningin ni Astra pero kagaad ko naman binawi dahil sa isiping pagsisisi na nagpasya pa akong sumama! Kainis dahil akala ko absuwelto na ako na hindi makita at makasama ang Kuya niya kaso mali pala ako! Jusko...Bigyan niyo naman po ako ng sign kung ano ang dapat gawin para hindi makita itong bulto ni Sir Sirius. Awa niyo na Lord. Tahimik kong dalangin sa aking sarili habang naglalakad palabas ng kanilang Mansion. Si Sir Sirius ang magmamaneho kaya hindi na naman ako mapakali pero nang makita kong sa akin tumabi si Astra bigla akong nabunutan ng tinik at parang naging normal ulit ang sistema ko. “Yes?” Sambit ni Astra sa katawagan sa cellphone. Tahimik kong pinapakinggan ang usapan nila. Itinago ko rin sa tabi ang aking sarili para hindi masipat ng mga ko ang bulto ng driver dahil sinisingil niya parin talaga ako sa pamamagitan ng kanyang masakit na tinginan! “Sige, I'll wait for you here, then. Pasalamat ka hindi pa kami nakakaalis. K, see you soon!” Parinig kong sabi ni Astra. “Ano, aalis pa ba o hindi?” Sabat ni Sir Sirius. Nakita kong binuksan ni Astra ang katabing pintuan kaya bigla akong naghumpay dahil parang hindi kami matutuloy ng pag-alis. Thank you, Lord. Ito na ba yo'ng sign? “I'm sorry Kuya but Luna will pick me up now. May pupuntahan lang kaming client malapit dito sa area. Baka--ipasama ko nalang sa'yo si Lexie?” Turan ni Astra habang bumababa ng kotse. Hindi ko narinig na sumagot ang Kuya niya pero narinig kong ini-start na nito ang makina. Hindi ko inaalis ang paningin kay Astra dahil nagbabasakali ako na isama nalang niya ako sa lakad niya. “Just wait for me at the office, Kuya is with you so you have nothing to worry about.” Ngiting-ngiti niyang bilin sa'kin. “See you later, Lex!” Hindi na ako nakapagsalita nang basta niya isara ang pintuan. Napakagat nalang ako ng aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung hahabulin ko ba si Astra o ano! Final sign na ba talaga 'to Lord? Pikit mata kong sabi habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng kotse!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD