Austeja Pag-alis namin sa restaurant ay dumiretso na kami sa Acher's building. Hindi na namin nabuksan ulit iyong sinabi niya kanina—o mas mabuting sabihin mainam nang hindi na namin muli pang pag-usapan kahit kailan. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, ngunit may kutob ako na marumi ang nasa isipan ng pinsan ko. Iyong tinig niya kanina noong bigkasin niya ang mga huling salitang binitiwan niya, puno iyon ng malisya. Nakita ko rin iyon sa mga mata niya nang buksan niya ang pintuan para sa akin. Ayoko na lamang i-entertain ang ideya na baka may gawin kami rito sa penthouse niya. Aykong mag-isip ng kung anu-ano. Ayokong mabahiran ng dumi ang utak ko dahil lang sa mga salitang lumalabas mula sa bibig nitong Zigger na ito kahit na parang ganoon na nga iyong nangyayari. "I'm just going