Austeja "Will you be fine if you work at the Archer's club, hija?" tanong ni tito Zach. Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya. Wala namang problema sa akin kahit saan pa nila ako dalhin, subalit ang napag-usapan kasi namin noong nakaraan ay sa hotel nila ako bibigyan ng trabaho. Magiging room attendant sana ako kung sakali, pero mukhang hindi na matutuloy. "Wala pong problema, tito. Kahit saan po," nakangiti kong tugon. Tutal naman ay nakapunta na ako roon sa Archer's club; nakita na ang loob no'n, at kung ano ang mga ganap. Hindi ko pa lang masabi sa ngayon kung ano ang trabahong ibibigay nila sa akin doon. Pero mukha namang maayos ang kalakaran nila. Well-behaved rin siguro iyong mga guests na nagpupunta roon dahil wala namang naganap na kaguluhan noong nandoon ka