Austeja "Bago ba 'yan, Yura?" Rinig kong tanong ng isang babae. Agad akong napatingin sa kanya, at kahit na ayokong pasadahan ng mata ang suot niya, hindi ko napigilan ang sarili ko. Naka-micro mini leather skirt ito na kulay itim, at puting collar sleeveless button down shirt--na halos makita na nang tuluyan ang mga chestbags niya. May suot rin siyang itim na knee-high boots sa mga paa. Maayos din ang pagkaka-make up nito, at halatang maganda na kahit wala iyon. Pati ang katawan niya ay maganda rin ang hubog. Mahaba ang kulay beach blonde hair nito at halatang kinulot sa may ibabang parte. Ang kaso nga lang, rinig na rinig yata rito sa buong dressing room ang tunog ng pagnguya niya sa chewing gum na nasa bibig. Pinaglalaruan pa niya ang malaking hoop earring nito sa isang tenga. "Oo