Chapter 2

2578 Words
Austeja I used to dream of getting married as soon as I turned at the legal age. Nakikita ko kasi sa mga magulang ko na mahal na mahal nila ang isa't isa noong mga bata pa kami ni Althea, at isa pa kaming masayang pamilya. I wished to meet my prince charming early. Ang dahilan ko kung bakit gusto ko 'yon? Para mahaba-haba ang panahon ng pagsasama namin. Pakiramdam ko ay mapag-iiwanan ako kapag hindi ko siya maagang nakilala. I want to walk down the aisle while the love of my life is waiting for me near the altar. I want my wedding to be grand and glamorous. Iyong maraming maiinggit sa akin at gugustuhin nilang maging katulad ang kasal nila sa kasal ko. Who wouldn't want that, right? Every girl's dream is to have an elegant wedding when they marry the man of their dreams. If not all the girls, then maybe, most. But that dream was crushed right before my eyes when I saw my father hit my mom for the first time with his bare hands. Akala ko ay hindi na iyon masusundan pa subalit naulit lang nang naulit na pati kaming dalawa niyang anak ay napagbuhatan na ng kamay--hindi lang rin isang beses--dahil sa nalugi ang negosyo niya na parang kasalanan naming mag-iina. It just took us overnight to fall from grace. It also took me just one hit to change my mind about marrying someone. Pangarap ko pa noon ay makahanap ng lalaking katulad ng tatay ko. Subalit ngayon, takot na ang nararamdaman ko sa tuwing ipinagkakasundo niya ako sa mga lalaking hindi ko naman gano'n kakilala. Wala lang akong magawa dahil iyong takot ang namamayani sa akin, ngunit hindi para sa sarili ko kundi para sa ina at kapatid ko. Pakiramdam ko rin ay kaugali niya ang mga lalaking napipili niya para sa akin. "Bakit ba ang tanga-tanga mo?!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malakas na sigaw na iyon mula sa ama ko. Otomatikong nagtahip ang dibdib ko dahil sa kaba. Napahinto pa ako sa pagsusuklay ng buhok at mabilis na lumapit sa may pintuan ng kuwarto. Wala akong ideya sa kung sino ang sinisigawan niya kina Mama at Althea. Pero ang alam ko ay nasa kusina sila sa mga sandaling ito para ihanda ang mga pagkain para sa kakainin namin--at ng pamilyang Salcedo pagdating nila. Gusto ko mang tumulong sa kanila ngunit hindi ako pinayagan ni Papa. Mas ginusto niyang maglagi na lamang ako dito sa kuwarto para ayusin ang sarili ko na naaayon sa gusto niya. Para magmukha akong presentable sa mga mata ng pamilyang Salcedo. Wala rin kaming kasambahay na puwedeng tumulong kay Mama at kay Althea. Noong mga panahong maayos pa ang pamumuhay namin, may mga kasama kami dito. Pero nang wala nang maipasahod ang tatay ko, umalis silang lahat. Idinikit ko ang isang tenga ko sa pintuan para marinig kung sino ang sasagot ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala akong narinig na tinig. At mas mabuti na iyong walang sumagot dahil paniguradong masasaktan si Mama o ang kapatid ko. Wala na rin akong salitang narinig mula sa ama ko. Muli akong bumalik sa harapan ng salamin at sinuri ang hitsura ko. Nakalugay lang ang mahaba at itim kong buhok. Malapit na ito sa may bewang ko dahil ayaw pagupitan ng tatay ko. Mas magiging attracted daw ang mga kalalakihan sa isang babaeng may mahaba at maganda ang buhok. Little did he know that I don't want to be attractive. Lagi akong natutukso na gupitan ang buhok ko pero madalas kong hindi itinutuloy. Although, I did that once. Pagkatapos naming pumunta sa bahay ng lalaking gusto niyang mapangasawa ko. Inimbitahan nila kami doon para mapag-usapan ang tungkol sa engagement dahil gusto rin daw ako ng pamilya ni Landon Paguio. Minsan ko lang siyang nakita sa isang party na dinaluhan ng tatay ko na kasama ako. Mahilig um-attend si Papa sa mga party ng mga mayayaman dito sa lugar namin. Doon siya naghahanap ng mga mayayamang lalaki na puwede kong maging asawa. Sa mga gano'ng event niya ako ipinagkakanulo sa iba. Akala ko ay disenteng pamilya ang mga Paguio, at si Landon mismo. Handa na sana akong pumayag kahit na labag sa kalooban ko para lang matigil na ang tatay ko. Subalit noong gabing nandoon kami sa bahay nila, gumawa na kaagad ng hindi kanais-nais na bagay si Landon. Kinalakadkad na niya ako kaagad sa kuwarto niya sa pamamagitan ng buhok ko. Gusto na niya agad akong hawakan kahit na wala pang napagkakasunduan ang mga magulang namin. Mabuti na lamang at narinig ng isa nilang kasambahay ang mga sigaw ko no'n. Mabuti na lang rin at hindi na pumayag ang tatay ko sa kasunduan kahit na malaking pera ang nakasalalay. I was just eighteen when someone tried to touch me without permission. Kasalanan ni Papa iyon subalit ang buhok ko ang napagbuntunan ko dahil hinawakan iyon ni Landon. Ginupitan ko ang buhok ko hanggang nakalitaw na ang batok ko. Nagalit si Papa no'n at ang napagbuntunan niya ay si Althea. My father shaved his younger daughter's head to punish me. My sister was just fifteen back then. Sobrang inalagaan niya ang buhok niya ngunit bigla lang siyang kinalbo ng tatay niya dahil sa kamangmangan ng ate niya. Now I know better than to touch my hair. Pero sa oras na magtagumpay kami sa pagtakas namin mamaya, ang unang-una kong gagawin ay putulin ang buhok ko; senyales na nakawala na kami sa mapang-abusong kamay ng tatay ko. Sa ngayon ay mas mabuting sundin ko na muna ang lahat ng ipag-uutos niya. Kung gusto niya akong magmukhang ka-aya-aya sa paningin ng pamilyang Salcedo, iyon ang gagawin ko. Bahagya kong hinila ang skirt ng dress na suot ko pataas. Lampas na ito sa mga tuhod ko subalit ang gusto ng tatay ko ay mas umiksi pa. Halos kita na rin ang biyak sa gitna ng dibdib ko dahil hapit na hapit itong suot ko sa katawan ko. At ang rason niya kung bakit ganito ang ipinasuot niya sa akin? Para raw hindi makatanggi si Ivan Salcedo sa kung magkano ang babayaran niya para sa akin. Literal akong binubugaw ng sarili kong ama. At mukha naman akong kabugaw-bugaw sa ayos ko. I look like a seductive w***e even though I didn't want to. Tumigil ako sa pagsuri ng sarili ko sa salamin at lumingon sa may gawing pintuan nang makarinig ako ng mga katok. Hindi ko na nakuhang buksan pa iyon dahil kusa nang binuksan ng ama ko. Hindi niya alam ang salitang privacy. Wala iyon sa bokabularyo niya. "That's what I'm talking about, Austeja." Naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. Ang unang instinct na pumasok sa isipan ko ay lumayo mula sa kanya ngunit hindi ko ginawa. Pinanatili kong nakatayo ang sarili ko hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin. Agad akong napakislot nang hawakan nito ang braso ko at iniharap akoi mismo sa kanya. Hindi ako naging komportable dahil pakiramdam ko ay anumang oras, babalian niya ako ng buto. "I'm sure Ivan won't reject my beautiful daughter," nakangiti nitong sabi. Inangat nito ang isang kamay malapit sa mukha ko. Agad kong iniwas ang ulo ko sa takot na baka sampalin niya ako. Napalunok ako nang bahagyang maningkit ang mga mata nito. Nasa ere pa rin ang kamay niya. Pilit akong ngumiti at ikinalma ang sarili. Hindi naman siguro niya ako sasaktan lalo na ngayong may mga darating kaming bisita. Hindi niya hahayaan na may makita ang iba ng sign na minamaltrato niya kami. Mahina akong suminghap nang palisin niya ang ilang hibla ng buhok sa may mukha ko. Pinanatili kong steady ang ulo ko kahit na para akong napapaso at hindi makahinga dahil sa kanya. "I won't ever regret being your father. I will always be thankful for that." Matamis itong ngumiti. You should be! At bakit mo nga naman pagsisisihan kung may pakinabang ako sa'yo? Kung nagagawa mo akong ipagkanulo kahit na anak mo ako? Para akong isang candy na kahit kanino ay inaalok mo. And if you don't regret being my father, I regret being your daughter. Kung mayroon lang sana akong mapagpipilian, hindi ikaw ang pipiliin kong maging ama. But of course, I wouldn't dare say that. Kung gusto kong maging maayos ang lahat, kailangan kong sumakay sa mga gusto niya. "Thanks, Pa." I hope I satisfied your twisted, disgusting whims. "Anything for you," labas sa ilong nitong sinabi bago tumingin sa wrist watch niya. "The Salcedos will be here anytime soon. Take your time fixing yourself. Ipapatawag na lamang kita kay Althea pagdating nila. Don't let me down, Austeja Laurice." Humalo ang pagbabanta sa mga huling salitang binitawan niya. Inayos pa nito ang necktie ng suot niya. Tumango na lang ako. Pinanood ko siyang maglakad palabas ng pintuan. Lumanghap ako ng hangin nang mawala na siya sa paningin ko. Alam kong masama itong hihilingin ko subalit sana ay habang buhay na nga siyang mawala sa landas naming mag-iina. Umupo ako sa gilid ng kama habang hinihintay na puntahan ako ni Althea rito. Gusto kong hilingin na sana ay hindi sumipot ang mga Salcedo subalit kami ang malilintikan kapag gano'n ang nangyari. Kung hindi man ako kasama sa mga pagbubuntunan niya ng galit, siguradong kay Mama at kay Althea siya maglalabas ng bagsik niya na parang sila ang may kasalanan. Agad na umangat ang paningin ko sa pintuan nang marahas iyong bumukas. Nag-umpisa nang sumibol ang kaba ngunit kaagad rin iyong namatay nang makita ang mukha ng kapatid ko. Maaliwalas ang hitsura niya, at parang pinipigilan na lang na sumigaw at tumalon. "Aus!" Kontrolado niyang tili at agad na isinarado ang pintuan sa likuran niya. Pilit akong ngumiti. Mukhang natutuwa ang kapatid ko, ah? At isa lang ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon: para sabihin na nandito na ang mga Salcedo. "Nandiyan na sila?" Matabang kong tanong sa mukhang masaya ko pang kapatid. "How did you know?" Gulat naman nitong tugon habang umuupo sa tabi ko. "Ang sabi ni Papa, ipapatawag niya ako sa'yo kapag nandito na ang mga Salcedo," pahayag ko sabay kibit ng mga balikat. Tumayo ako at nagtungo sa may bintana ng kuwarto. Hinawi ko ang kurtina at nakita kong madilim na sa labas. Paniguradong nandito na ang mga 'yon--kung matutuloy sila. "Well, guess what, sis?" Hindi namatay ang tuwa sa tinig ng kapatid ko. Agad ko siyang nilingon. Baka nga tama ako at hindi na sumipot ang pamilyang hinihintay ng tatay ko? "Hindi na sila pupunta?" "We have other visitors, Aus," mayabang nitong sabi. Ngumisi pa ito habang marahang tumatayo. "We have unexpected visitors." Parang sa tinig niya ay nagpapasalamat pa ito. Kunot-noo kong tinitigan ang mukha ng kapatid ko habang papalapit sa akin. Parang kakaiba ang pagiging kalmado niya sa mga sandaling ito, at hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan. Sa nakikita ko sa hitsura niya ay parang mayroong magandang mangyayari dahil lang sa mayroon kaming hindi inaasahang mga bisita. "Who?" I asked, curious--and somewhat nervous. Matamis lang itong ngumiti. Nang makalapit na sa akin ay kaagad niyang ikinilawit ang braso niya sa may braso ko. Hinila niya ako palabas ng kuwarto. Ilang beses ko siyang tinanong sa kung sino ang mga bisitang tinutukoy niya ngunit hindi niya ako sinagot. Nanatili lang itong nakangiti habang naglalakad kami. Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ko ang dalawang bagong tinig na hindi pamilyar sa pandinig ko. Naririnig ko rin ang natutuwang boses ni Mama sa may sala. Nang makarating kami sa bukana ng sala ay napahinto ako sa paglakad nang makita ang isang babaeng nakapaka-elegante ng dating. Nakaupo ito sa pahabang sofa habang mayroong malaking ngiti ang naka-plaster sa mapupula niyang mga labi. Nasa tabi naman niya si Mama na makikitaan mo rin ng tuwa at kapayapaan ang buong mukha. Magkahawak pa ang mga kamay ng mga ito. Nasa may single-seater sofa naman ang tatay ko na masama ang tingin sa nanay ko at sa kung sino man itong kahawak-kamay niya. Mahahalata mo na agad--sa mga tingin pa lang niya--na ayaw niya ang ganitong senaryo. Dumapo ang mga mata ko sa lalaking nakaupo naman sa single-seater sofa rin na nasa harapan naman ni Papa. Tanging ang likuran lang ng ulo nito ang nakikita ko. Itim ang buhok niya at halata na medyo malabong iyon dahil halos natatakpan na ang tuktok ng mga tenga niya. Nakatungkod pa ang dalawang siko sa magkabilang armrest kaya napansin kong puno ng itim na tinta ang isang buong braso niya na pataas pa hanggang sa loob ng manggas ng suot niyang itim na t-shirt. Malinis tingnan ang full sleeve tattoo niya at parang lalo pang pumuti ang balat nito. There's also a silver chain around his neck. "Austeja, anak..." tawag sa akin ni Mama nang magawi sa direksiyon namin ang paningin niya. Pati ang katabi niya ay tumingin rin sa akin. "Halika dito." May pag-aatubili akong ngumiti lalo na noong makita ko ang matatalim na tingin sa akin ng tatay ko. Pasimple pa itong umiling sa akin kaya hindi ko alam kung susundin ko ang sinabi ni Mama. Kapag lumapit ako sa ina ko, siguradong may hindi magandang mangyayari mamaya. At sigurado rin na walang magagawa itong mga bisita namin para kontrolin iyon. Iiwan lang rin naman nila kami. Mag-iiwas sana ako ng tingin sa kanila ngunit hindi natuloy dahil kusang dumako ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod ang ulo kanina. Prente lang na nakabaling ang ulo nito sa direksiyon namin, at sa akin mismo nakatuon ang mga mata niya kahit na halos matakpan na ang mga 'yon sa buhok niya. Hindi ko mawari ang ekspresiyon sa mukha niya. Hindi seryoso, hindi mukhang galit o naiinip. Parang wala lang. Iyong normal na ekspresiyon lang na ibinibigay mo sa taong hindi mo kilala--at siguradong ayaw mong makilala. Iyong klase ng tingin na alam mong hindi ka nito pag-aaksayahan ng oras pero bibigyan ka ng pagkakataon para kusa mong ipakilala ang sarili mo sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan nang bumaba ang paningin niya sa may leeg ko hanggang sa pasadahan na niya nang tuluyan ang kasuotan ko. Napalunok ako sa ginawa niya at hindi naging komportable. Pakiramdam ko ay may biglang nag-iba sa way ng pagtingin sa akin ng lalaki. Hindi lang isang simpleng pagsuri ang ginagawa niya. Hindi rin iyong tipo na hinuhubaran ako. Parang gusto niya na ako mismo ang maghubad sa harapan niya. Ako mismo ang magtanggal ng mga saplot ko sa katawan para sa kanya. At hindi ko alam kung bakit gano'n ang klase ng paglalarawan ko. Hindi ko maintindihan. Sino ba kasi ang lalaking ito? Sino ba itong mga bisita namin ngayon? "So, this is Austeja Laurice," aniya nang ibalik nito ang mga mata sa mukha ko. Idinikit niya ang gilid ng forefinger sa mga labi nito. Parang tumagos sa buong kalamnan ko ang boses niya. It was deep and smooth but...dark. "Yes, Zigger. She's your cousin, too," wika ng babaeng katabi ni Mama. She smiled warmly at me. Literal akong napanganga sa gulat at napatingin sa dalawang babaeng nakaupo sa pahabang sofa. Lihim ko ring pinagsisisihan ang pagbibigay ko ng deskripsiyon sa paraan ng pagsuri niya sa akin. That's disgusting! "Cousin..." ulit ng Zigger na tinawag na parang pinaglalaruan ang salitang iyon sa dila. "Well, hi there, little cousin." Umarko ang isang sulok ng bibig nito saka na ibinaling ang paningin sa dalawang babaeng nakaupo. Little? Kaya siguro niya nasabi iyon ay dahil obvious namang mas matanda siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD