Chapter 8

2517 Words
Austeja My sister was giggling nonstop in the backseat of the car while we were on our way to the Archeron's mansion. May pinag-uusapan sila ni Hannah tungkol sa eskwelahang papasukan niya. Doon daw kasi nag-aral ng senior high itong pinsan namin. At kahit nakakalahati na ang school year, tinanggap pa rin ang kapatid ko dahil na rin kilala ni tita Elizabeth at ng kanyang asawa ang may-ari ng paaralan. Dumaan rin kami sa isa sa mga sikat na unibersidad dito kung saan nila ako inaalok na mag-aral. Pumayag na rin ako kahit na wala pa akong mahanap na trabaho sa ngayon. Hindi pa kasi ako masyadong pamilyar sa lugar nila. Pero ang sabi naman ni tito, kung gusto ko talagang magtrabaho habang nag-aaral ay kakausapin niya ang panganay niyang anak. Okay lang naman sa akin kahit anong posisyon ang ibigay lalo na't wala pa naman akong degree. Wala ring problema sa akin kahit doon ako sa bar o kaya sa club nila. Puwede akong waitress, o sa kahit na ano. "Aus, we can now create a social media account," tuwang-tuwang pahayag ng kapatid ko. Nilingon ko siya at hindi napigilan ang malapad kong ngiti. Nasa kamay nito ang bagong bili niyang phone. "Oo nga," sagot ko kahit na hindi naman ako mahilig sa gano'n. Ayoko lang ma-disappoint ang kapatid ko dahil noong nasa puder kami ng tatay ko, wala kaming cell phone o kahit na anong klase ng gadget. Ni telephone nga sa bahay o TV ay wala kami kaya hindi kami updated sa mga nangyayari sa mundo. Tanging si Thea lamang ang na-expose sa outside world dahil nga nag-aaral siya. Pagkatapos kasi naming magtungo sa mga eskwelahang papasukan namin ay nagpunta na rin kami sa isang mall. Nag-insist ang mag-ina na kailangan namin ng mga bagong damit at mga gamit. Wala sa kanila iyong mga nagastos nila. Pareho nila kaming binilhan ni Thea ng phone. Pati pala si Mama ay binilhan na rin nila kahit na ayaw niya at hindi niya alam kung papaano gagamitin. Natatakot na raw kasi si tita na baka mawalan siya ulit ng contact sa nanay ko kahit na malabo nang mangyari iyon dahil magkasama na sila sa bahay. Nagpa-salon pa nga silang dalawang magkapatid kaya ang ganda-ganda ng nanay ko ngayon at nagmukhang bata ang hitsura. Napagupitan ko na rin ang buhok ko para isakatuparan iyong sinabi ko noon kapag nakaalis na kami sa puder ng tatay ko. At hanggang below shoulder blade na lang ang haba niya ngayon. I guess you can never go broke if you belong to this family. Ang sisimple lang ng mga suot nila na akala mo ay mga mura lang subalit kapag nakita mo ang brand, doon mo malalaman na hindi. Wala rin silang suot na mga palamuti bukod sa mga hikaw at sa suot na wedding ring ni tita. Hindi sila tulad ng mga Salcedo na kulang na lamang ay isigaw ang salitang 'mayaman kami' para lang malaman mo. Hindi rin sila tulad ng ama ko. Subalit hindi ko maiwasang maisip na baka dumating iyong araw na mayroong maging kapalit ang mga ito. Alam ko namang ginagawa ni tita ito dahil kapatid niya si Mama at mga pamangkin niya kami. Bukod pa doon, matagal silang hindi nagkita ng nanay ko at nalaman pa niya ang lagay namin habang kasama si Papa. Pero papaano kung isang araw, isa sa amin ay makagawa ng pagkakamali na maaaring sumira sa relasyon ng pamilya namin? Paano kung makagawa ako, si Thea, o si Mama ng kasalanan sa pamilya nila? Ayoko namang dumating kami sa puntong iyon dahil lalabas kaming mga walang utang na loob. Kaya kahit na ano ang mangyari, hindi ako gagawa ng puwede naming ikasira sa kanila. Alam kong gano'n rin ang gagawin ni Mama at ni Thea. Paghinto pa lamang ng sasakyan sa may driveway ng bahay ay sinalubong na kaagad kami ng mga kasambahay nila tita. Pareho kaming nag-alok ng tulong ni Thea sa kanila nang makababa kami dahil pati iyong dapat na kami ang magbuhat ay binitbit na nila, pero tinanggihan lang nila kami. Nakakapanibago ang ganitong trato. Mas sanay kami na kami ang inuutusan dahil doon sa bahay namin, alila kami ni Papa. "Hmm...looks like your firstborn is here to kiss you on the cheeks, Mom," rinig kong pahayag ni Hannah sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at napansing nakabaling ang ulo nito sa may kaliwang banda ng driveway. Sinundan ko nang tingin ang tinitingnan niya at nakita ang isang itim na McLaren na nakaparada. Maraming iba't ibang klase ng sasakyan ang pagma-may-ari nila tita na nakaparada sa may garage subalit ngayon ko pa lamang nakita ang isang ito dito. Pero base sa sinabi ni Hannah, mukhang nandito ang kapatid niya, at sa kanya ito. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Humalo rin ang excitement sa sistema ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil makikita ko ulit ang lalaking matapang na kinuha kami sa kamay ng tatay ko? Ang masasabi kong nagligtas sa aming mag-iina? Ni hindi man lang rin namin nagawang magpasalamat sa kanya sa tulong na ginawa niya. "Mabuti naman." Tita Elizabeth sighs in relief. "I've been begging him to at least pays us a visit for two weeks now. Lalo na't nandito ang auntie niyo at mga pinsan." Agad akong napatingin sa tiyahin ko dahil sa sinabi niya. Two weeks? It has been two weeks? Gano'n na kami katagal dito? Hindi ko napansin ang paglipas ng mga araw, ah? Bakit ang bilis yata? Hindi na kami nagtagal pa sa labas. Pagkatapos idikta ni tita na ilagay muna ng mga kasambahay nila ang mga hawak na paper bag sa isa nilang guest room ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Agad na hinanap ng mga mata ko ang pinsan kong dalawang linggo ko na palang hindi nakikita, subalit ni anino niya sa sala ay hindi matagpuan ng mga mata ko. Umupo si Hannah sa mamahalin nilang couch at tinawag si Thea para turuan sa kung papaano gamitin ang latest phone na binili nila para sa kanya. Ako man ay pinaupo niya sa tabi para na rin maturuan. Nanatili rin ang magkapatid kasama namin habang may pinag-uusapan. Mukhang balak rin ni Tita na ipasyal pa kami sa iba't ibang lugar dito na maaaring pasyalan. Narinig ko rin na gusto yata kaming dalhin ni Tita sa mga iba pa naming kamag-anak na dito naka-reside. Biglang naging alerto ang mga tenga ko nang makarinig ako ng dalawang tinig ng lalaking nag-uusap sa may dakong kanang bahagi nitong bahay. Nagmumula ang mga iyon sa may hallway, sa direksiyon kung nasaan ang opisina ni tito. As the voices and footfalls approached the living area, I suddenly felt my pulse quicken. Hindi ko na masundan pa ang mga itinuturo ni Hannah sa akin. "Oh! Hi," someone with a deep voice greeted gently as the footsteps stopped. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin sa kanya ay alam kong siya iyong nagsalita. Sino ba ang makakalimot sa malalim at smooth niyang boses? Hindi siguro ako. "Zigger!" "Kuya Zig!" Halos sabay na wika naman ng nanay at kapatid ko. Halata ang galak sa pareho nilang tinig na makita ang lalaking ito. Hindi ako kumilos sa upuan. Hindi rin ako tumingin sa kanya. Itinuon ko lang ang buong atensiyon ko sa cell phone na hawak ko habang patuloy pa rin si Hannah sa pagsasalita na hindi ko naman maintindihan—o mas mabuting sabihin na hindi ko marinig dahil sa kaba. At bakit ba parang bigla akong tinamaan ng hiya? Nakaramdam ng takot na tumingin sa kanya? Hindi ko rin alam. "Did you just came home? O kanina pa kayo?" Masiglang tanong naman ni tito Zacharias. "Just got home." Nakita ko sa sulok ng mata ko na tumayo si tita Elizabeth at naglakad palapit sa mag-ama niya. Agad siyang sinalubong ng yakap at halik ng anak niya, at pagkatapos ay sa asawa naman niya siya lumapit at yumakap. Na-te-tempt akong tumingin kay Zigger nang makita ko sa periphery ko ang paghakbang niya palapit sa nanay ko. Magilas na tumayo si Mama at yumakap sa pamangkin niya. Gano'n rin ang ginawa ni Thea na siya mismo ang lumapit sa pinsan. Tumindi ang kabog ng dibdib ko nang maglakad pa ito pa palapit sa amin. Nang huminto ito sa mismong tapat ng kapatid niya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na i-angat ang paningin ko sa kanya. He wore white long sleeves that perfectly fit his sculpted body. Itim naman ang suot nitong pang-ibaba, pati na rin ang mga sapatos. Ngayon ko lang rin nasuri nang mabuti ang hitsura niya, and Zigger looks like a Greek god. Matalim tingnan ang jawline niya, at may matangos na ilong. He's got full lips and his hooded eyes were deep, just like his father. Pero kung tumingin ang mga mata ni Zigger ay parang nabo-bored lang and at the same time, nang-aakit. Lalo na't dahil sa buhok niyang halos tumakip na sa mga mata niya. Makinis at maputi rin ang balat ng mukha niya. Halos silang lahat naman ay mapuputi—kahit si tito na may katandaan na. Zigger got the perfect blend of his mom and dad's facial features. Si Hannah kasi ay mas kamukha ang mommy niya. Nakatuon lang ang paningin ni Zigger kay Hannah habang naka-stretch ang right arm niya. "Ano ang nakain mo at naisipan mong magpakita rito?" Biro ng kapatid niya saka inabot ang kamay sa nakalahad na kamay ni Zigger. Ngumisi lang si Zigger saka na hinila patayo ang kapatid na bahagyang ikinatili ng pinsan ko. Pinanood ko kung papaano niya idampi ang mga labi nito sa pisngi ng kapatid niya. At masasabi kong may magandang relasyon ang dalawang ito. Nang humiwalay ito sa kapatid at sa akin dumapo ang mga mata, ginawaran lang niya ako ng isang matipid na ngiti saka na siya naglakad palayo, palapit kay Mama. Hindi naman ako umasang lumapit rin siya sa akin subalit nakaramdam ako ng konting disappointment dahil hindi niya iyon ginawa. Ni hindi man lang niya ako in-approach katulad ng pag-approach niya sa kapatid ko. "How was your stay here so far, Auntie?" Tanong ni Zigger sa nanay ko. "Mabuting-mabuti, hijo," sagot ni Mama, halatang natutuwa. "Heard Thea's going to study at Hillcrest High," he stated. "Yes, Kuya." My sister chuckled softly. Umupo si Hannah sa tabi ko para muling ipagpatuloy ang naudlot na pagtuturo niya. Wala namang pumuna sa hindi pagpansin sa akin ng pinsan ko, pero okay lang. Hindi ko na lang rin iyon pinagtuonan ng pansin. Subalit hindi ko pa rin nagawang alisin ang paningin ko sa kanya habang kausap ang ina at kapatid ko. Hindi na rin muling dumako ang paningin niya sa gawi ko. Nakaramdam ako ng konting insulto dahil parang hindi niya ako nakikita ngayon. Parang hindi niya hinubad iyong damit niya harapan ko para ipasuot sa akin. He doesn't seem to care about...me now. Ni hindi man rin lang niya ako magawang kausapin na parang may masama akong ginawa sa kanya. "Tell me you're going to join us for dinner and stay here for tonight, Zigger," mariing wika ni Tita sa anak. Parang inuutusan rin niya ito na gano'n ang gawin niya. "Dinner is fine with me, but staying here...I don't think so, Mom." Umiiling nitong sinabi sabay kibit ng kanyang balikat. Pumalatak si Tita habang matabang na nakatingin sa anak subalit wala na itong sinabi. Mukhang tinanggap na lamang niya na makakasama lang niyang kumain ng hapunan ang panganay niya, at pagkatapos ay aalis na rin ulit siya. Nagpaalam si Hannah na tutungo muna sa kuwarto niya upang magpalit ng kasuotan. Sumabay na ako sa kanya dahil wala naman na akong gagawin sa sala. Isa pa, hindi naman nila ako kinakausap. Pagdating ko sa kuwarto ay kaagad akong naghanda ng isusuot saka na nagtungo sa banyo para maligo at makapagbihis. Binilisan ko ang pagpapatuyo at pagsusuklay sa buhok ko nang makaramdam ako ng pagka-uhaw. Agad akong nagtungo sa kusina at mas lalo pa akong nauhaw dahil sa mahabang lakaran pababa sa hagdanan. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong mag-kuwarto sa third floor. Nahihiya kasi akong umangal o magreklamo noong i-alok nila ang isang kuwarto sa ikatlong palapag. Wala nang tao sa may sala nang mapadaan ako kaya tumuloy na ako nang lakad sa may kusina, at bigla akong napahinto sa paghakbang papasok nang tuluyan dahil sa isang taong nakaharap sa loob ng bukas na fridge. "Hi," nahihiya kong bati nang lumingon ito sa akin kasabay nang pagsarado niya sa pintuan ng fridge. Nakita kong hawak niya sa isang kamay ang isang bottled water. Pareho ring nakataas ang magkabilang sleeves ng suot niya kaya nakikita ko ang arm tattoo niya sa kanang braso at ang wrist watch sa left wrist nito. Nilunok ko ang kaba na sumibol sa dibdib ko at nagpatuloy sa paglakad papasok. "You cut your hair." Tumaas ang mga kilay ko at tumitig sa kanya. Saglit pa akong napahinto sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na mapapansin niya iyon dahil kanina ay parang invisible ako sa mga mata niya. "Yeah. Sign of...freedom," nakangiti kong sabi. Muli akong naglakad, palapit sa kitchen island, since hindi pa siya umaalis sa harapan ng refrigerator nila. Naramdaman ko ang mga mata niya na sumunod sa akin. "I see." Tumango-tango ito saka ni-twist ang takip ng hawak niya. Bumalong ang katahimikan pero agad ko iyong binasag. "H-hindi ka na ba dito nakatira?" Usisa ko. "Ngayon pa lang kasi kita nakita rito," I added nervously. "No," matipid nitong sagot. Bigla akong nakaramdam ng lamig. Parang may iba na sa pag-approach niya sa akin ngayon. Kakaiba sa approach niya noong nandoon kami sa bahay namin. Kahit na gano'n ang asal niya noong gabing iyon, ramdam ko ang pagmamalasakit niya. I even felt the warm comfort when he held my hand. Pero ngayon, wala na iyon. Parang napipilitan na lang siyang makipag-usap sa akin. Ayaw lang siguro niyang magmukhang bastos sa pinsan niya. "Do you wanna see me more often around here?" Nagulat ako sa tanong niya at napatulala sa mukha niya. "No," mabilis kong sagot kahit na hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin. Bahay nila ito at may karapatan siyang maglagi rito hanggat gusto niya. Nagpakawala ito ng isang mapaklang tawa saka humakbang palapit dito sa kitchen island. Napakislot ako sa kinatatayuan ko subalit hindi ako umalis, o lumayo. Mukhang iba ang naging dating sa kanya no'ng sinabi ko. "Good," aniya nang makarating sa unahang bahagi ng kinaroroonan ko. Ipinatong pa niya ang hawak niyang bottled water sa counter na hanggang ngayon ay mayroon pa ring takip. Sinalubong nito ang mga tingin ko sa kanya. "Coz if I stay here, I might forget we are cousins." Umawang ang mga labi ko at matagal na tumitig sa mukha niya. Parang nilipad ng hangin ang utak ko dahil hindi ko alam kung papaano ko iintindihin o bibigyan ng eksplanasyon iyong sinabi niya. "And don't stare at me with those eyes, Austeja Laurice," he drawls, shaking his head. "Unless you want to commit sins with me." He flashed me his roguish grin and left, leaving me with my mouth, hanging open.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD