Austeja Hindi ako mapakali habang nakaupo rito sa loob ng sasakyan. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin kong kasinungalingan sa nanay ko sa sandaling makarating kami sa bahay. Kung hindi siguro siya tinawagan ni Zigger, maaari pang isipin ni Mama na nagtungo na ako sa eskwela. Tsaka, nakalimutan ba niya na doon sila natulog sa mansiyon nila kagabi? Bakit pa kasi niya tinawagan at ipinaalam na doon ako natulog sa penthouse niya? Hindi naman niya malalaman kung umuwi ako o hindi. “Ikaw ba mismo ang tumawag kay Mama, o siya ang tumawag sa’yo?” Tanong ko nang hindi na ako makatiis. “Ako,” tipid nitong sagot. Nakatuon lang rin ang mga mata sa daan. “Bakit?” Inayos ko ang pagkakasuot ko sa wool coat na malaki sa akin. Kay Zigger ito, at kinailangan kong suotin kahit na natatangahan