(Pamilyar na mukha)

1121 Words
(Pamilyar na mukha) Mabilis na kumaripas ng takbo si Luna at sa paglabas nito ng simbahan ay hindi inaasahang nabangga niya ang isang lalaki. “L*tse! Haharang-harang kase, eh. Kitang daanan ‘to at kung kailan may humahabol sa akin, Hmmmp!” Inis na saad ni Luna at mabilis siyang kumilos habang nakakunot ang kanyang noo. “I’m sorry, Miss. Okay ka lang ba?” Agad naman na tanong ng lalaking nabangga niya at tiningnan siya nito. “You look familiar,” anas pa ni Four na parang may kamukha ang babaeng nabangga niya. Samantalang matatalim na tingin ang ipinukol ni Luna sa lalaking nakabangga nito at nang masulyapan niya ang mukha ng lalaki ay hindi niya alam ang kanyang mararamdaman dahil alam nito na pamilyar ang mukha nito. At para bang nakita na niya ang mukha ng lalake sa kung saan. Ngunit hindi siya puweding tumunganga at manatili roon lalo pa’t alam niyang may humahabol sa kanya. At sabay ang lingon niya sa mga lalaking humahabol sa kanya. ‘s**t! Takbo Luna parating na sila,” saad na lamang nito sa kanyang sarili at muli ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Hanggang sa makarating siya sa kanyang single na motor at mabilis na pina-andar saka matuling pinatakbo ‘yon. “Bilisan niyo! At siguraduhin niyong mahuhuli niyo ang babae na ‘yan! Dahil magbabayad siya ng malaki sa ginawa niya!” Sigaw muli ng binatang kita sa itsura nitong puot na nararamdaman. Agad namang napalingon si Four sa nakababatang kapatid nito. “What’s happening here?” Takang tanong pa nito kay Seven. “Kuya, ‘yong babae na ‘yon. Sinira ang kasal ko. Hindi ako makakapayag!” Agad naman sa sagot nito. “Baka naman isa ‘yon sa mga babaeng naikama mo at nabuntis mo. Then, ayaw mong panindigan kaya ‘yon. Sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba? Matakot ka sa karma,” makahulugang wika pa ni Four. “Ano ba, kuya? Nagsasabi ako ng totoo! Ni hindi ko nga kilala ang babae na ‘yon! Bigla na lang siyang gumawa ng eksina at isa pa ngayon ko lang siya nakita,” wika rin ni Seven na naka kunot ang noo. “H’wag ka ng magmalinis pa, Seven. Kilalang-kilala ko ang gawain mo. At sa dinami-rami ng mga nabiktima mong babae. Malamang isa na ‘yon sa mga babae na ‘yon or kapatid ng mga niluko mo.” Panggigiit ni Four. “Maniwala ka man o hindi kuya. Nagbago na talaga ako. At ‘yong babae na ‘yon humanda siya sa akin dahil kapag nahanap ko siya. Magbabayad siya ng malaki at matitikman niya ang ganti ang ganti ko!” Asar na asar na saad nito. “Boss, hindi na namin nakita at naabutan ‘yong babae. Ang bilis niyang kumilos at sumakay siya ng single na motor. Nagpaikot-ikot pa kami. Kaso hindi na namin naabutan. Mukhang kabisado niya ang lugar na ‘to,” wika naman ng mga tauhan ni Seven na hinihingal. “Paano ba ‘yan, Seven? Nasira na nga ang kasal mo at mukhang naisahan ka pa nang babae ‘yun. Ayusin mo ‘tong gulong ginawa mo. At mag-uusap tayo pag-uwi mo ng bahay. Mauna na ako at may kailangan pa akong asikasuhin,” muling saad naman ni Four at sumakay na ‘to sa kanyang sasakyan. “Lintik lang ang walang ganti! Hindi magtatagal mahahanap din kitang crazy woman at pagbabayaran mo ‘to ng mahal.” Wika ni Seven sa kanyang sarili at naikuyom pa nito ang kanyang kamao. Hindi nagtagal ay nakarating na si Luna sa patutunguha nito. Hingal na hingal ang dalagang pumasok sa loob ng hospital at agad na nagtungo sa silid kung nasaan na kaibigan nito. “Uy, beshy. Okay ka lang ba? Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang nakipag away.” Nagtatakang tanong ni Alma sa kanyang kaibigan. “Oh my god! Nakakapagod sobra, halos kapusin ako ng hininga sa kakatakbo. Dahil sa nagawa kong kasalanan. Iyong kasal ng lalaking nakabuntis sa ‘yo. Maling simbahan ‘yong napasukan ko. At maling tao rin ang nasira ko.” Agad na saad ni Luna na nababakas sa mukha ang takot at pag-aalala. “ANU?” hindi naman makapaniwalang saad ni Alma. “Naku po, beshy. Malaking problema ‘yon.” Dugtong pa nito. “Kaso lang—” “Kaso lang, ano?” dugtong ni Alma. Agad na kinuha ni Luna ang kanyang bag at kinuha ang itinabing litrato ng ama ni Peter. “Beshy, hindi ako puweding magkamali kitang-kita ng dalawang mata ko. At nasa harapan ko mismo. Nakita ko ‘tong lalake na ‘to,” saad ni Luna habang hawak-hawak ang litrato ng ama ni Peter. “Nakita mo ang ama ni Peter? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Alma na hindi makapaniwala. “Oo, beshy. Kaso lang hindi ko siya nakausap kasi ang bilis ng pangyayari at hinahabol ako nang lalaking akala ko ay ang lalaking nakabuntis sa ‘yo.” Paliwanag pa nito. “So, ano’ng gagawin mo? Ano’ng plano mo?” tanong muli ni Alma sa kaibigan nito. “Hindi ko pa alam. Saka hindi ko rin alam kung dapat bang sabihin ko ‘to kay Peter o ipakilala sa kanyang ama.” Sagot naman ni Luna. “Pero, Luna. Tandaan mo nangako ka sa ate mo,” paalala naman ni Alma sa kanyang kaibigan. “Kailangan ko muna siyang kilalanin. At saka ko na sasabihin kay Peter kapag nakapag imbestiga na akong mabuting tao ang ama ni Peter. Mahirap na baka mamaya alilain lang siya or hindi tanggapin. At hinding-hindi ko hahayaang magdusa ang pamangkin ko. Saka isa pa. Uunahin ko muna ‘yong lalaking nakabuntis sa ‘yo.” Wika nito na pilit ngumiti. “Luna, may sasabihin ako sa ‘yo.” “Ano ‘yon?” tanong naman agad ni Luna na nagtataka dahil nakita nitong naging seryoso ang mukha ng kanyang kaibigan. “Huwag mo ng hanapin pa ang lalaking nakabuntis sa akin. O ang puntahan pa. Kasi wala rin naman tayong mapapala. Saka huli na dahil naikasal na siya,” saad ni Alma na hawak-hawak ang cellphone at tumutulo ang luha nito dahil nakita niya ang ama ng kanyang anak na naka post na social media at may caption pa na finally this is it na kitang-kita sa mukha na napaka saya nito. “Ang g*go na ‘yan! Huwag ko lang talagang makikita o makakasalubong sa daan dahil talagang iitakin ko siya! Sorry, beshy. Maling simbahan ang napasukan ko. Hindi ko tuloy napigilan ang kasal nila,” wika naman ni Luna at agad na niyakap ang kaibigan nito ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD