Hindi tuloy napigilan ni Alma na tumulo ang mga luha nito. Habang si Luna naman ay naaawa at nalulungkot para sa kanyang kaibigan.
Hanggang sa makarinig sila ng katok mula sa pintuan. At pumasok ang isang nurse na buhat-buhat ang isang sanggol na malusog.
"Ito na po ang baby niyo." Saad ng nurse na kakapasok lang at pinabuhat sa ina ang kasisilang na sanggol. Saka mabilis na kinarga 'yon.
Lalo namang naiyak si Alma nang makita ang anak nito.
Pagkatapos maibigay ng nurse ang sanggol sa ina nito ay agad din 'tong lumabas.
"I'm sorry, anak. Kung lalaki kang walang kinikilalang ama patawarin mo ako," saad ni Alma sa walang kamuwang-muwang na kasisilang na anak nito habang nakakaramdam ng samo't saring emosyon.
"Beshy, tama na. Masama 'yan para sa 'yo. Lalo na't kapapapanganak mo lang baka mabinat ka," paalala naman ni Luna sa kanyang kaibigan.
"Kung sana ay hindi ako nagpauto sa lalaki na 'yon. Hindi sana 'to mararanasan ng anak ko. Sana ay naniwala ako sa 'yo." Pagsisising saad ni Alma.
"Sabi ko naman sa 'yo eh. Itsura pa lang ng lalaki na 'yon. Hindi na mapagkakatiwalaan at hindi gagawa ng mabuti. Kaya nga ako. I hate boys at wala akong tiwala sa kanila. Pero humanda talaga sa akin ang lalaki na 'yon kapag nakita ko siya. Dahil talagang bubogbugin ko siya," saad naman ni Luna.
"Pagpasinsyahan mo na ako beshy, ha? Kung paglabas ko rito sa hospital titira muna ako sa bahay niyo. Ang dami ko ng utang na loob sa 'yo." Wika naman ni Alma.
"Hay, naku! Huwag mong intindihin 'yon. Ang importante magpalakas ka at tulungan mo ang sarili mo. Saka huwag ka ng umiyak pa, tumahan ka na. Kasi wala rin namang mapapala 'yang pag-iyak mo. Tingnan mo, wala ka ng pera. Ang pangit mo pa!" Saad ni Luna na pinapatawa ang kaibigan nito.
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan," saad naman ni Alma na natatawa sa sinabi ng kaibigan nito.
"Uy, tumawa na siya." Saad naman ni Luna.
"Seryoso ako, salamat ha?" wika muli ni Alma.
"Wala 'yon. Alam ko naman ang sitwasyon mo na hindi puweding malaman ng magulang mo. Isa pa mag bestfriend tayo, 'di ba? Naalala mo malaki rin ang naitulong mo sa akin noon. Kaya bawi-bawi rin pag may time." Wika ni Luna na nakangiti sa kanyang kaibigan.
"Salamat talaga, Luna. Salamat at nakilala kita."
"Ay sus! Ang drama mo, beshy," wika naman ni Luna at muli ay niyakap niya 'to.
Hanggang sa umiyak ang sanggol. Kaya sabay silang napatingin.
"Hala! Mukhang gutom na yata si baby." Agad na saad ni Luna.
"Beshy, ano'ng gagawin ko?" tanong naman ni Alma.
"Ano pa nga ba? Eh, di. Pa sus*hin mo," agad naman na sagot ng kanyang kaibigan.
Agad namang sinalpak ni Alma ang s**o nito sa bibig ng sanggol ngunit patuloy 'to sa pag-iyak.
"Hala, beshy. Bakit ayaw tumahan ng anak ko?" tanong naman ni Alma na natataranta.
"Hindi ko rin alam, eh." Sagot naman ni Luna na nagtataka at parang natataranta na rin dahil nag-aalala 'to sa sanggol na iyak-iyak nang iyak at ayaw tumahan.
"Akin na nga at buhatin ko isayaw-sayaw ko baka gusto niyang magsayaw kami." Saad naman ni Luna at mabilis na kinarga ang bata.
Ngunit kahit na binubuhat niya 'to at isinasayaw ay patuloy pa rin 'to sa pag-iyak.
"Baby, tumahan ka na at nag-aalala na kami ng Mama mo," pakiusap ni Luna na nag-aalala at natataranta na.
Hanggang sa mayamaya ay muling may kumatok sa kanilang pintuan at bumukas 'yon.
"Oh! Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong ni Aling Kora nakakapasok lamang. Kasama si Peter.
"Aling Kora kanina pa po iyak nang iyak ang bata, eh. Nag-aalala na kami," agad naman na saad ni Alma na parang nagsusubong.
"Akin na ako ang magbuhat. Saka huwag kayong mag-aalala na mag panic kasi titigil din 'yan sa pag-iyak kapag napagod na siya," saad naman ni Aling Kora at binuhat 'to niya ang sanggol.
Agad namang pumasok si Peter at nagmano 'to.
"Mano po, Ninang Alma. Mano rin po sa pinaka paborito kong tita," malambing naman na saad ni Peter.
"Ay sus! Ang pamangkin kong napaka guwapo at bolero. Ikaw, ha? May gusto ka namang ipabili, 'no?" saad naman ni Luna at pinisil-pisil ang pisngi ng kanyang pamangkin sabay halik sa pisngi nito.
"Wala po, tita. Namiss ko lang po kayo," saad naman ng bata at niyakap nito si Luna.
"I miss you, too." Saad din ni Luna.
"Tita, buhatin niyo po ako. Gusto ko pong makita 'yong baby." Request ng bata.
"Okay," saad naman ni Luna at mabilis 'tong binuhat. At inilapit sa kasisilang na sanggol.
"Wow! Ang cute-cute naman po ng baby, Tita. Kulay pink po 'yong pisngi niya. Ang sarap pong pisilin. Puwede ko po siyang buhatin," saad ni Peter.
Maya maya pa ay tumahan na ang sanggol sa kakaiyak.
"Anak, hindi po puwede. Kasi po baka mahulog mo po si ading. Saka hindi ka po marunong magbuhat." Agad naman na saad ni Luna.
"Tita, kapag malaki na ako. Bubuhatin ko siya at maglalaro po kami, ah?" Saad pa ng inosente bata.
"Opo, basta hindi muna ngayon," saad naman ni Luna.
"Okay po," saad muli ni Peter.
Dahan-dahan na inilapag sa kama ang sanggol na nakatulog na rin.
"Mukhang napagod siya sa pag-iyak kaya nakatulog na rin." Saad naman ni Aling Kora.
"Siya nga po pala, Aling Kora. Salamat po sa pagsundo kay Peter sa school." Wika ni Luna.
"Ano ka ba? Wala 'yon. Saka hindi na kayo sa iba sa akin. Anak na ang turing ko sa 'yo. Gano'n din sa ate mo. At apo ko na rin si Peter. Kumusta nga pala 'yong nilakad mo kanina? Okay na ba 'yong motor mo? Napagawa mo na ba?" tanong ni Aling Kora na walang kaalam-alam.
"Ahm, opo!" Mabilis naman na sagot ni Luna at nagkatinginan pa sila ni Alma.
"Oh, 'to. May dala akong pagkain. Mabuti pa ay dito na tayo kumain ng pananghalian." Aya ni Aling kora.
"Sige po," pagsang-ayon naman ni Luna.
"Humigop ka ng sabaw, Alma. Para may masus* 'yang bata sa d*de mo. Kumain ka ng marami para mabawi mo agad ang lakas mo." Saad naman ni Aling Kora.
"Opo," walang pag-alinlangan na saad ni Alma.
"Ano nga pa lang pangalan nitong baby mo?" tanong ni Aling Kora.
"Angel po." Mabilis na sagot ni Alma.
"Kagandang pangalan bagay na bagay sa kanya," saad ni Aling Kora.
"Oo nga, ang ganda ng pangalan niya. At bagay nga sa kanya," sang-ayon din ni Luna.
"Kailan ang labas mo rito sa hospital?" tanong pa ni Aling Kora.
"Baka po bukas makalabas na siya. Kapag nag round na po si doktora. Saka aasikasuhin ko po ang mga papeles niya agad," sagot naman ni Luna.
"Hindi ba pupunta rito ang ama ng bata o ang pamilya mo?" nagtatakang tanong ni Aling Kora.
"Ahm, Aling Kora. Kasi, ano po? Ahm," hindi matuloy-tuloy na sabihin ni Luna.
"Mabuti pa ay ihatid mo na muna si Peter sa School at mag-uusap kami ni Aling Kora." Saad naman ni Alma sa kanyang kaibigan.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Luna sa kanyang kaibigan.
"Titira ako sa bahay mo. Saka kapag wala ka kay Aling Kora tayo humihingi ng tulong. Kaya dapat maging totoo ako. Sige na, ihatid mo na si Peter." Wika pa ni Alma.
"Sige, mauna na kami. Mauna na po kami Aling Kora. Say babay na kay baby Angel at Lala Kora." Wika naman ni Luna kay Peter.
"Babay, baby Angel. Babay po, Lola." Paalam naman ni Peter. At lumabas na sila ng silid.
Inihatid ni Luna ang kanyang pamangkin sa school at nang makarating sila ay nakita niya si Peter na tinitingnan ang kaklase nito na hinatid ng ama ang bata. Kita rin sa itsura ni Peter na malungkot 'to.
"Hey, Peter. Okay ka lang ba?" tanong ni Luna sa kanyang pamangkin.
"Tita, bakit po 'yong mga classmates ko may Papa at Mama. Ako may Mama pero namatay na. Bakit po ako walang Papa? Sino po ba ang Papa ko? Hindi po ba ako gusto ng Papa ko? Kaya po hindi siya nagpapakita sa akin?" Mga sunod-sunod na tanong ng inosenteng bata na naghahanap ng kasagutan.
Hindi naman agad nakasagot si Luna dahil hindi niya alam kung paano sasabihing. Natatakot siya na baka kunin sa kanya si Peter at hindi na makita pa. Ayaw din niyang nahihiwalay sa kanya ang kanyang pamangkin. Iniisip din niya na baka hindi tanggapin si Peter ng ama nito at baka may pamilya na ang ama ni Peter at ayaw niyang baka masaktan 'to. ngunit ramdam nito sa kanyang pamangkin ang awa at pagkasabik na makita ang ama nito. Marami siyang kinatatakutan na ayaw niyang mangyari sa kanyang pamangkin. At natatakot siyang harapin ang mga kinatatakutan niya. Ngunit alam niyang gulong-gulo na rin ang bata at maraming tanong na nais ng kasagutan nito.
Humarap siya bata at bahagyan 'tong lumuhod.
"Peter, talaga bang gusto mong makita at makilala ang ama mo?" tanong nito sa bata.
"Opo, marami po kasi akong tanong na gusto kong sagutin niya," sagot ng bata.
"Sige, hahanapin ko ang Papa mo. Para masagot ang mga katanungan mo. Pero ipangako mo sa akin na kapag nakita na natin ang Papa mo. Hindi mo ako iiwan," saad naman ni Luna.
"Pangako po, walang iwanan. Hindi ko po kayo iiwan. Hindi po ako papayag na hindi ko kayo kasama. Ang gusto ko lang po ay makita siya at makilala," saad naman ng bata sabay yakap nito sa kanyang tita.
Nakaramdam tuloy ng kaba at takot si Luna. At niyakap din nito ang kanyang pamangkin.
"Sige na, pumasok ka na sa loob baka ma-late ka," saad ni Luna.
"Okay po, hanapin niyo agad ang Papa ko po, ah? Excited po akong makita siya at makilala." Wika rin ng bata.
"Opo, mag-aral ka po ng mabuti." Saad na lamang ni Luna na naninikip ang dibdib.
Mabilis na hinalikan ng bata ang tita nito sa pisngi at kumaripas ng takbo papasok sa classroom nito.
"Mukhang kailangan ko ng harapin ang kinatatakutan ko," saad pa ng dalaga at muli ay pinaandar nito ang kanyang single na motor.
Nagtungo si Luna sa simbahan kung saan niya nakita ang ama ni Peter. At doon ay magtatanong siya.
'Dito ko nakita ang ama ni Peter. Ano kayang ginagawa niya rito?" tanong niya sa kanyang sarili pagbaba niya sa kanyang motor.
Pumasok siya sa simbahan at wala na roon ang lalaking napagkamalan niya.
"Nakakahiya naman kung makikita ko si father dito. Baka mamukhaan niya ako kaya dapat magsuot ako ng jacket at magsumbrero," saad nito at sinuot niya ang sumbrero at jacket na itim.
"Hello po, magtatanong lang po. About po sa ikakasal sana kanina kaso hindi po natuloy dahil may tumutol po." Saad ni Luna.
"Bakit, hija? Kaano-ano mo ba 'yonģ ikakasal tututol ka rin ba?" Tanong ng may edad na babae kay Luna.
'Hay! Kung alam niyo lang po," saad ng dalaga sa kanyang isipan.
"Ay, hindi po eh. Bakit naman po ako tututol. Saka friend ko po 'yong babaeng ikakasal. Titingnan ko lang po 'yong pangalan nang lalaking pakakasalan niya at kung saan po 'yong address ng venue nila," palusot na saad ni Luna.
"Alam mo, hija. Matanda lang ako pero hindi mo ako mauuto. Kung friend mo pala 'yong babae. Bakit hindi mo alam kung ano'ng pangalan nang pakakasalan niyang lalake at kung saan 'yong venue nila. Kung manloloko ka rito! Aba'y nasa simbahan ka! Mahiya ka naman! Lumayas ka rito. Matakot ka diyos!" Pagsusungit na saad ng may edad na babae.
"Hmmmp! Ang dami niyo pong sinasabi kung ayaw niyo pong ibigay, oh, ‘di huwag!" Masungit din na saad ni Luna at nilayas ang kausap nito.
"Makapagsalita naman 'yon kala mo naman kung mukha akong budol na nasamang tao! Matakot daw ako sa diyos. Wala naman akong ginagawang masama, ah! Bakit ako matatakot? Hmmmp!" Saad pa ni Luna habang naglalakad siya at pumasok na lang 'to sa loob ng simbahan.
Umupo rin siya at iniisip-isip ang eksina kanina. Hanggang sa makakita siya ng naiwan na invitation card sa upuan at kinuha niya 'yon.
"May nakaiwan ng invitation dito. At mukhang yayamanin ang may ari nito." Saad ni Luna sa kanyang sarili at binuklat 'yon hanggang sa makita niya ang mukha nang lalaking nais niyang malaman ang address at pangalan. Kaya namilog ang kanyang mga mata sa tuwa. Dahil sa hindi inaasahan.
"Biruin mo nga naman kapag sinisuwerte ka! Yes! Yes! Yes! Thank you, Lord!" Tuwang-tuwa na saad ni Luna.
Agad niyang hinanap sa sss ang pangalan ng lalaki. Ngunit wala 'to sa social media.
"Bakit gano'n, wala?" takang tanong pa niya sa kanyang sarili.
"Kung gano'n pupuntahan ko na lang 'tong address na naka indicate rito. Sure ako na 'to ang magiging daan para makikila ko na ang ama ni Peter. Malakas ang kutob ko. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat lalo na't may kasalanan pa ako sa lalaking 'to." Saad pa nito at nagmadali na siyang lumabas ng simbahan.