"Ate... parang awa mo na lumaban ka. Huwag kang bibitiw. Please... Marami pa tayong plano sa buhay na tutuparin natin ng sabay. Bibili pa tayo ng sariling bahay at sasakyan 'di ba?" saad ni Luna. Habang nakasandal ang ate nito sa kanyang tabi at nakaupo sila sa tabing dagat na nakatanaw sa dalampasigan.
"Parang hindi ko na yata kaya, Luna. Pakiramdam ko hindi na kaya ng katawan kong lumaban pa," saad naman ng kanyang ate na tumutulo ang butil ng luha sa gilid ng mga nito at nanghihina na.
"Hindi ako papayag, ate. Huwag mong sabihin 'yan. Gagawin ko ang lahat madugtungan lang ang buhay mo. Mabubuhay ka ate. Alam kong kaya mo 'yan. Natin, at malalampasan natin 'to," saad muli ni Luna na pinapalakas ang loob ng ate nito.
"Luna, kapatid ko. Maraming salamat sa lahat. Sa mga sacrifice mo. Imbes na ako ang mag-alaga sa 'yo at magtaguyod dahil ako ang ate mo. Baliktad. Dahil ikaw ang gumagawa. Napaka s'werte ko dahil ikaw ang naging kapatid ko. Kung mamatay man ako magiging panatag ako at masaya sa kabilang buhay dahil sa 'yo." Wika nito na nakangiti pa.
"Ate, ano ka ba? Tumigil ka na nga! Huwag kang ganyan. Saka magkapatid tayo kaya wala ring ibang magtutulungan kundi tayong dalawa lang din. Ang isipin mo magpalakas ka para sa atin at para sa anak mo." Saad ni Luna na pinipigilan ang mga luhang nais kumawala.
"Ang dami munang utang dahil sa akin. Nagkakandakuba ka na kakahanap ng pera para lang maipagamot ako. Hindi mo na tuloy na e-enjoy ang buhay mo. Imbes na nag-aaral ka at malapit ng ga-graduate nahinto pa dahil sa akin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ako pa ang nagkasakit ng cancer?" Paninising saad pa ng ate nito.
"Hindi na importante kung magkandakuba ako sa pagtatrabaho o mabaon sa utang. Kahit pa makipila ako araw-araw sa napakahabang charity okay lang 'yon. Ang importante gumaling ka at huwag mo kaming iiwan ng anak mo. Dahil kailangan kita. Kailangan ka ni Peter," wika ni Luna na halos pumiyok ang boses at hindi mapigilang tumulo ang luha nito. Dahil sa nararamdaman niyang awa, bigat at sari-saring emosyon.
"Luna, alagaan mong mabuti si Peter at huwag mo siyang pababayaan. Kapag namatay na ako magiging magaan na rin ang buhay mo. Hindi ka na mahihirapan. Puwede ba akong mag request?" Tanong pa nito sa nakababata niyang kapatid at pilit ngumiti.
"Oo naman, kahit ano gagawin ko," agad naman na saad ni Luna at pilit ngumiti.
Pilit na iginalaw ng nakatatandang kapatid nito ang isang niyang kamay at isinuksuk ang kamay patungo sa bra nito na nasa loob mismo. Sabay hugot pataas at ibinigay ang nakatuping papel na may naka sukbit na litrato.
"Ano 'to, ate?" Takang tanong ni Luna sa papel na bìgay ng kanyang ate.
"Nandyan ang litrato ng ama ni Peter Pati ang pangalan niya. Hanapin mo siya at ibigay mo ang sulat na 'yan. Alam kong kapag nabasa niya 'yan at nakita niya si Peter ay hindi niya 'to pababayaan.
"Pero, ate--"
"Walang pero-pero. Ipangako mo sa akin, Luna." Putol nito sa kanyang kapatid.
Alam ni Luna na may taning na ang buhay ng ate nito. Pero kahit minsan ay hindi niya pinakitang naaawa siya o nanghihina siya sa harapan nito. Ayaw din niyang ipakitang umiiyak siya. Pero ngayong araw ay iba ang kanyang pakiramdam at para bang nagpapaalam na 'to sa kanya. Masakit 'yon para sa kanya na para bang pinipiga ang kanyang puso ngunit wala siyang magawa. Kundi ang tabihan 'to at panoorin hanggang sa mawalan ng hininga dahil para sa kanya ay 'yon lang ang magagawa niya. Ang hindi 'to iwan hanggang sa kahuli-huliang hininga nito.
"Pangako, ate. Hahanapin ko siya," sambit na lamang ni Luna at niyakap ang ate nito.
"Salamat, kapatid ko. Mahal ko kayo ni Peter lagi mong tatandaan," pagkasabi nito ay bahagyang gumalaw ang ulo nito at bumagsak ang kamay nito na naka kapit sa braso ni Luna.
"Aatee... mahal din kita."
AFTER ONE YEAR
"ITIGIL ang kasal!" walang katakot-takot sa dibdib na sinigaw ng malakas ni Luna ang mga katagang iyon! Habang ang isang kamay nito'y may hawak na mahabang itak at itinas iyon.
Nasa pintuan siya ng simbahan. Para pigilan ang kasal ng lalaking magpapakasal nang araw na 'yon. Sabay-sabay namang lumingon sa kanya ang mga taong naroon. At bakas sa mukha nila ang takot, dahil na rin siguro sa hawak-hawak nitong itak na mahaba. At pagkagulat nang bigla na lamang siyang lumitaw.
Tila isa siyang sanggano na papasok sa loob ng simbahan. Para lang lumapit sa harap ng Pari.
"Hija, baka naman puwede nating mapag-usapan ito. Saka, puwedeng pakibaba 'yang hawak mong itak," malumanay na saad ng pari sa dalaga.
"Father, kung itutuloy mo ang kasal ng lalaking iyan. Magkakagulo tayo. Hindi ba ninyo alam! Siya lang naman ang nakabuntis sa kaibigan ko na ngayon ay manganganak na!" malakas na sigaw ng dalaga. At alam nitong rinig na rinig ito ng mga taong naroon sa loob ng simbahan.
Mayamaya pa'y narinig niya ang mga bulungan sa buong paligid. Hanggang sa makita nitong biglang tumakbo palabas ng simbahan ang babaeng ikakasal dapat.
"Sellary!" narinig niyang pagtawag ng lalaki. Maliksi tuloy siyang napalingon dito. At ganoon na lamang ang pagkagulat niya dahil parang nag-iba yata ang mukha ng lalaki.
Kung kaya dali-dali niyang kinapa ang picture sa kanyang bulsa para tingnan kung ito nga ang boyfriend ng kanyang kaibigan. Subalit halos lumuwa ang mga mata ni Luna dahil maling simbahan pala ang kanyang napuntahan. At maling lalaki rin.
"Peste! Naloko na. Ano'ng gagawin ko?" tanong na lamang nito sa kanyang sarili na nag-iba ang ng kanyang itsura at nag-iisip ng gagawin.
Paktay ako nito! Bahala na nga! "Father, sige na ituloy na ninyo ang kasal. Hindi ko na pala pipigilan," anas nito. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo papalabas ng simbahan.
"Habulin ninyo ang babaeng iyon!" Rinig pa ni Luna na sigaw ng lalaking ikakasal.
's**t! Hindi nila akong puwedeng maabutan," wika naman ng dalaga na kumaripas ng takbo palayo.