Dahil sa ginawa ni Luna na pag tusok sa kamay ng lalaki gamit ang kutsilyo ay galit na galit 'to sa kanya at hinanap ang baseball bat na kanyang dala kanina. Hanggang sa nakapa niya 'to at hinawakan nang mahigpit. "Huwag mo na subukan pang magtago dahil kahit na ano'ng pilit mo na magtago ay matatagpuan pa rin kita, babae. At maghanda ka dahil mapupupod 'tong baseball bat sa katawan mo!" Saad ng lalaki at dahan-dahan 'tong naglakad. Tiwala rin ito na masasaktan ng sobra si Luna. Narinig naman 'yon ng dalaga. Ngunit nagpapahinga pa rin 'to. Alam naman niyang may hawak ito na baseball bat. Ngunit para sa kanya ay matira ang matibay. 'Konti pa," saad pa nito sa kanyang isipan." Hindi rin siya gumawa ng ingay habang palipat-lipat siya ng puwesto. "Asaan ang tapang mo? Akala ko ba'y uubusin