Chapter 38 Title: Kasal Nang biglang may magsalita ay agad 'tong hinanap ni Luna kung sino 'yon. Mayamaya pa’y biglang na lang itong simulpot kung saan. Kaya tuluyan ko na itong nakita. "Sino ka at ano ang kailangan mo sa ate ko?" Agad pa naman na tanong ng dalaga at nakakunot pa ang noo nito. Tiningnan at pinagmasdan ng lalaki mula ulo hanggang paa si Luna. Gano'n din ang ginawa ng dalaga na para bang kinikilatis nito ang lalaki at napapaisip kung sino ang taong nasa kanyang harapan. "Hindi ba nasabi ng ate mo sa 'yo na may lalaki siyang pakakasalan. Na basta na lang iniwan! Nasaan siya?" sagot at muling tanong nito. "Ang alam ko ay tumiwalag na siya sa grupo ninyo. Saka huwag niyo ng hanapin pa ang ate ko. Dahil matagal na siyang pumanaw," sagot ni Luna. "Ano? Pingaloloko mo ba