NAPATAY ni Luna ang unang lalaking sumugod sa kanya. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay may bigla na lang sumabunot sa kanyang buhok. Hindi siya gumalaw sa kanyang pwesto! Ngunit alam niyang may dalang patalim ang sumabunot sa kanya at ito'y nasa kabilang kamay. Mabilis siyang kumilos at hinawakan ang isang kamay ng lalaki na may hawak na patalim upang hindi tuluyan malaslas ang leeg ni Luna. Ngunit maramdaman pa rin niya ang pagtusok ng dulo ng patalim sa kanyang leeg. Doon ay buong lakas niyang siniko sa tagiliran at kalaban na sumabunot sa kanyang buhok. Dahilan para mabitiwan siya at makawala. Ngunit hindi niya binitiwan ang isang kamay ng lalaking may hawak na patalim at itinulak niya ang katawan ng lalaki sa pader. Nakipag-agawan siya sa patalim na nasa kamay ng lalaki at pilit