Disgrasya

1085 Words
Muling sumakay si Luna ng kanyang single na motor at agad na nagmaneho paalis. Hinanap niya sa Google map ang address ng venue at hindi nga nagtagal ay natagpuan niya ito. "Ito na ba 'yon? Teka lang, bakit parang wala namang katao-tao rito. In fairness bongga ang venue nila yayamanin at ang ganda! Makapagsuot na nga ng facemask para hindi ako makilala." Wika pa nito sa kanyang sarili at agad na sinuot ang facemask at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan. Sa pagpasok ni Luna ay agad 'tong nilapitan ng isang crew. "Hi, Ma'am. Good day po! How may I help you," bati nito sa kanya ng nakangiti. "Hi, Ahmm... Ito 'yong venue ng kasal ni Mr. Seven De Vera, ‘di ba?" tanong naman agad ni Luna sa crew. "Yes, Ma'am. Kaso po ay hindi natuloy. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" sagot at balik na tanong nito sa dalaga. "Aw, gano'n ba? Alam niyo kaya kung saan siya nakatira?" makahulugang tanong pa ni Luna. "Ay, sorry po, Ma'am. Pero hindi po kasi namin alam. At kung alam din po namin hindi rin po namin maibibigay sa inyo. Confidential at para sa safety din po ng client namin. Pasinsya na po," sagot nito kay Luna. "Gano'n ba? Okay sige, alis na ako." Paalam na lamang ni Luna at agad itong lumabas. "Hay, naku! Nagsayang lang ako ng gasolina wala rin pala akong mapapala. Ang mahal pa naman ng gasolina ngayon," reklamo nito sa kanyang sarili at muling dumiretso sa kanyang motor at isinuot ang helmet. "Saan ko kaya makikita 'yong Seven De Vera na 'yon?" tanong pa nito sa kanyang sarili. "Ay naku! Magsusundo pa pala ako ng pamangkin ko." Wika pa nito at pinaharurot ang kanyang motor paalis. Habang nasa daan si Luna ay hindi inaasahang may biglang tumawid na aso sa kanyang harapan. Kung kaya agad siyang nag preno. Ngunit dahil mabilis ang kanyang pagpapatakbo at iniwasan nito ang aso ay hindi inaasang na out balance ang kanyang motor. Napabitiw tuloy siya sa manobela ng hindi oras. Dumausdos ang kanyang sinasakyang motor at habang siya naman ay napaitapon sa kalsada. Muntik pa siyang masagasaan ng isang sasakyan na nakasunod sa kanya. Mabuti na lamang at bigla 'tong nagpreno. "Ano bang ginagawa mo?!" Galit na tanong nito sa kanyang driver. Nang maramdamang bigla itong nagpreno at halos mauntog siya sa upuan na nasa kanyang harapan. Mabuti na lamang at mabilis kumilos. "Sorry, Sir. May nadisgrasya po yata sa harapan. Tumilapon 'yong nakasakay sa motor at muntik na nating masagasaan," agad naman na saad ng driver nito na kita sa mukha ang pagkagulat. "Tumawag ka ng pulis at i-report mo 'to agad. Pati na rin ng ambulance." Saad naman agad ni Four at walang pagdadalawang isip na bumaba ng sasakyan. "Yes, sir." Mabilis naman na saad ng driver nito. Sa pagbaba ni Four ng sasakyan ay agad niyang nilapitan ang taong walang malay na nakahandusay sa harapan ng kanyang sasakyan. Tinanggal nito ang helmet at laking gulat niya nang makitang babae 'to. Duguan 'to sa noo at walang malay. Agad din niyang hinawakan ang pulsuan nito at naramdaman niyang pumipintig 'to at huminga pa. Dahil may alam siya sa medisina ay alam nito ang kanyang gagawin. Agad niyang kinuha ang mga gamit niya sa sasakyan at dahil likas sa kanya ang pagtulong sa kapwa ay walang pagdadalawang isip niyang tinawag ang kanyang driver. "Samahan mo ako! Dahil kung matatagalan pang dumating ang ambulance baka mapaano na 'yong babae." Utos pa nito sa kanyang driver na agad namang tumugon sa kanya. Binuhat nila ang babaeng walang malay. Dahan-dahan nilang sinakay 'to ng kanyang sasakyan. Maya maya pa ay bago sila umalis ay dumating na rin ang mga pulis. Pinaliwanag nila ang nangyare at sinabi ni Four na kailangan ng dalhin ang biktima sa pinakamalapit na hospital bago pa may mangyari rito. Nagpakilala rin si Four sa mga Pulis at naging escort pa nila 'to para madala ng maayos at mabilis ang biktima sa hospital. "May problema po ba, Aling Kora? Sino po 'yang kausap niyo?" takang tanong ni Alma. "Tumawag ang teacher ni Peter sa akin. Kanina pa raw naghihintay ang bata roon at wala pa raw si Luna. Tinatawagan din ng teacher ni Peter pero out of coverage daw si Luna. Ano na kayang nangyayari?" Sagot at pag-aaalalang tanong ni Aling Kora. "Mabuti pa ay maiwan na muna kita at susunduin ko si Peter." Paalam ng ginang. "Sige po. Ingat po kayo at balitaan niyo po ako agad." Saad naman ni Alma. Mabilis namang lumabas ang ginang ng silid. "Ano na kayang nangyari kay Luna? Hindi kaya nahuli na siya noong lalaking pinagtataguan niya. Tapos pinakulong siya? Hindi, eh. Out of coverage lang naman ang phone niya. Baka na lowbat lang 'yon siguro. Pero what if may masamang nangyari na pala sa kanya? Pero hindi rin kilala ko si Luna kayang-kaya niya 'yong lusutan. Kaso lang kilala ko si Luna hindi 'yon nale-late sa pagsundo kay Peter sa school. At tatawag 'yo kung hindi man niya masusundo. Oh my god! Nag-o-over think na ako. Nasaan ka na ba, Luna?" Pag-aalalang tanong rin nito sa kanyang sarili. HINDI nagtagal ay nakarating na sa pinakamalapit na hospital sila Four at mabilis din na ipinasok sa emergency room si Luna. "Mr. Four De Vera! Nandito ka pala. Long time no see. Kumusta?" Nakangiting tanong ng isa sa mga head nurse na naroon nang makita siya nito. "Hi, Ma'am Susan. Nandito pa rin po pala kayo. Okay lang po, kayo po kumusta na kayo?" masaya at magalang sagot din ni Four. "Hanggang ngayon Mr. De Vera magalang at napakaguwapo mo pa rin. Ano't naparito ka? Mukhang may binibista ka yata rito." Tanong pa nito sa kanya. "Naku, wala po. May hinatid lang akong pasyente nakita namin sa daan. At mukhang hindi maganda ang lagay niya." Sagot naman niya agad. "So, ikaw pala 'yong kararating lang na may kasamang escort na pulis. Iyong babaeng nadisgrasya na kapapasok lang. Bukod sa guwapo at magalang ay matulungin ka pa rin. Hindi ka pa rin nagbabago. Kaano-ano mo 'yong biktima?" Tanong pa nito sa kanya na may kakaibang ngiti sa labi. "Naku, Ma'am Susan. Mali po kayo ng iniisip. Nakita ko lang talaga 'yong babae na nakahandusay at duguan 'yong noo." Agad din na saad ni Four. "Ikaw naman Mr. De Vera. Hindi ka mabiro. Mabuti pa ay sumunod ka muna sa akin at magkape tayo. Namis kita," aya pa nito sa kanya. "Sige po, Ma'am." Sang-ayon naman ng binata at sumunod 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD