Pansamantala

1322 Words
Muling sinuri si Luna ng doctor at ginawa ang lahat ng test pati ang maliit na detalye ng exam sa kanya ay unulit lahat. Upang matukoy kung ano ang mali at kung bakit nagkaroon ng amnesia ang dalaga. "Doc, kumusta po ang ginawa niyong pagsusuri sa kanya?" tanong ni Four. "Inulit ko ang lahat ng ginawa naming test, exam, CT scan sa kanya. Nabagok ang ulo niya na sanhi ng pagdurugo. Na posible ring naging dahilan pagkakaroon niya ng amnesia sa ngayon," sagot ng doctor. "Kawawa naman siya," saad naman agad ni Four na may maawaing puso. "Kung gano'n may pag-asa pang bumalik ang kanyang mga ala-ala. At hindi siya nababaliw. Hanggang kailan naman siya ganiyan?" tanong din ni Seven na nakikinig sa usapan. "Hindi ko masasabi, maaring-araw, buwan o taon. Panahon na lang ang makakapagsabi. Pero kung mapupuntahan niya ang mga lugar na pinupuntahan niya noon. Mga kakilala na laging nakakasama at nakakausap ay makakatulong 'yong bumalik ang kanyang mga ala-ala ng mas mabilis,” Sagot nito. "Kung gano'n dapat pala ay mahanap natin ang mga nakakakilala sa kanya o pamilya. Upang bumalik ang mga ala-ala niya," wika naman ni Four. "Gano'n na nga," saad ng doctor. "Doc, sigurado ka bang hindi siya nababaliw? Kasi noong nagising siya kakaiba, eh. Parang nakatakas sa mental?” tanong ni Seven. "Gano'n talaga kapag may amnesia. Paiba-iba ng mood. Lalo na't wala siyang matandaan o pinipilit makaalala,” wika naman ng doctor. "Ako na ang bahalang maghanap sa mga kamag-anak niya at ipasyal sa mga lugar na pamilyar sa kanya. May alam ako, eh,” saad ni Seven na may naiisip. "Sigurado ka ba Seven na kaya mong pangatawan 'yang sinasabi mo?" tanong naman ni Four sa nakakabatang kapatid nito. "Oo naman, kuya. Ako ng bahala sa kanya. Masyado ka ng maraming oras na nasasayang dahil sa kanya. Mabuti pa ay ako ng bahalang mag-alaga sa kanya at ibalik siya sa pamilya niya,” sagot naman ni Seven habang pinagmamasdan ang babaeng nakahiga sa kama. 'Humanda ka sa aking babae ka. May amnesia ka nga ba o nagsisinungaling ka lang para takasan ako,” wika pa ni Seven sa kanyang isipan. "Maraming salamat, doc. Parating na ang secretary ko para makipag-uganayan sa inyo at mag-ayos ng mga papers dito sa hospital. Puwede na ba namin siyang mai-uwi?" tanong pa ni Four sa doctor. "Yes, Mr. De Vera. Kapag nagkamalay na siya. Okay, I go ahead. Just call me kung may problema ba sa kanya or may tanong pa kayo," sagot naman ng doctor. "Okay, doc,” mabilis naman na saad ni Four ng nakangiti at nakipagkamayan 'to sa doctor. "Talaga bang kailangan pa nating iuwi ang babae na 'yan, kuya? Ni hindi nga natin siya kilala, eh. Saka 'yang babae na 'yan ang sumira ng kasal ko. Nakalimutan mo na ba, kuya? Malay mo kung ang mudos pala niya ay magkunwaring may amnesia pero ang totoo ay may masamang hangarin pala," tanong ni Seven na hindi sang-ayon sa pasya ng kanyang kuya. "Seven, baka nakakalimutan mo. Babae 'yan. Ano'ng magagawa ng isang babae laban sa lalake? Then, sinong tangang tao ang ipapahamak ang sarili na halos mamatay na sa daan. Saka ayaw mo ba niyan kapag bumalik na ang ala-ala niya ay puwede mo ng itanong kung bakit niya sinira ang kasal mo?" "Sabagay may point ka, kuya." 'Saka isa pa kapag nalaman kong nagkukunwaring may amnesia ang babaeng 'to. Humanda ka talaga sa akin. Mahuhuli't mahuhuli kita,” saad pa ni Seven sa kanyang isipan. Hindi naglaon ay nagkamalay na si Luna at nagpanggap 'tong may amnesia. Kung noong una ay nagwawala siya na parang baliw. Ngayon ay tulala lamang siya na nakahiga. Hindi rin nagtagal ay dumating din ang secretary ni Four at inasikaso ang bills nila sa hospital. Nakipag-ugnayan din sila sa pulisya upang mahanap agad ang pamilya ng dalaga. Pansamantalang kinuha nila ang custody ni Luna dahil may kapit sila sa mga pulis at tinutulungan nila 'tong makaalala. 'Tang-*na, Luna. Ang bango ng sasakyan mukhang mamahalin at talagang yayamanin. Sh*t, talaga bang iuuwi pa nila ako sa bahay nila? Mas makikilala ko na kung ano'ng klasing tao ang ama ni Peter. Bigla tuloy napaisip ang dalaga sa ginawa ng magkapatid nang makapasok sila sa loob ng sasakyan. Nagmaneho na ang driver at dahan-dahang umalis ang kanilang sinasakyan. Tahimik lamang ang dalaga na parang nakatulala 'to habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. "Miss, huwag kang mag-alala dahil wala kaming intention na masama sa 'yo. Pansamantala ka lang naming iuuwi. At kapag bumalik na ang ala-ala mo o may naaalala ka na. Makakauwi ka na sa pamilya mo. Gusto ka lang naming tulungan," saad ni Four. Hindi tuloy alam ni Luna kung ano ang magiging reaction niya sa mga sinabi ni Four sa kanya. 'Bakit parang pakiramdam ko mabuting tao ka," tanong pa ni Luna sa kanyang isipan at tumingin 'to kay Four na walang emosyon ang mukha. "Kuya, see. Tumingin lang siya sa 'yo ng ilang sandali at para ka lang hangin sa kanya na parang walang naririnig. Ganiyan ba talaga kapag may amnesia?" tanong naman ni Seven na kita sa pananalita nitong ayaw sa babae. "Sabi ni doc. Pabago-bago ang mood ng mga may amnesia. Minsan sumisigaw na parang nababaliw at kung minsan naman ay tahimik lang na nakatutula. Kaya kailangan nating intindihin sila, Seven.” "Gano'n? Tayo pa ang mag-a-adjust. Ang galing naman ng babae na 'to!” hindi mapigilang saad ni Seven. "Kung hindi ka kumportble sa kanya. Huwag mo siyang lalapitan o kakausapin. O ang tingnan man lang siya. Bagkus umiwas ka para hindi magkaroon ng gulo," pagtatanggol naman ni Four. "Grabe, kuya. Ako ang kapatid mo pero mas pinapanigan mo pa siya kaysa sa akin na kadugo mo," react naman agad ni Seven. "Wala akong pinapanigan ang sa akin lang ikaw ang mas nakakaintindi. Kaya ikaw na ang mag-adjust at umiwas," wika pa ni Four. Napakamot na lang sa ulo si Seven habang si Luna naman ay nakakaramdam ng tuwa sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ni Four. Pagkaraan ng ilang oras na biyahe ay nakarating na sila sa bahay ng magkapatid. "Magandang gabi po, Sir Four,” pagbati naman ng may edad na babaeng sumaĺubong sa kanila. "Magandang gabi rin po, Manang." Hanggang sa makita ni Manang ang isang babae. "May kasama po pala kayong babae. Girl friend niyo po ba, Sir Four?" agad naman na usisa ni Manang. "Naku, Manang. Hindi po siya nobya ni kuya," mabilis naman na sagot ni Seven na huling bumaba ng sasakyan. "Sir, Seven. Nandyan pala kayo mabuti at sumabay kayo sa kuya niyo," nakangiting bati nito. "Bakit po, Manang? May ginagawa na naman bang kalokohan 'tong si Seven?" agad naman na tanong ni Four. "Wala po, Sir. Kayo naman natutuwa lang ako at magkasabay kayong dumating dito. Saka nakapaghain na ako ng pagkain ninyo. Tamang-tama ang dating niyo. Mabuti pa'y sabay-sabay na tayong kumain," pagtatanggol naman ni Manang kay Seven. "Siya nga pala. Pansamantalang maninirahan dito ang babaeng 'to. Hindi ko alam kung ano'ng pangalan niya. Wala kasing nakitang ID sa kanya noong nadisgrasya siya at may amnesia siya,” anas naman ni Four. "Gano'n ba? Kawawa naman siya. Mabuti pa ay ihatid ko na muna siya sa silid niya. Para makapagbihis na rin at nang makakain na," saad ni Manang at isinama si Luna. Nang makarating sila sa silid ay napalingon si Luna sa bintana kung kaya mabilis 'tong naglakad at nakita niyang madilim na pala. 'Kumusta na kaya sila Alma? Nakalabas na kaya siya ng hospital? Nami-mis ko na ang pamangkin ko," saad nito sa kanyang isipan. "Okay ka lang ba, hija? May naalala ka ba? Huwag kang mag-alala. Pa konti-konti ay magbabalik din ang alaala mo." Napatingin na lang si Luna sa Ginang. “Nandito na ang mga damit mo mabuti pa ay magbihis ka na at pagkatapos ay bumaba ka na. Para sumabay sa hapagkainan na kumain," saad pa ng ginang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD