BALIW

1073 Words
Mabilis na nakarating si Seven sa hospital na kung nasaan ang nakakatandang kapatid nito. Nakita rin niya agad ang driver ni Four. "Sir," bati pa nito sa kanya nang makita siya. "Nasaan ang kuya ko? Ano'ng nangyari sa kanya?!" Galit at kuno't noong tanong ni Seven. Agad din niyang kinuwelyuhan ang driver ng kuya nito. "Hey, Seven! What are you doing?" tanong naman ni Four nang makita ang kapatid nitong kinuwelyuhan ang kanyang driver. "Kuya! Akala ko ay napaano ka na." Agad na saad nito at mabilis na tinanggal ang kamay mula sa pagkaka kuwelyo nito. "Ganiyan ka ba kabayulente sa mga tauhan mo?" tanong tuloy nito sa kanya na nakakunot din ang noo. "Kuya, naman! Syempre akala ko'y napaano ka na. Nag-alala ako sa 'yo,” wika pa nito na napakamot na lang sa ulo ngunit nakahinga nang maluwag noong makita si Four. "Ano nga pa lang ginagawa natin dito?" "Halika't sumunod ka," sagot ni Four at sabay silang naglakad. Patungo sa isang silid. "Sinong nandito?" takang tanong pa ni Seven. "Kanina noong pauwi na kami may nadisgrasya sa harapan ng sasakyan namin at saktong kami ang kasunod. Kung hindi ko pa naitakbo rito sa hospital. Baka napaano na siya," wika nito. "So, ang swerte pala nang taong nadisgrasya at ikaw ang nakakita sa kanya. Dahil kung hindi baka namatay na pala siya." Saad pa ni Seven. "Kahit naman sino ang nasa katayuan ko noong panahon na 'yon. Iyon din ang gagawin. Laking gulat ko nang tinanggal ko ang helmet at doon ko nakitang babae siya." "Mabuti pa kuya ay hayaan mo na ang mga pulis ang umasikaso nito. At huwag mo na siyang pag-aksayahan pa ng panahon,” saad na lang ng nakababatang kapatid nito na kita sa itsura na wala siyang pakialam. "Look, Seven. Tingnan mo siya. She looks familiar," saad ni Four saka hinawi pakaliwa ang kurtinang nakaharang upang makita ng kanyang kapatid ang mukha ng babae. Halos lumuwa ang mata ni Seven nang makita ang mukha ng babaeng may benda ang ulo. At hindi 'to makapaniwala. "That, girl!" Galit na saad ni Seven na hindi makapaniwalang nasa kanyang harapan ngayon ang babaeng hinahanap. Bigla namang nagkamalay si Luna nang marinig nito ang mataas na boses ng lalake na pumukaw sa kanyang pagkakahimbing. At hindi siya maaring magkamali dahil ang boses na 'yon ay pamilyar sa kanya. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata nito. Hanggang sa makita niya ang mukha ng lalaking kanyang tinataguan. Kung kaya mabilis niyang ipinikit muli ang kanyang mga mata mabuti na lamang at hindi siya napansin ng magkapatid. "Lower your voice. Nagpapahinga siya,” saway naman ng nakakatandang kapatid nito. "No, kuya! That cr*zy woman ruined my marriage! Mabuti pa nga siguro ay hinayaan mo ng mamat*y 'yan. Para nakaganti ako!" Galit pa na saad ni Seven. '’Naku! Pat*y! Ano bang nangyari? Ang alam ko ay nadisgrasya ako. Iyon ang natatandaan ko. Ngunit paano ako napunta rito? Nanaginip ba ako? Totoo ba 'tong nakikita ng mga mata ko? Si Seven De vera at ang ama ni Peter," wika naman ni Luna sa kanyang isipan at patuloy sa pakikinig sa usapan ng magkapatid. "Mabuti pa kuya ay umuwi ka na at ako ang magbabantay sa kanya. Ako ng bahala sa kanya," makahulugang saad ni Seven. “Tama ba ako sa narinig ko? Magkapatid ang dalawang 'to. Hala! Ano'ng gagawin ko? Hindi puwede 'to. Kailangan may maisip ako para makatakas dito. Sa dinarami-rami nga naman ng tao sa mundo bakit sila pa!" Kinabahang saad ni Luna sa kanyang isipan. "Okay, fine. Gusto ko na rin munang magpahinga. At mag-shower. I'll be back later." Sang-ayon naman ni Four. “Humanda ka sa aking babae ka. Makakaganti rin ako sa 'yo ngayon at hindi ko hahayaang makatakas ka ulit," saad naman ni Seven sa isipan nito habang pinagmamasdan ang babaeng nakahiga. Lalabas na sana si Four ng silid nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang doctor. "Doc," bati naman agad ni Four. "Kumusta ang pasyente nagkamalay na ba? Dapat ganitong oras ay gising na siya," tanong ng doctor. "Hindi pa, doc. Hindi pa siya nagigising," sagot naman ni Four. 'Loko 'tong babae na 'to, ah! Bakit nga ba wala pa 'tong malay?" tanong naman ni Seven sa kanyang isipan na walang tiwala sa babae at nakatingin ng masama sa dalaga. Hanggang sa biglang bumangon sa pagkakahiga ang babae at sumigaw ng --- "HUWAG!" "Are you okay, Miss?" tanong naman agad ni Four na agad siyang nilapitan. "Sino ka? Bakit nandito ako? Sino ako? Bakit wala akong matandaan?" sunod-sunod naman na tanong ni Luna. "Doc, what's happening to her?" tanong naman ni Four sa doctor. "I think, natuluyan na siya. May tama na sa utak ang babaeng 'yan at nabaliw na. Well that's called karma," saad naman agad ni Seven. Agad na nilapitan ng doctor si Luna at sinuri 'to. "Wala bang masakit sa 'yo?" tanong pa ng doctor kay Luna. "Meron po, ang ulo ko masakit. Parang mabibiyak! Aray! Aray!" sigaw ni Luna. “Sh*t lint*k na 'to. Kung ito na lang ang nakikita kong paraan para makatakas dito gagawin ko. Kahit pa magpanggap akong may amnesia," wika rin ni Luna sa kanyang isipan at ginalingan sa pag-arte. “Tinanong lang kung may masakit sa 'yo. Masakit na agad ang ulo mo? Mukhang hindi na ito kapani-paniwala, ah? Sige tingnan natin babantayan kitang mabuti. Kung nagsasabi ka ba ng totoo at humanda ka sa akin kapag napatunayan kong nagsisinungaling ka," saad naman ni Seven na walang tiwala sa dalaga. Sumisigaw si Luna na parang nasisiraan ng ulo at nagwawala na rin. "Nasaan ako? Nasaan ang anak ko? Sino ako?" tanong pa nito na mas lalong ginagalingan sa pag-arte. "Doc, mukhang naghahalusinate na siya na nagwawala." Saad naman ni Four. "Sa palagay ko ay kailangang ulitin ang mga examination at test sa kanya. Baka may naapektuhan sa utak niya," saad naman agad ng doctor at tumawag 'to ng nurse saka tinurukan si Luna ng pangpakalma at hindi naglaon ay nakatulog muli 'to. “Pat*y, bakit kailangang mangyari 'to?" saad na lamang ng dalaga hanggang sa mawalan 'to ng malay. "Crazy woman," saad naman ni Seven na kita sa itsura na nababanas sa dalaga. "Gawin niyo lahat ng test, doc. Sa tingin ko ay natamaan yata ang utak niya dont worry sa lahat ng gastusin ako ang sasagot. Basta gumaling siya. Sa tingin ko ay may anak na naghihintay sa kanya." Saad naman ni Four na naaawa sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD