Tumango lamang si Luna bilang sagot sa ginang na kausap niya.
“Oh, sige. Maiwan na kita at pagkatapos mo ay lumabas ka na agad,” saad pa nito sa dalaga bago lumabas ng silid.
Naisip din ni Luna kung hanggang kailangan siya bahay na ‘to. At kung papaano rin siya makakatakas sa dalawang lalaki. Hanggang sa pumasok na lang si Luna sa loob ng banyo. Inis na inis din siya dahil nagkaroon pa siya ng sugat sa kanyang noo. Pinagmasdan na lang niya ang mukha sa harap ng salamin. Isang marahas na buntonghininga ang ginawa ng dalaga lalo at nag-aalala rin siya sa kanyang karag-karag na motor. Siguro na impound na ‘yon kasi wala ‘yong mga papel. Nabili lang naman ‘yun ni Luna sa isang junk shop. Wala rin siyang dalang identification Id. Ngunit mabuti na rin ‘yun na wala siyang pagkakakilanlan, dahil hindi ka agad siya nakikilala.
Katatapos lang magbihis ni Luna nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. Kung kaya dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at binuksan ‘to.
Kumunot agad ang noo ng binata nang makita nito si Luna.
“Alam mo, hindi ko alam kung ano’ng itatawag ko sa ‘yo. Kasi wala kang pangalan at pa-special ka rin, ‘noh? Kailangan pang sunduin ka para lang kumain!” nang-i-insultong saad ni Seven.
Naiinis na rin si Luna sa binata. Ngunit hindi siya puweding magpahalata at mas lalong kailangan niyang galingan sa pag-arte. Dahil naaamoy nitong walang tiwala sa kanya si Seven.
“Mawalang galang na po Mr. At pasensya na po. Wala po kasi akong matandaan, eh. Kung meron lang sana kahit katiting sasabihin ko agad sa ‘yo at wala na sana ako rito. Kaso, wala talaga, eh. Pati nga pangalan ko o kung saan man ako nakatira. Hindi ko alam,” saad ni Luna na nagpapaawa effect at halos mangiyak-ngiyak pa ang itsura kuno.
“Sus! Ang daming arte at ang galing ding mag-drama, babae,” wika naman ng binata sa kanyang isipan.
“Oo na, sige na. Tama na! Dami mong arte! Baka mamaya makita ka pa ng kuya ko sabihin pa niyang pinaiiyak kita! Sumunod ka na lang!” galit na utos ng binata sa dalaga.
Napapangiti naman Luna sa isipan nito. Habang nakasunod patungo sa hapagkainan.
Titiyakin ni Luna na madadala ang lalaki sa kanyang drama. At hinding-hindi siya magpapahuli na wala talaga siyang amnesia.
“Here, dito ka na umupo sa tabi ko,” anas ni Four at hinila ang isang upuan na nasa tabi nito nang makita si Luna.
“Salamat po.”
“Huwag ka ng mag mag-po sa akin. Tingin ko naman ay mas matanda lang ako ng kaunti sa ‘yo. Mabuti pa aý kumain na tayo. Oh, ‘to. Tikman mo ‘tong kare-kare tapos lagyan mo ng alamang masarap ‘to,” saad pa ni Four kay Luna habang sinasalinan niya ‘to ng kanin at ulam sa plato nito.
“Ituring mong bahay mo rin ‘to at huwag kang mahihiya,” muling wika pa ni Four.
Lalo tuloy kumunot ang noo ni Seven sa ginagawa ng nakakatandang kapatid nito. At inis na inis siya sa itsura ng dalagang na parang pinagsisilbihang at feeling na prinsesa.
“Ehem! Kuya, mabuti pa ay kumain ka na at may mga kamay naman siya at kaya niyang kumain mag-isa. Saka may tatawagan ka pa pagkatapos mong kumain ‘di ba? Importante ‘yon!” masungit na anas ni Seven sa kapatid niya.
“Eat well,” saad naman ni Four sa dalaga.
Tango lang din ang sagot ni Luna sa binata. Habang napapaisip ‘to.
Naisip naman ng dalaga na mukhang mabait na tao si Four. Alam kaya nito na may anak sila ng kapatid ni Luna?
Samantala, panay naman ang palihim na tingin ni Seven kay Luna. Iniisip din nito kung ano’ng iniisip ng babaeng baliw. Naiinis din ang binatang si Seven dahil ang lagkit ng tingin ni Luna kay Four. Naisip din ni Seven na baka may plano ang babae sa kanyang kapatid. Ngunit hindi siya papayag na mangyari ‘yun. Hahadlangan niya ang ano mang balakin ng babaeng baliw sa kapatid niya.
“Maiwan ko na kayo. May tatawagan pa ako. Kumain ka na ng marami,” biglang anas naman ni Four sa dalawang tao na nasa harap ng hapagkainan.
Tuloy namang umalis si Four kaya ang tanging naiwan ay si Luna at Seven. Ngunit hindi tuloy makakain ng maayos si Luna kahit sobrang masarap ang ulam. Dahil nakikita niyang pinagmamasdan siya ni Seven.
“Ikaw! Ano’ng plano mo sa kuya ko? Ano’ng nasa-isip mo? At tinitingnan mo siya nang may kasamang pang-aakit? Hindi ako puwedeng magkamali alam kong may masama kang plano sa kapatid ko?” sunod-sunod na tanong ni Seven kay Luna.
“Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam. May amnesia ako,” biglang sagot ni Luna tumayo na rin ‘to at maglalakad na sana palayo nang bigla siyang hawakan sa braso ni Seven.
“Kung ang kuya ko ay nauuto mo at napapaniwalang may amnesia ka. Puwes, ako hindi. Dahil amoy na amoy kita. At alam kong may pinaplano ka! Huwag na huwag kang magkakamali o magpapahuli sa akin. Dahil isang maling galaw mo lang. Bibitayin kita ng patiwarik!”
Napangisi na lamang si Luna sa sinabi ng binata at tinanggal ang nakahawak na kamay nito sa kanya.
“Hindi ako natatakot sa ‘yo. Lalong huwag mo akong bantaan na bibitayin mo ako patiwarik. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doctor? Uulitin ko lang may amnesia, ako. In tagalog walang maalala. Saka wala akong pake kung ano man ‘yang sinasabi mong naaamoy mo sa akin. Dahil kahit na anong sabihin mo. Malinis ang konsensya ko!” Matapang naman na saad ng dalaga at tinalikuran na niya ‘to.
Ngunit para kay Seven ay hindi pa rin ito naniniwala sa mga pinagsasabi ng babaeng baliw.
“Huwag kang mag-alala lalaki dahil hinding-hindi ako magpapahuli sa ‘yo at mas gagalingan ko pa sa pag-arte,” anas ng isip ni Luna.
Lalo namang umusok ang ilong ni Seven at lalo’t talaga iniinis siya ng dalaga.
“Talagang tinatarando ako ng babae na ‘to. Maghintay ka at dadalhin talaga kita sa kung saan ka nababagay…” bulong ng binata.
“Hoy! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Huwag mo akong talikuran!” Napataas na boses na saad pa ni Seven at hindi na talaga ito nakapagpigil sa galit para kay Luna.
“Ngek-ngek mo!”
Nagpatuloy lang si Luna sa paglalakad na parang wala ‘tong narinig.
Hanggang sa makita niya si Manang.
“Tapos ka na bang kumain? Bakit narito ka sa labas?” tanong nito sa kanya.
“Tapos na po saka nagpapahangin lang po ako, Manang.”
“Pagpasinsyahan mo na si Seven. May problema kasi ‘yon, Ineng.”
“Ano po ‘yon, Manang?” usisa naman agad ni Luna. At hindi na siya nahiya pang magtanong sa matanda.
“Hindi kasi natuloy ang kasal niya dahil sa babaeng bigla na lang umiksena sa kasal niya. Kaya ‘yun palaging high blood at para bang gustong laging mag-amok ng away.”
Bigla namang nakaramdam si Luna ng guilty dahil sa kagagawan niya kay Seven.
“Hay, naku! Bakit ba kasi maling simbahan ang napuntahan ko? Ayan ‘tuloy…” bulong na lamang ni Luna.
“Kawawa naman po pala siya at sino po kaya ‘yong babae na um-eksina sa kasal niya? Kilala po ba niya?” tanong pa ng dalaga at nagkunwari na walang alam sa nangyari.
“Iyon na nga ang nakakapagtaka, eh. Hindi naman niya kilala.”
Marahan na lamang tumango-tango si Luna. Hanggang sa magalang na siyang nagpaalam sa matanda para pumasok sa kanyang kwarto.
“Sige, hija. Magpahinga ka na,” narinig pang anas ng matanda.
SAMANTALANG NAKALABAS na ng hospital si Alma kasama ang bagong silang na sanggol nito at ilang araw na ang nakakalipas mula noong mawala si Luna.
Nakita naman ni Aling Kora ang batang si Peter na napakalungkot at nakatingin sa malayo. Habang nakaupo ‘to sa pintuan na parang nag-aabang o naghihintay kay Luna.
“Apo, ano’ng ginagawa mo riyan? Mabuti pa’y makipaglaro ka sa mga batang nasa labas.”
“Ilang araw na po ang nakakalipas mula noong mawala si tita Luna ko. Wala na nga po akong ina at ama. Pati ba naman ang tita ko ay mawawala pa sa akin,” sagot ng inosenteng batang halos mangiyak-ngiyak na.
“Apo,” tanging nasabi lang ng matanda.
“Baka naman po umalis siya dahil ayaw niya akong alagaan at napapagod na siya sa akin. Lahat na lang po iniiwan ako,” wika pa ng bata na tuluyan na ngang pumatak ang mga luha nito saka mabilis na pinunasan gamit ang nga kamay nito.
“Peter, hindi totoo ‘yan. Mabait kang bata at lalong hinding-hindi ka iiwan ng Tita Luna mo.” Saad naman ni Alma.
“Kung gano’n bakit wala pa rin po siya? Ilang araw na po,” tanong ng inosenteng bata na hindi kapigilang tumulo ang mga luha nito.
“Siguro kasi baka masyado lang siyang busy sa pinuntahan niya kaya gano’n. Hindi siya makabalik agad. Dahil sa bago niyang trabaho. Saka alam mo naman, ‘di ba? Mahal na mahal ka ng tita Luna mo. Kaya hinding-hindi ka iiwan no’n.” Sagot naman ni Alma.
“Kung gano’n po, may bagong trabaho si Tita Luna ko?” tanong pa muli ng bata.
“Oo. May bago siyang work at malayo rito. Kaya hindi siya makauwi agad,” pagsisinungaling na lamang ni Alma at tumingin kay Aling Kora.
“Sana po ay bumalik na si tita Luna, dahil miss ko na siya,” malungkot na saad ni Peter at tuluyan na ngang bumuhos ang luha nito.
Niyakap na lang ni Alma ang bata habang nakakaramdam ng bigat, pag-aalala at awa sa bata.
“Huwag kang mag-aalala. Pabalik na ang tita Luna mo.”
Sa ilang araw na pananatili ni Luna sa pamamahay ng mga De Vera ay wala siyang nakitang masamang ugali ni Four. Ni hindi siya nito pinakitaan ng masama. Maliban na lang kay Seven na kumukulo ang dugo sa tuwing nakikita siya.
Alas-syete ng umaga nang madatna ni Seven si Luna na nagwawalis sa harap ng kanilang bahay. Kararating lang ng binata na kita sa itsura nitong galing sa pag-jogging at pawis na pawis. Nakasuot ‘to ng white T-shirt, jogging pants at nakasuot din ng nike rubber shoes na agad siyang napansin.
“Paki kuha mo nga ako ng malamig na tubig!” pasinghal na utos ni Seven kay Luna
Ngunit patuloy lamang sa ginagawa si Luna at parang walang naririnig.
“Bahala ka riyan, manigas ka!” saad naman ni Luna sa isipan nito at kunwaring walang naririnig. Patuloy lang ‘to sa pagwawalis.
Ngunit narinig naman ‘yon ni Manang.
“Sir, mabuti pa’y ako na ang kukuha ng tubig niyo.”
“Manang, mabuti pa’y gawin mo na lang ang mga gawain mo at huwag na po kayong makialam pa. Wala naman akong planong masamang sa babae na ‘to,” saad pa ng binata.
“Sir, baka kasi hindi niya alam saka may amnesia siya,” saad naman ng kasambahay nila.
“Manang, ilang araw na po siya rito sa bahay at pati ba naman pagkuha ng tubig na malamig ay hindi niya alam. Sige na po iwan niyo na po muna kami---!”
Wala namang nagawa ang kasambahay nila kung hindi ang sumunod na lamang at iniwan sila ni Luna.
“Ikuha mo lang ako ng isang basong tubig babae. Tinutulungan ka namin ng kuya ko! Nakatira ka rito ng libre at nakakain ng masarap. Ano ba naman ‘yong isang basong tubig lang ‘di ba? Hindi naman siguro mahirap at mabigat ‘yon!”
“Tang-*nang lalake ‘to. Saksakan ng sama ng ugali at talagang kailangan pang sabihin lahat. Pinapalabas pa yata niyang may utang na labas ako sa kanya!” pagmumura ni Luna sa isipan niya
Ngunit kailangan niyang magtimpi. Baka biglang siyang mahalata ni Seven. No choice si Luna kundi ang sundin ang nais na demonyo si Seven.
“Sige po, Sir,” anas ni Luna at tila angel ang boses.
“Susunod ka rin pala ang dami mo pang arte. Tandaan mo hindi ka bisita rito, babae!”
Hindi na lamang pinansin ni Luna ang pagtatalak ni Seven. Agad siyang tumalikod. Kumuha ng isang basong babasagin si Luna at sa inis nito sa binata ay nagtungo siya sa banyo. Doon ay kumuha siya ng tubig na galing sa mismong bowl. At ‘yon ang inilagay niya sa basong iinomin ni Seven.
“Kasalanan mo ‘to, eh. Kaya nababagay ‘to sa ‘yo,” saad ni Luna sa isipan na may maitim na plano at nilagyan pa niya ng ice tube.
Mabilis na inihatid ni Luna ang isang basong tubig na galing sa bowl patungo kay Seven. Ngunit pagdating niya roon ay saktong kararating na naman ni Four na kababa lang ng sasakyan at nakita siya nitong may dalang isang basong tubig.
“Puwede bang ako na lang ang uminom niyan?” tanong pa ni Four kay Luna ng nakangiti.
Awang ang bibig ni Luna. Hindi ka agad siya nakapagsalita.
“Naku! Patay! Ano’ng gagawin ko?” tanong ng dalaga sa isipan na hindi alam ang sasabihin habang nakangiti kay Four ng mapakla.
“Sure, kuya. Ikaw ng uminom. Pinakuha ko talaga iyang tubig para sa ‘yo,” sagot naman ni Seven.