Hospital
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa daan nang makauwi sila Aling Kora at Peter sa bahay nila.
"Lola, bakit po kayo ang nagsundo sa akin? Nasaan po si Tita Luna? Ano pong nangyari sa kanya?" Inosente at sunod-sunod na tanong ng bata.
"Tumawag ang Tita Luna mo sa akin. Sabi niya hindi ka raw niya masusundo kaya ako ang sumundo sa 'yo sa school. Tapos sabi niya huwag mo na raw siyang hintayin dahil baka hindi siya makauwi ngayon. Pero pipilitin niyang makauwi bukas ng maaga." Pagsisinungaling nito sa bata.
"Bakit po?" makulit pa na tanong muli ni Peter.
"Kasi, apo. May inaasikaso lang siya." Sagot muli ng matanda na pilit ngumiti ng pilit sa bata ng mapakla.
"Talaga po? Bakit parang biglaan naman po yata at hindi siya nagpaalam sa akin?" nagtatakang tanong pa ng bata.
"Oo nga, eh. Biglaan lang 'yon. Baka siguro importante 'yong nilalakad niya. Huwag kang mag-alala. Kasi sure akong tatawag 'yon agad kapag hindi na siya busy," wika na lamang ng matanda.
"Sana nga po, kasi ngayon pa lang pakiramdam ko nami-miss ko na po si Tita Luna. Hindi rin ako sanay na hindi ko siya katabing matutulog," saad ng batang kita sa pagmumukha nito ang kalungkutan.
"Huwag kang mag-alala apo. Sigurado ako na parihas kayo ng nararamdaman ng tita mo. Mabuti pa ay magbihis ka ng damit mo at magluluto na rin ako ng hapunan natin para dalhin sa hospital," saad pa ng ginang.
"Sige po," saad na lamang ni Peter at nagtungo na 'to sa kanyang silid upang magpalit ng damit.
'Hay naku, ang hirap magsinungaling sa bata at gumawa ng kuwento. Nasaan ka nga ba Luna? Bakit hindi ka man lang magparamdam?" saad at tanong pa nito sa kanyang sarili na kita sa mukha ang pag-aalala.
Matapos magluto ni Aling Kora ay sabay na silang kumain ni Peter sa hapagkainan. Pagkatapos ay muli silang nagtungo sa hospital.
Kumatok muna sila saka tuluyang pumasok sa loob ng silid.
"Salamat naman po at narito po kayo. Pasok po," may ngiti sa labing saad ni Alma nang makita ang ginang.
"Tita!" masayang bati naman ni Peter at nagmano 'to kay Alma.
"Ang bait mo talagang bata ka. Nawa'y lumaking kagaya mo si Angel." Saad naman ni Alma ng nakangiti sa bata at sabay mano rin kay Aling Kora.
"May dala kaming pagkain. Mabuti pa ay kumain ka para makabawi ka ng lakas," saad pa ng ginang.
"Salamat po," wika naman ni Alma. Agad itong nagtungo sa maliit na lamesa at doon ay mabilis na kumain.
"Tita, iihi lang po ako." Paalam naman ni Peter.
"Oh sige, anak. Andoon 'yong banyo. Mag flush ka, ha? Saka maghugas ng kamay." Turo at saad ni Alma.
"Opo," mabilis naman na saad ni Peter at agad na nagtungo sa banyo. Isinirado pa nito ang pintuan.
"May balita na po ba kay Luna? Tumawag na po ba sa inyo?" agad naman na tanong ni Alma sa ginang.
"Wala pa nga, eh. Nag-aalala na ako kay Luna." Agad naman na sagot ni Aling Kora.
"Wala ka ba talagang alam kung saan siya pupunta? Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo?" dugtong pa na tanong ng ginang.
"Ah... eh...," saad naman ni Alma na hindi makatingin ng diretso sa ginang at hindi rin nito alam kung sasabihin ba niya o hindi ang nalalaman.
"Ba't hindi ka makasagot diyan ng maayos at makatingin sa akin ng diretso? Ano kaya kung i-report ko na sa pulis," tanong pa nito.
"Kung ire-report niyo po at wala pang biente kuwatro oras. Hindi po siya masasabing missing at baka hindi po aksyonan," mabilis naman na saad ni Alma.
"Kung gano'n ano'ng gagawin natin? Bakit ba kasi hindi siya marunong magpaalam kung saan siya pupunta? Hindi tuloy natin alam kung saan siya hahagilapin. Baka napaano na 'yon," nag-aalalang saad pa ng ginang na hindi mapakali.
Nakokonsensya tuloy si Alma habang pinagmamasdan ang ginang.
'Sorry, beshy. Pero kailangan kong sabihin 'to." Wika naman ni Alma sa kanyang isipan.
"Aling Kora. Pasinsya na po kayo. Pero ang alam ko lang po ay nakita na niya ang ama ni Peter at pinuntahan po niya 'to." Saad ni Alma na hindi rin mapakali at hindi mapiligilang magsabi na ng katotohanan.
"Anu? Nakita na niya ang ama ni Peter! Kailan pa? At bakit ngayon mo lang sinabi?" Gulat at hindi makapaniwalang saad ng ginang.
"Sorry po kung naglihim po kami. Hindi na po namin nasabi sa inyo agad kasi po akala ko po saglit lang si Luna sa pupuntahan niya. Ayoko po kasing pangunahan siyang magsabi sa inyo. Hindi ko po akalain na aabutan po siya ng ganitong oras. Patawad po," paumanhin ni Alma.
"Hay naku! Ano'ng gagawin natin kung may nangyaring hindi maganda sa kanya? At kung 'yong ama ni Peter ay masamang tao pala. Baka napaano na siya roon. Ano'ng oras na!?" galit na saad ni Aling Kora na kitang-kita sa mukha ang pag-aalala. At hindi mapakali.
Maya maya pa ay lumabas na ang bata galing sa banyo. At napansin niyang may kakaiba kay Aling Kora at Alma. Kung kaya mabilis siyang kumilos na nagtungo sa dalawang nag-uusapa at pansin din niyang nanahimik ang mga 'to nang dumating siya.
"May problema po ba? Bakit po parang hindi po kayo mapakali?" tanong naman agad ng bata.
"Ah, wala naman Peter. Pinag-uusapan kasi namin na baka makalabas na ako ng hospital bukas ang problema wala kasing mag-aasikaso saka kulang ang cash ko. Iyon ang pinag-uusapan namin 'di ba, Aling Kora?" saad pa nito sa ginang.
"Oo tama, 'yon nga." Dugtong naman agad ni Aling Kora na napilitan na ring magsinungaling.
SAMANTALANG pagkatapos magkausap at magkape nila Susan at Four ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Dahil muling bumalik si Susan sa kanyang trabaho. Habang si Four naman ay pinuntahan ang dalagang nadisgrasya kanina sa silid nito.
'Sino kaya ang babae na 'to? Parang may kamukha siya at parang nakita ko na rin siya sa kung saan," tanong ni Four sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang babaeng walang malay.
Hindi inaasahang tumunog ang cellphone ni Four kung kaya sinagot niya 'to agad.
"Hello, Kuya Four. Where are you?" tanong naman ni Seven mula sa kabilang linya.
"I'm here at hospital." Sagot naman ng nakakatanda niyang kapatid.
"What? What happened? Saang hospital 'yan?" Mabilis naman na tanong ni Seven na rinig sa boses nito ang pag-aalala.
"Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo. Puntahan mo na lang ako rito sa address na 'to Rodriguez Makati *** * Medical Hospital." Sagot naman ni Four.
"Copy," sagot naman ni Seven saka pinaharurot ang sasakyan nito. At naputol ang linya.