Hindi maintindihan ni Four ang kanyang nararamdman. Habang sinusuklay nito ang buhok ng bata. Para bang may kung ano sa kanyang dibdib na hindi maipaliwanag. Nakita naman ‘yon ni Alma kung kaya mabilis niyang pinahawak ang sanggol kay Aling Kora. Saka dali-dali ‘tong naglakad at nilapitan ang bata. Saka mabilis na hinila ‘to patungo sa kanyang likuran. Pinagtakahan naman ni Four ang kinilos ni Alma dahil pakiramdam niya ay inilalayo sa kanya ang bata. Na para bang ayaw ‘tong mapalapit sa kanya. Agad din niyang itinago ang suklay na ginamit sa buhok ng bata. “Sir, baka po puweding ihatid niyo na kami kay Luna. Baka kasi gising na siya,” dahilan na lamang ni Alma na pilit nilalayo si Peter sa lalaki. “Um, sure.” Wika naman ni Four na walang magawa at muli ‘tong naglakad. Hindi naman n