Nagising si Luna dahil sa iyak ng bata. Dahan-dahan nitong minulat ang kanyang paningin. Hanggang sa masilayan niya ang mukha ng kanyang pamangkin. "Pe-Peter," mahinang bulalas pa niya na hindi makapaniwala dahil nasa kanyang tabi ang pamangkin. Nakita agad ni Luna na ngumiti 'to sa kanya at agad siyang niyakap. "Tita Luna!" Sabik naman na saad ng bata at mahigpit siya nitong niyapos. Mabilis na bumangon ang dalaga sa pagkakahiga at mabilis na umupo saka rin niyakap ang pamangkin na may ngiti sa labi. "Sorry, hindi ko na naman natupad ang promise ko sa 'yo," paumanhin pa nito habang nayakapa sa bata. "Okay lang po 'yon, Tita. Ang mahalaga po ay kapiling na kita at magkasama na tayo," saad naman ni Peter. "Luna, hija. Mabuti naman at gising ka na," masayang saad din ni Aling Kora.