Nakaramdam si Luna ng medyo masakit sa dulo ng sus* nito at hindi komportable dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay ay ngayon pa lang niya 'to narasan. Ang sipsipin ang kanyang niple. Napapakagat na lang siya sa ibabang labi habang pinagmamasdan ang sanggol at iniinda ang sakit. Hanggang sa binitiwan ng bata ang kanyang niple, dahil siguro wala 'tong masipsip at muling umiyak 'to ng malakas. Agad na rin niyang isinuksok ang kanyang sus* sa bra nito, na kanina ay inilabas ng wala sa sarili at inayos ang kanyang damit na parang walang nangyari. Kaya muli ay ini-hele ang sanggol at tudo sayaw-sayaw pa siya na parang dinuduyan ang bata. Habang si Seven naman ay nakamasid lang sa likod ng dalaga na napapahawak na lang sa kanyang batok at niluwagan ang necktie nito. "Grabe, an