Hindi na kumain ng ice cream si Luna pagkagaling nito sa comfort room dahil dumiretso na 'to sa kotse at doon naghintay. Hindi rin nagtagal ay sumunod si Seven. Nagkatinginan pa sila noong pumasok ang binata sa sasakyan nito. "Alam mo, puwede mo naman akong diretsuhin at sabihing may uhog na lumabas sa ilong ko. Hindi 'yong utak na lumalabas. Dahil hindi naman utak 'yong uhog. Ang layo! Nakakahiya sa ibang tao na nakakita," saad agad ni Luna at umikot pa ang mga mata nito. "Wow! HA? Nakakahiya sa ibang tao pero sa akin hindi. Sabagay nakakahiya talaga 'yon," saad nito sa dalaga na napapangiti sa isipan habang nagmaneho. MAKALIPAS ang ilang oras na biyahe ay dumating na sila. Agad na bumaba ng sasakyan ang binata. Sumunod naman ang dalaga kahit kinakabahan 'to. "Ihanda mo ang sarili