MATAPOS kumain ng almusal sina Luna ay agad niyang inihatid ang pamangkin sa pinapasukan nitong school. "Oh, sige na Peter. Pumasok ka na sa loob ng classroom mo," saad pa ni Luna sa pamangkin nito. "Oh, bakit hindi ka pa gumagalaw?" takang tanong ni Luna sa bata at bahagyan pa 'tong yukumo. "Natatakot po kasi akong, baka hindi niyo na naman ako sunduin sa pag-uwi ko mamaya," sagot ni Peter na nag-aalangan pumasok sa loob ng classroom nito. "Hindi na 'yon mangyayari at pangako kapag labasan mo na mamaya makikita mo nandito lang ako na maghihintay sa 'yo at sabay tayong uuwi," pangako naman ni Luna sa bata. "Talaga po?" tanong pa nito na naninigurado. "Oo kaya pumasok ka na sa loob baka ma late ka pa," sagot naman ni Luna. Maglalakad na sana ang bata palayo at papasok na sa loob nang