"Sigurado kang hindi mo kilala ang lalaki na 'to?" Tanong naman ng lalaking nakatutok pa rin ang baril sa uli ni Seven. "Hindi talaga! Dahil kung kilala ko ang lalaki na 'yan. Eh, ‘di sana pinigilan na kitang barilin siya. Hindi, eh. Bagkus sinulsulan pa kita," sagot naman ni Luna na talagang pinanindigan ang kanyang sinabi. "Kung gano'n akin na 'yang baril na hawak mo," utos nito sa dalaga. Nagdadalawang isip naman si Luna kung ibibigay ba niya o hindi ang baril na kanyang hawak. Ngunit wala siyang ibang pagpipilian. "Akin na," saad pa muli ng lalaki. Dahan-dahan na naglakad si Luna patungo sa lalaki. At iniabot ang baril na hinihingi nito. Agad naman na kinuha ng lalaki ang iniabot na baril ng dalaga. Habang si Seven naman ay nakatingin lang kay Luna ng masama habang sinabi sa is