PAGKATAPOS ng mga tagpo na 'yon ay binuhat ni Four ang kanyang anak. Ngunit tiningnan ni Peter ang kanyang ama. "Bakit? Ayaw mo bang magpabuhat?" napatanong tuloy ni Four sa bata. "Mabigat po kasi ako. Saka, gusto ko pong hawakan ang kamay ng Tita Luna ko," sagot nito na nais bumaba. Walang nagawa si Four at agad ibinaba si Peter. Sa pagbaba naman ni Peter ay agad nitong hinawakan ang isang palad ni Luna. Sabay tingin sa kanyang tiyahin. "Oh, bakit?" tanong naman ng dalaga. "May the best tita ako at ngayon may Daddy na ako." Natutuwang saad ni Peter at hinawakan din nito ang isang palad ng kanyang ama. "Masaya ka ba?" tanong naman ni Luna sa bata. "Opo, masayang-masaya po ako. Kahit na maaga akong iniwan ni Mama. Puwede kong sabihin na buo na ang pamilya ko ngayon." Nakangiting saa