Ilang sandali ang nakakalipas mula nang lumapat ang labi ni Seven sa kanyang labi. Hindi maintindihan ni Luna ang kanyang nararamdaman bago at kakaiba sa kanyang pakiramdam. Naamoy pa niya ang mabangong pabango ng binata at nalasahan din niya ang laway nito na parang candy dahil matamis 'yon. Gano'n din si Seven lalo na nong hindi man lang gumagalaw ang labi ni Luna sa kanyang ginagawa. Pakiramdam tuloy nito ay gusto ng dalaga ang ginagawa niyang paghalik. Hanggang sa bigla na lang nagpreno ang sasakyan. Kung kaya nagkahiwalay ang kanilang mga labi. At doon lamang na realize ni Luna na muli siyang hinalikan ng binata. Kung kaya mabilis pa sa alas kuwatro ay maliksi na kumilos si Luna at agad niya 'tong binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura. "F*ck!" Bakit mo ginawa 'yon? Eh, gu