KINABUKASAN ay maagang nagising si Luna. Gano'n din ang mga kasama nito sa loob ng silid. "Hoy, besh! Napaano 'yang labi mo? Bakit may sugat? May kumagat ba sa 'yo?" takang tanong ni Alma kay Luna at nakatingin 'to sa labi na may sugat ng kanyang kaibigan na nagtataka. "Um, wala ah. Sino namang kakagat sa labi ko? Hindi ko nga alam, eh. Nakagat ko yata," pagsisinungaling na sagot ng dalaga. Mayamaya pa ay may kumatok na sa kanilang pintuan. Kung kaya mabilis na pinuntahan ni Luna at binuksan ang pintuan. "Good morning, Ma'am. Nakahain na po ang pagkain at naka ready na rin po ang mga dadalhin sa beach. Bilin po kasi ni Sir Four kagabi na sabihan ko raw po kayo kapag okay na lahat." Saad ng isa sa mga kasambahay ni Four. "Gising na po ba ang mag-ama?" tanong pa ni Luna. "Hindi pa nga