Curiosity Pt. 1 Nagising ako na may dalawang pares ng braso ang nakayakap sa magkabilang gilid ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makitang pati pala si Jade ay nasa tabi ko na at mahimbing ang tulog. Binalingan ko ng tingin si Jayden at nakahinga nang maluwag nang ma-check na wala na siyang lagnat. Maingat kong inalis ang pagkakayakap nila sa aking dalawa at bumangon. Masakit ang mga mata ko sa ilang oras ko pa lang na tulog pero nakasanayan ko nang ipaghanda ng almusal ang dalawa kaya bumangon na ako. Inayos ko ang kumot nila at lumabas na ng kwarto. Napapahawak sa batok na nangalay na tinungo ko ang kwarto para makapaghilamos muna bago ako kumilos para sa agahan. Nabitin sa ere ang paghikab ko pagpasok ng kwarto nang magulat kay Alonzo na naabutan kong nagpupunas ng buhok niy