Curiosity Pt. 2 “S-saan mo ba ako dadalhin?” natataranta kong tanong. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako buhat-buhat ngayon samantalang wala namang problema sa paa ko at kayang-kaya kong maglakad. “Boss, anong nangyari?” salubong sa amin ni Sigmund ngunit hindi siya sinagot ni Alonzo gaya ko at nagpatuloy lang sa mabilis na paghakbang karga-karga ako. Napapikit ako nang mariin nang muling sumigid ang sakit sa kamay, pulsuhan, papanhik sa braso ko nang tangka kong hahawakan si Alonzo para patigilin sa paglalakad. Nang magdilat ako ay doon ko lang natanto kung saan ang tungo namin. Sa klinika pala niya. “Lexie!” sigaw niya na akala mo nasa life and death situation na ako. “What happened to her?” sulpot ng isang babae na nakasuot ng roba pang-doktor. Namukhaan ko siyang si